MANILA, Philippines — MULING pina-alalahanan ngayon ng Social Security System o SSS ang kanilang mga miyembro at pensioners na mag-ingat sa mga manloloko, offline man o online.
Ito'y matapos naiulat sa Camarines Sur ang entrapment operation ng mga kapulisan laban sa taong nagpapakilalang abogado at empleyado ng SSS. Nanghihingi umano ito ng pera sa 18 biktima kapalit ng pag-proseso nito ng kanilang mga Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card application at ATM cards. Maliban dito, nag-aalok din ang suspek ng trabaho na maging encoders ng ahensiya.
Nilinaw ngayon ng SSS na suspendido pa ang UMID card application dahil sa coronavirus disease o Covid-19 pandemic. Ayon sa SSS, maglalabas sila ng abiso kung kailan ito babalik.
Ads
Naka-post din umano sa Civil Service Commission o CSC website, sa mga pangunahing newspapers sa SSS official website at social media accounts ang mga announcement ng ahensiya at lahat na vacant plantilla positions.
Ayon sa SSS, inisyuhan ng warrant of arrest ang suspek dahil sa paglabag nito sa Article 315 of the Revised Penal Code.
Kaugnay nito, nagbabala din ang SSS sa mga online fixers o mga taong nag-aalok ng SSS services kagaya na lamang ng paggawa ng SSS online account, pag-file ng loan, pag-check ng contribution at iba pa na may kapalit na bayad.
Ayon sa ahensiya, isang paglabag ito sa Republic Act No. 11032. Babala ng SSS, iwasang makipag-transaksiyon online sa mga hindi lehitimong SSS representatives.
Ads
Sponsored Links
Ito'y dahil maaaring malagay sa kompromiso ang iyong SS number at ma-biktima ka ng phishing o fraud. Paalala ng SSS, huwag na huwag ibibigay ang inyong personal data sa mga hindi otorisadong tao dahil maaaring magamit ang account mo sa hindi otorisadong pag-file ng loan sa ilalim ng iyong account.
Pinag-iingat din ng SSS ang mga pensioners sa mga scammers. Ayon sa ahensiya, hindi totoo na may ipinamimigay na COVID 19 Cash Allowance ang SSS sa mga pensioners nito.
Kapag nakatanggap umano ng ganitong text message, huwag ibigay ang inyong SS number o anumang personal na impormasyon upang ma-protektahan ang inyong mga benepisyo.
Paalala ng SSS sa mga members at pensioners, huwag basta maniwala sa mga text o Facebook messages na nanghihingi ng personal at SSS data.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment