Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label SSS PENSION. Show all posts
Showing posts with label SSS PENSION. Show all posts

Wednesday, November 24, 2021

Schedule sa pag-release ng December 2021 at 13th Month Pensions ng mga SSS pensioners, inilabas na!






MANILA, Philippines — ISA ang 13th month pay sa mga labis na nagpapasaya ngayong Disyembre sa mga empleyado sa gobyerno man o sa pribadong mga kompanya. Ngunit hindi lamang mga nagtatrabaho ang makakatanggap ng 13th Month Pay, dahil maging ang mga pensioners ng Social Security System o SSS ay makakatanggap din ng kanilang 13th Month Pension!

Magandang balita para sa mga pensioners ng SSS dahil nilabas na ng ahensiya ang schedule ng pag-release ng 2021 December at 13th month pensions para sa mas masayang Pasko!
Para sa mga pensiyonadong regular na tumatanggap ng pension mula una hanggang ika-15 araw ng buwan, matatanggap ninyo ang inyong December at 13th Month Pensions sa December 1.

Sa mga tumatanggap naman ng regular pension sa ika-16 hanggang ika-31 araw ng buwan, matatanggap ninyo ang inyong pension sa December 4.

Disyembre 4 din matatanggap ng mga pensiyonadong nag-avale ng Advance 18th Months Pension ang kanilang 13th Month Pensions.



Ads


Ads

Sponsored Links


Pinasiguro naman ng SSS na nakikipag-ugnayan na ang mga ito sa mga non-PESOnet Banks upang ang pension ay mai-credit sa accounts ng mga pensiyonado sa petsa na hindi lalampas sa ika-14 ng Disyembre 2021.

Para naman sa mga tumatanggap ng pension sa pamamagtan ng tseke, nakikipag-ugnayan na rin ang SSS sa Postmaster General ng Philippine Postal Corporation upang mapabilis na maipadala ang mga ito sa home address ng mga pensiyonado base sa records ng SSS.



©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, July 22, 2021

SSS may mahalagang paalala sa mga retirees na tumatanggap ng pension





MANILA, Philippines — HINDI maikakaila na maraming mga senior citizens ang umaasa sa pagdating ng kanilang buwanang pension mula sa Social Security System o SSS.

Mabilis ang pagdating ng iyong SSS pension kung rehistrado na sa Disbursement Account Enrollment Module o DAEM ang account mo. Ibig sabihin, tumatanggap ka ng pension sa pamamagitan ng mga ATMs o disbursement account na sakop ng mga PESONet banks.

Una nang pinalawig ng SSS hanggang Setyembre 30 ang deadline para sa mga pensioners na lumipat sa mga PESONet banks para sa kanilang tinatanggap na pension.

Ngunit hindi maikakaila na hanggang sa ngayon, may mga tumatanggap pa rin ng pension sa pamamagitan ng tseke.


Ads


Dahil dito, naglabas ngayon ang SSS ng mahalagang anunsyo para sa mga SSS pensioners na tumatanggap ng benepisyo sa pamamagitan ng tseke.

Ayon sa SSS, dahil sa hindi inaasahang kakulangan sa supply ng pension checks na naging dahilan ng pagka-antala ng pagpapadala nito sa mga pensiyonado, ang buwanang pension para sa buwan ng Hulyo at Agosto 2021 ay matatangap sa loob ng dalawang linggo ng Agosto.

Ibig sabihin matatanggap ito ng mga pensioners simula Agosto 1 hanggang 15.


Ads

Sponsored Links



Pinasiguro naman ng SSS na pinoproseso na ang pagbili ng supply ng pension checks at nakipag-uganayan na rin ang SSS sa Philippine Postal Corporation o PPC para mabilis ang pagpapadala  nito sa 13, 393 na mga apektadong pensioners sa buong bansa.

Ang schedule ng pagpapadala sa PPC at pagtanggap ng mga tseke ng mga pensionado ay base sa sumusunod:

Sa mga nasa Metro Manila, matatanggap ang tseke sa loob ng limang working days o mula Agosto 2-6, 2021.

Sa mga taga Luzon, ang tseke naman ay matatanggap sa loob ng pitong working days o mula Agosto 2 hanggang 10, 2021.

Para naman sa mga taga Visayas at Mindanao ang kanilang tseke ay matatanggap sa loob ng 10 working days o simula Agosto 2 hanggang 13, 2021.

©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, July 02, 2021

SSS, may bagong advisory ukol sa monthly pension ng mga pensioners






MANILA, Philippines — SA mga pensioners ng Social Security System o SSS na naghihintay ng kanilang pension, nais ngayong ipa-alam ng SSS sa mga pensioners nito na simula Hulyo 2021, tuwing alas-4:00 na ng hapon ang releasing ng pension sa pamamagitan ng pinakabagong pamamaraan ng disbursement method. 

Sa ilalim ng latest disbursement method sa pamamagitan ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating banks and e-wallets, at Remittance Transfer Companies/Cash Payout Outlets (RTCs/CPOs) bilang disbursement channels, may dalawang batch ng monthly releasing ng pension.


Ads



Ads

Sponsored Links



Ang unang batch ay ibinibigay sa unang araw ng buwan. Para ito sa mga pensioners na ang date of contigency ay mula petsa 1 hanggang 15 ng buwan.

Ang second batch naman ay ibibigay kada ika-16 na araw ng pension month ng pensioner na ang date of contigency ay mula ika-16 hanggang huling araw ng buwan.


Sakaling matataon ito sa mga araw ng Sabado, Linggo o holiday, ihuhulog ang pension sa huling araw ng working day.

Nilinaw naman ng SSS na ang pagbabago sa oras ng paghuhulog ng pension ay ayon sa Memorandum of Agreement ng SSS sa Development Bank of the Philippines o DBP.
©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, May 11, 2021

Deadline sa paglilipat sa PESONet-participating banks ng mga SSS pensioners, pinalawig





MANILA, Philippines — SA halip na Marso 31, pinalawig ngayon ng Social Security System o SSS ang deadline para sa mga pensioners nito na lumipat ng bangko sa ilalim ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network o PESONet hanggang Setyembre 30, 2021.

Ayon sa inilabas na abiso ng SSS, umaabot pa sa 104, 955 ang bilang ng mga pensioners na gumagamit pa rin ng bangko na hindi kasama sa listahan ng mga PESONet participating banks.

Ito umano ang dahilan kung bakit nag-desisyon ang ahensiya na palawigin pa ang deadline para sa mga pensioners na lumipat ng bangko.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio na as of April 2021, nasa 104,995 pensioners pa ang hindi naka-comply ng nabanggit na requirement. Sa nabanggit na bilang, 91, 476 ang tumatanggap ng pension sa pamamagitan ng non-PESONet participating banks, habang sa pamamagitan pa rin ng cheke tumatanggap ng kanilang buwanang retirement income ang natitirang 13, 479.

“The six-month extension from the previously announced deadline of March 31, 2021 came after the approval of the Social Security Commission Resolution No. 141-s.2021 dated March 24, 2021,” 




Ads


Matatandaan na Oktubre 2020 pa sinimulan ng SSS ang pagbabago sa pagbibigay ng pension sa pamamagitan ng PESONet participating banks upang masiguro ang mabilis at mas siguradong transaksiyon sa kabila ng mga reklamo na may iilang mga pensioners ang hindi nakatanggap ng kanilang monthly pension.

Layunin din ng paggamit ng PESONet participating banks na itigil na ang pamimigay ng pension sa pamamagitan ng cheke.

“Ignacio said the extended deadline aims to give SSS pensioners more time to comply with this requirement while community quarantine protocols are still being implemented. This will also give accredited rural banks enough time to complete their applications to be included in PESONet,” 

“Pensioners who have yet to comply with the new requirement will continue to receive their monthly pension following the old disbursement procedures and schedule,” paglilinaw ng SSS.


Ads
(Listahan ng mga PESONet Participating Banks)

Sponsored Links



Samantala sa mga lumipat na o nakagawa na ng account sa PESONet participating banks at e-wallets, matatanggap ng mga ito ang kanilang monthly pension ayon sa revised schedule na unang araw ng buwan o kada ika-16 na araw.

“If the credit date falls on a Saturday, Sunday, or holiday, the pension will be credited on the last working day before it,” 

“SSS pensioners who are confined in an institution such as penitentiary or correctional and those whose pensions are handled through the Special Pension System and Special Voucher are exempted from shifting to the new disbursement method,” pahayag ng SSS.



©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, January 22, 2021

Higit sa P41-B, Mawawala sa SSS Sakaling 'Di Matuloy ang Contribution Hike





MANILA, Philippines — MAHIGIT sa P41 billion na halaga ng contribution umano ang mawawala sa Social Security System o SSS sakaling hindi itutuloy ang naka-schedule na contribution increase ngayong taon.

Ayon kay SSS president and chief executive officer Aurora Ignacio, P41.37 billion na halaga ng contribution ang mawawala sa SSS at pagkaluging nasa P14.90 billion.


Paliwanag ni Ignacio, tataas din ang unfunded liability ng ahensiya na sa ngayon ay nasa P9.46 trillion sakaling hindi matuloy ang pagtataas ng contribution.

Ito umano ang dahilan kung bakit kinokontra ng ahensiya ang proposal ng House of Representatives na ipagpaliban o ihinto ang naka-schedule na contribution rate hike sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.


Ads


Ang nasabing batas ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019 kung saan pinapayagan ang Social Security Commission, ang pinaka-mataas na governing body ng SSS na ipatupad ang 1% na contribution rate kada taon simula 2019 hanggang sa umabot ito ng 15%.


Dahil dito, simula 2021, tataas sa 13% mula 12% ang contribution rate ng SSS.

Paliwanag ni Ignacio na nakaapekto sa pondo ng ahensiya ang coronavirus pandemic dahil sa mga programang ipinatupad ng mga ito kagaya na lamang ng mga sumusunod:
  • Extention ng contribution deadline
  • Advance pension crediting
  • Covid-19 calamity loans
  • Unemployment Benefits
  • Moratorium on loan payments

“Postponing or stopping the implementation of the increase in member contributions will further exacerbate our already dire financial position,” 

“The additional peso contributions are relatively small, ranging from P15 to P100 for employed members, from P30 to P200 for self-employed and voluntary members, and from P80 to P200 for OFW (overseas Filipino worker) members,” ang naging pahayag ni Ignacio.


Ads


Sponsored Links



Paliwanag din ng opisyal na maliit lamang ang dagdag na peso contribution at matagal na umano itong nakaplano para mapalago ang expanded benefits ng SSS na ibinibigay sa mga miyembro simula 2017.

Kabilang umano sa mga expanded benefits ang mga sumusunod:
  • Dagdag na P1,000 monthly benefit allowance
  • Exapanded maternity benefits
  • Unemployment insurance benefits
“When put together, the small scheduled increase in contributions would be equivalent to around P41 billion of benefits and loans to 3.3 million beneficiaries,” 

“This amount should continue to enable the SSS to grant even more benefits and loans for the greater good of the SSS membership, both present and future,” dagdag na pahayag ni Ignacio.



©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, January 19, 2021

Mga Importanteng Reminders Mula sa SSS Upang 'Di Ma-delay ang Pagtanggap ng Pension o Loan!




MANILA — INILABAS ngayon ng Social Security System o SSS ang mga reminders nito sa lahat na mga miyembro at pensioners nito. Bilang isang miyembro, iba't-iba ang benipisyo na maaaring makuha sa SSS, pension naman ang ibinibigay ng ahensiya sa mga retiradong miyembro.

Upang hindi maging pahirapan ang pagkuha ng pension o loan at iba pang benipisyo sa SSS, ina-anyayahan ngayon ng SSS ang lahat na mga miyembro nito na i-enroll ang inyong mga Disbursement Account sa inyong My.SSS. Mas mainam anyang gawin ito bago pa man mag-apply ng loan o iba pang benipisyo.

Sino-Sino ang daapat mag-enroll ng disbursement account?
  • Lahat na employers
  • Lahat na employed members
  • Individually-paying members
  • Sel-employed
  • OFW
  • Voluntary
ALAMIN: Magiging Monthly Contribution Mo sa SSS Simula Enero 2021, Alamin!


Ads


Ano at para saan ang disbursement account?

Ang disbursement account ay maaaring bank account o mobile number ng miyembro o pensioner.

Dito ihuhulog ng SSS ang pera mula sa inaplayang benipisyo o loan. Laging tandaan na ihuhulog lamang ng SSS ang pera sa iyong disbursement account sa pamamagitan ng mga PESONet-participating banks lamang.

Samantala, narito ang anim na simpleng steps para ma-enroll ang inyong disbursement account sa inyong My.SSS online.


Para naman maiwasan ang anumang delay sa proseso ng benipisyo o loan, siguruhin na ibigay lamang ang valid at active na bank account details o mobile numbers at hindi ang mga sumusunod;
  • Sarado o hindi na ginagamit na mga bank-accounts (closed, dormant, frozen)
  • Dollar, joint (and/or), time-deposit accounts
  • Hindi tamang mga bank accounts
  • Invalid na mga mobile number
  • Account name na iba sa pangalan ng miyembro
  • Ibang disbursing bank
  • Prepaid account
  • Mga account na may restrictions

Ads

Sponsored Links

Maliban dito, mababasura naman ang loan application mo kung mapapatunayan ng SSS na mayroon kang duplicate accounts o mobile numbers.

Anong mangyayari kung mali ang nailagay kong disbursement account?

Nangangahulugan lamang ito na hindi mo matatanggap ang loan o benefit proceeds sakaling may mali o error sa inilagay mong disbursement account.

Posible namang abutin ng isang buwan o 30-araw ang re-crediting ng loan o benefit proceeds mo, depende sa proseso at pagwawasto sa mga maling account details.



Sa paglalagay ng bank account number, tandaan na account number at hindi ATM card number ang dapat na ilagay. 

Paano kung walang Account Number ang aking ATM Card?

May mga ATM card na walang account number, sa halit ATM card number ang nakalagay. Sa ganitong sitwasyon, maaari mong itawag sa iyong bangko at hingin ang iyong account number.

Sa paglalagay ng bank account number, siguruhing sunod-sunod ang pagkalagay ng mga numero at walang dash, spaces, o iba pang non-numeric characters.




Paano naman ang paglalagay ng mobile number para sa remittance transfer companies o RTCs at Cash Payout Outlets o CPOs?

Magbibigay ang SSS ng reference number na kakailanganin mo para ma-claim ang benipisyo sa pamamagitan ng text messages. Dahil dito importanteng tama ang mobile number mo at aktibo ang iyong sim card.

Sa pag-encode ng mobile number, ilagay ang 11-digit format na walang +63, walang dash, walang space at walang non-numeric character.





©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, December 15, 2020

SSS Pinag-aaralan Kung Papano Maipapatupad ang P1,000 na Dagdag Pension




MANILA, Philippines — MATAGAL nang panawagan ng mga pensioner ng Social Security System o SSS ang kanilang P1,000 dagdag pension.

Ngunit patapos na ang taong 2020, hindi pa rin ito naibibigay sa kanila.

Kaugnay nito, pinasiguro ng SSS na hindi nila sinasara ang posibilidad na maipatupad ang ikalawang bahagi ng P2,000 na pension increase, ngunit pinag-aaralan umano itong mabuti lalo na't bumaba ang contribution ngayong taon dahil sa pandemyang dulot ng coronavirus disease o Covid-19.


Ads


Sa isang public briefing program na in-ere sa PTV 4, sinabi ni SSS president and chief executive officer Aurora Cruz Ignacio na napakaraming mga miyembro ng SSS ang hindi nakapag-bayad ng kanilang contribution matapos nawalan ng trabaho at dahil na rin sa iba't-ibang community quarantine na ipinatupad na nagiging dahilan ng movement restrictions.

“We are studying this implementation of the second tranche of pension hike because under the law, SSS funds should be actuarially sound before we implement it,” ang naging pahayag ni Ignacio.

Napag-alaman na P1,000 na dagdag pension lamang ang ipinatupad ng SSS noong 2019 mula sa P2,000 na inaprobahang social pension increase.


Ads

Sponsored Links



Ayon sa SSS, ipinagpaliban ang pagpapatupad ng P1,000 dagdag pension ngayon taon matapos pinag-aralan ang epekto nito sa actuarial life ng pension fund.

Paliwanag ni Ignacio, malaking tulong sa pagpapalago ng pondo ng SSS ang ipinatupad na dagdag contribution noong nakaraang taon, ngunit napakalaki din umanong pondo ang inilabas ng SSS sa mga miyembro nito ngayon taon dahil sa pandemya at mga kalamidad.

Kabilang umano rito ay ang calamity loans at unemployment benefit packages na inilabas sa mga binagyo.

“We are now managing our funds because contributions are declining. We want to cover them (pensioners) that’s why we extended the contribution payments to collect these,” dagdag pa ni Ignacio.

Una rito, binigyan ng SSS ang mga miyembro nito ng hanggang Nobyembre 30 na bayaran ang mga hindi nabayarang contributions noong mga panahong may movement restrictions na ipinatupad ng gobyerno dahil sa coronavirus disease o Covid-19 infections.

Ang mga miyembro umanong nakapag-bayad bago pa man ang ibinigay na extended contribution payment deadline ay hindi mapapatawan ng multa.


©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, November 26, 2020

SSS, Magbibigay na ng 13th Month Pension | Schedule ng Releasing Alamin!






MANILA, Philippines — SA mga pensioners ng Social Security System o SSS na matagal nang nagtatanong kung kailan ibibigay ang 13th month pension ngayong Disyembre, may inilabas na na schedule ang SSS kung kailan makukuha ang inyong mga 13th month pay at montly pension para sa buwan ng Disyembre.

Sa infographics na inilabas ng SSS sa kanilang official Facebook Page na Philippine Social Security System o SSS, kinumperma ng ahensiya na simula Disyembre 1, matatanggap na ng mga pensioners ang kanilang December at 13th month pension.

Ads


Ayon kay SSS president at chief executive officer Aurora Ignacio pinoproseso na ang paglilipat ng pondo sa Development Bank of the Philippines (DBP).

“Ililipat na po namin sa DBP by today or tomorrow ‘yung pondo para maibigay na nila sa mga bangko at maging withdrawable na siya on December 1,”

“So 13th month and December pension will be on December 1 tapos po ‘yung second batch ng pensioners will receive ‘yung kanilang December pension ng December 16.” ang pahayag ni Ignacio.


Ads
Sponsored Links


Una nang tiniyak SSS na makakatanggap ng kanilang pensioners ang 13th month pay sa unang ng Disyembre.

Samantala, may aasahan din na cash gift ang mga pensioners ng Government Service Insurance System o GSIS sa darating na unang linggo din ng Disyembre.

Sabi ni GSIS Executive Vice President Nora Malubay, aabot sa mahigit kalahating milyon ang mga pensiyonado ng ahensiya.

©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, November 21, 2020

Mambabatas, Nanawagan sa Agarang Pagbibigay ng P1,000 dagdag pension sa mga SSS Retirees





KORONADAL CITY — PATAPOS na ang taong 2020 ngunit tila wala pa ring balita mula sa Social Security System o SSS kung kailan nila ipapatupad ang P1,000 na dagdag sa social security pension ng mga senior citizens.

Sa kabila ng kaliwa't-kanan na panawagan ng mga SSS retirees na ibigay na ang dagdag na social pension, hanggang ngayon, wala pa ring kasiguruhan kung kailan ito ibibigay ng SSS.

Dahil dito, isang mambabatas na ang nanawagan sa ngayon para sa agarang pagbibigay ng second tranche ng inaprobahang dagdag sa social security pension para sa mga senior citizens.


Ads


Sa ilalim ng House Resolution No. 1366, ipinanawagan ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes ang agarang pagpapatupad ng social security pension para sa mga retirees.

Ayon sa mambabatas, malaking tulong ang P1,000 na increase upang maibsan ang nararanasang krisis na iniinda ng mga senior citizens dahil na rin sa epekto ng iba't-ibang kalamidad na tumama sa Pilipinas, maliban pa sa pahirap na dulot ng coronavirus disease o Covid-19.

“As of this year, 2,150,000 SSS pensioners are at high risk and fail to properly cope with the consecutive tragedies befalling our country from a global pandemic, an economic recession, massive floods, and super typhoons due to the undue delay in the implementation of the second tranche increase of the social security pension,” ang naging pahayag ni Ordanes sa inihalin nitong resolution.

Maliban dito, isang liham din ang ipinadala ni Ordanes kay Pangulong Rodrigo Duterte na may petsang Nobyembre 18 kung saan inihayag nito na libo-libo sa kanyang mga constituent ang nakipag-ugnayan sa kanya para sa mabilisang approval sa pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng dagdag na P1,000 pension.


Ads

Sponsored Links



Napag-alaman na Enero 2019 pa dapat ini-release ang nasabing dagdag pension.

“At present, while we are thankful that Your Excellency has gone above and beyond your call of duty by providing various monetary aid such as the Social Amelioration Program, the Unconditional Cash Transfer, among others, for the benefit of our senior citizens, the successive ravage of the COVID-19 pandemic, an economic recession, massive flooding, and super typhoons have rendered our government’s current efforts to protect our senior citizens simply not enough,” dagdag na pahayag ni Ordanes.

Taong 2017 pa inaprobahan ni Pangulong Duterte ang paunang P1,000 na dagdag monthly pension benefit habang ang second tranche nito na dagdag P1,000 at dapat sanang makukuha ng mga pensioners simula Enero 2019.

Ngunit matapos umanong aprobahan ang dagdag pension para sa mga retirees, bumbaba umano ng 37% o P20.3 billion ang net income ng SSS noong 2017.



©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, October 13, 2020

Sino Ba ang Maaring Maging Legal Beneficiaries sa SSS?



Bilang miyembro ng Social Security System o SSS, importanteng updated ang record mo maging ng iyong mga beneficiaries. Importante ang impormasyong ito, dahil ang mga beneficiaries  ang siyang makikinabang sa benipisyo ng miyembro kung sakaling mamatay ito.

Sa ilalim ng policy at guidelines ng SSS, may sinusunod na order of priority kung beneficiaries ang pag-uusapan. Sa Order of Priority bina-base ng SSS ang desisyon kung sino ang legal na benepisyaryo ng miyembro.

Sinu-sino ang mga beneficiaries ng namatay na SSS member ang nararapat na tumanggap ng death benefits?


Ads


May tinatawag na hierarchy of beneficiaries ang SSS.

1. Primary Beneficiaries

Legal na asawa, hanggang sa siya ay mag-asawang muli
Lehitimo, legal na inampon o ilehitimong anak ng miyembro na hindi pa umabot sa 21-anyos
Kung lagpas sa 21-anyos, siya ay may kapansanan at walang kakayahang suportahan ang sarili dahil sa pisikal o mental disability na taglay simula simula pagkabata o nakuha noong ito ay bata pa.

2. Secondary Beneficiaries

Mga magulang ng miyembro — madalas, sila ang beneficiaries ng mga single na SSS members na walang anak.

3. Designated Beneficiaries

Para sa mga single na walang anak at wala na ring mga magulang, maari silang mag-talaga ng designated beneficiaries. Maaaring italaga bilang designated beneficiaries ng isang SSS member ang mga taong malapit sa buhay nito, na maaring kamag-anak o malapit na kaibigan.

4. Legal Heirs

Kung walang itinalagang benepisyaryo, ang benepisyo ay mapupunta sa kanyang legal na tagapagmana nang naayon sa Law of Succession sa ilalim ng Civil Code of the Philippines.

Ads

Sponsored Links



Ano ang benipisyong matatanggap ng mga SSS beneficiaries?

Kung ang namatay na miyembro ay nakapaghulog ng 36 buwang kontribusyon bago ang semester ng kanyang pagkamatay, makakatanggap ng death pension ang kanyang primary beneficiaries.

Ang legal na asawa ay makakatanggap ng panghabambuhay na monthly death pension hangga't hindi ito nag-aasawang muli.

Ang halaga ng matatanggap ng benepisyaryo ay depende sa halaga ng naihulog ng miyembro pati na rin ang kanyang Credited Years of Service (CYS).


Makatatanggap din ng dependent’s pension ang mga menor de edad na anak ng namatay na miyembro  katumbas ng 10% ng monthly pension o kaya naman P250, alinman ang mas mataas. Ang benepisyong ito ay para lamang sa limang dependent children.  Kung sakaling mayroong lehitimo at ilehitimong anak ang namatay na miyembro, mas binibigyang prayoridad ang lehitimo na anak.

Kung walang primary beneficiary ang miyembrong namatay, lumpsum naman ang matatanggap ng kanyang secondary, designated o legal heirs.
Para naman sa mga miyembrong namatay ng wala pang 36 buwan ang naihulog na kontribusyon, ang kanyang primary, secondary, designated o legal heirs ay makatatanggap ng lump sum benefit.

Walang substitution na pinapayagan.


Magkano naman ang tatanggaping pension ng mga beneficiaries?

Ang minimum na buwanang Death Pension ay P1,000 kung ang miyembro ay mayroong mas mababa sa sampung (10) Credited Years of Service (CYS); P1,200 kung may hindi bababa sa sampu (10 CYS); at P2,400 kung may hindi bababa sa dalawampu (20) CYS.

May P1,000 na additional benefit, epektibo noong Enero 2017.

Samantala, maari namang humingi ng dagdag na mga suporting documents ang SSS depende sa iyong claim.


©2020 THOUGHTSKOTO