SA buong Pilipinas, mahigit sa 2.5 million na ang bilang ng mga pensioners ng Social Security System o SSS. Marami sa mga ito ang nai-enjoy sa kanilang buwanang pension matapos ang ilang taong pagtatrabaho. Ngunit maraming mga pensioners din ang nahihirapan at napipilitang magsanla ng kanilang mga ATM cards sa mga private lending companies para sa pang araw-araw na gastusin gaya ng medical needs.
Sa nabanggit na sitwasyon, masasabing hindi nai-enjoy ng mga pensioners ang kanilang hard-earned savings sa SSS dahil nakatali na ang kanilang pension sa mga lending entity at tumatagal ng ilang taon bago pa man mabayaran ang kanilang mga utang.
Ano ang Pension Loan Program?
Sa mga pensioners ng SSS, alam niyo na ba ang tungkol sa Pension Loan Program o PLP ng ahensiya? Taong 2018 sinimulan ng SSS ang pag-aalok ng PLP na may layuning matulungan ang mga retiree pensioners sa kanilang agarang pangangailangang-pinansyal kung saan makakahiram ang mga ito sa mas mababang interes.
Sagot din ito ng SSS sa panawagan ng mga senior citizen sa bansa na tapusin na ang gawaing pagsasanla ng ATM cards bilang collateral para sa mga short-term loans.
Ads
Sino ang kwalipikado sa Pension Loan Program?
Upang maging kwalipikado para makapangutang sa Pension Loan Program, dapat ma-meet ng mga SSS retiree-pensioner ang mga sumusunod na kondisyon:
- Nasa edad 85-anyos old or below bago matapos ang loan term
- Dapat walang outstanding loan balance o benefit overpayment sa SSS mula sa monthly pension
- Walang kasalukuyang advance pension sa ilalim ng SSS Calamity Package
- Dapat tumatanggap na ng regular monthly pension ng hindi bababa sa isang buwan
- Dapat din na "active" ang status ng pension.
Sino naman ang hindi kwalipikado sa Pension Loan Program?
- Hindi naman kwalipikado sa Pension Loan Program ang mga retiree-pensioners sa ilalim ng Portability Law o mga retiree na hindi umabot sa required number of years na itinakda ng batas ngunit maaari pa ring maka-avail ng ibang retirement benefits
- Hindi rin pasok sa Pension Loan Program ang mga nasa pangangalaga o kostudiya ng isang guardian.
Ads
Sponsored Links
Magkano ang loanable amount sa Pension Loan Program?
Ang loanable amount ng retiree pensioner ay base sa basic monthly pension o BMP nito, maliban pa sa P1,000 bilang additional benefit.
Sa ngayon ang maximum loanable amount ay P200,000 na may interest rate na 10% per annum.
Paano mag-file o mag-apply para sa Pension Loan Program?
Dahil mandatory na ang registration sa lahat na mga SSS members at pensioners, kailangan din ng mga itong magpa-rehistro at magkaroon ng account sa My.SSS Portal upang makapag-file para sa Pension Loan Program o PLP online sakaling maging available na rin ang PESONet Payment Facility para sa pension loans.
Maaari bang mag-file online ng Pension Loan Program?
Sa ngayon, renewal pa lamang ng pension loan ang maaaring gawin online. Kailangan din ng isang retiree ng current at aktibong mobile number at isa sa mga sumusunod:
- Valid SSS UMID-ATM enabled ID card
- Valid Union Bank of the Philippines Quick Card na may savings account number na naka-rehistro sa SSS
- Valid Pension Savings Account Number na naka-rehistro sa SSS sakaling maging available na ang PESONet Payment Facility
Para makapag-apply, kailangan ng retiree-pensioner na mag-log in sa kanyang My.SSS account at i-click lamang ang “Pension Loan Application” sa ilalim ng E-Services tab. Kailangan din na sumang-ayon ng retiree-pensioner sa mga terms and condition ng programa upang maipagpatuloy nito ang application. May mga iba pang importanteng impormasyon na kailangan punan at i-click lamang ang “Proceed.” Ang isang retiree-pensioner ay makakatanggap ng email confirmation ng kanyang pension loan application.
Ina-anyayahan din ang retiree-pensioner na i-download at i-print out ag PDF copy ng Disclosure Statement.
Ilang araw ang proseso para matanggap ang loan proceeds?
Ang loan proceeds ay ibibigay sa pamamagitan ng e-disbursement process at ihuhulog sa naka-enroll na savings account ng retiree-pensioner.
Sa mga first-time applicants at retiree-pensioners na gustong mag-apply over-the-counter sa mga SSS branches, dapat lamang sundin ang Branch Number Coding Scheme na ipinapatupad ng SSS o mag-schedule ng appointment online sa pamamagitan ng My.SSS Member Portal.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment