MANILA, Philippines — NAGLABAS ngayon ng advisory ang Social Security System o SSS ukol sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng mga ito kasabay ng implementasyon ng General Community Quarantine o GCQ na may kasamang mga restrictions at Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa iba't-ibang bahagi ng bansa.
Kabilang sa mga lugar na nasa General Community Quarantine with heightened or some restrictions ay ang mga sumusunod:
- National Capital Region
- Bulacan
- Rizal
- Laguna
- Cavite
- Baguio City
- Kalinga
- Mountain Province
- Abra
- Benguet
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Quirino
- Bantangas
- Quezon
- Iligan City
- Davao del Norte
- General Santos City
- Sultan Kudarat
- Sarangani
- Cotabato
- South Cotabato
- Lanao del Sur
- Cotabato City
Ayon sa SSS, mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021, 50 porsyento lamang ang operation ng mga SSS branches sa nabanggit na mga lugar. Paalala din ng SSS, nasa skeletal force lamang ang trabaho ng nabanggit na mga brances simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Ads
Sa nasabing period, mananatiling available ang Dropbox System samatalang limitado naman ang walk-in transactions sa ilalim ng Branch Coding System ngunit magiging limitado lamang ito sa mga sumusunod na transaksiyon:
- payment of contributions and loans;
- compliance to SS number applications filed through the SSS website or SSS Mobile App for those who did not upload their supporting documents online;
- pick-up of Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card;
- presentation of original documents to support claim applications;
- use of E-Center facilities for those who have no computer or internet at home; and
- other justifiable reasons.
Ads
Sponsored Links
Samantala, 50% capacity din ang operation ng mga SSS branches na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ay ang mga sumusunod:
- Santiago City
- Cagayan
- Apayao
- Ifugao
- Bataa
- Lucena City
- Puerto Princesa
- Naga City
- Iloilo City
- Iloilo
- Negros Oriental
- Zamboanga City
- Zamboanga Sibugay
- Zamboanga del Sur
- Zamboanga del Norte
- Cagayan de Oro City
- Davao City
- Butuan City
- Agusan del Sur
- Dinagat Island
- Surigao del Sur
Mula Hunyo 16 hanggang 30 ang mga SSS branches sa nabanggit na mga lugar ay mag-o-operate sa pamamagitan ng skeletal force. Ayon sa SSS, mananatiling available ang Dropbox System sa nasabing mga branches habang mananatili namang limitado ang walk-in transactions sa ilalim ng Number Coding System para sa mga sumusunod na transaction
©2020 THOUGHTSKOTO