Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, June 01, 2021

ALAMIN: Paano I-Claim ang Covid-Related Benefits sa SSS?





MANILA, Philippines —MAY benepisyong makukuha mula sa Social Security System o SSS at Government Service Insurance System o GSIS ang isang empleyado na nag-positibo sa coronavirus disease o Covid-19.
Ito ang kinumperma ng opisyal ng Employees Compensation Commission o ECC.

Una nang inihayag ng Department of Labor and Employment o DOLE na compensable illness sa ilalim ng Employee Compensation Program ang Covid-19 sa mga sumusunod na kondisyon:
  • Una, nakuha ng empleyado ang Covid-19 sa pinagtatrabahuan nito.
  • Pangalawa, nakuha ng empleyado ang Covid-19 sa mga gawaing may kinalaman sa kanyang trabaho.
Ads


Paliwanag ni Employees' Compensation Commission Executive Director Stella Zipagan-Banawis, sickness benefits ang makukuha ng mga manggagawang hindi naka-pasok ng ilang araw dahil sa Covid-19.

"Yung kanilang makukuhang benepisyo ay 'yung tinatawag na sickness benefits, kung hindi sila nakapasok ng ilang araw mayroon silang daily allowance na ang maximum of P450 per day," saad ni Banawis.


Sakaling hindi makapag-trabaho dahil sa Covid-19, maaaring makakuha ang mga ito ng allowance na hindi lalagpas sa P450 kada araw.

Ayon kay Banawis, posible din ang medical reimbursement para sa sariling gastos sa pagpapa-ospital ng isang manggagawa.


Ads
Sponsored Links



Upang makakuha ang nasabing mga benepisyo, kailangan lamang i-sumite sa SSS ang mga sumusunod:

• Certificate of employment
• Certificate of RT-PCR result from DOH accredited testing facility
• Medical records if hospitalized 

Dagdag pa ni Banawis na pinabilis din ang pagkuha ng claim at kailangang i-proseso sa loob ng 20 working days.


Maliban sa Covid-19, babayaran na rin ng SSS ang mga injuries na nangyari sa bahay ng mga manggagawang nasa work-from-home set-up na ikinokonsidera ngayon bilang workplace.

Ngunit nilinaw ni Banawis na mga work-related injuries lamang ang babayaran.

Napag-alaman na dahil sa Covid-19, maraming mga kompanya ang nagpatupad ng alternate work arrangements simula noong unang Covid-19 lockdown noong Marso 2020.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: