MANILA, Philippines — PARA mahikayat ang mga economic frontliners o mga manggagawang nasa ilalim ng A4 category na magpabakuna kontra coronavirus disease o Covid-19, may inaalok ngayon ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga naka-kompleto na ng kanilang bakuna.
Ayon sa DOLE sa pamamagitan ng Bureau of Workers with Special Concerns o BWSC ang nasabing programa, kung saan mamimigay sila ng libreng bisiklita sa mga nabakunahan na ng dalawang dose o naka-kompleto na ng kanilang Covid-19 vaccination.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na noong nakaraang taon pa inilunsad ang programang Free Bisikleta o FreeBis at ngayong taon, muli umano nilang inilunsad ang BakSikleta, upang mahikayat ang mga tao lalo na ang mga manggagawa na magpabakuna.
Ads
Sinabi ni Bello na hindi lamang bisiklita ang matatanggap ng mga manggagawa ngunit may kasama pa itong cellphone na may P5,000 na halaga ng load.
“Magstart itong incentives na ito sa July 1 para maengganyo ang ating mga workers na magpabakuna na,” sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
“Those workers under the A4 category, who have fully received the vaccines will be given a free bicycle, which the beneficiary can use to start his/her business. It also comes with a cellphone with PHP5,000 worth of load. That is your reward if you show us that you already received two doses of the vaccine starting July 1,” pahayag ni Bello.
“Pero, its not for him, hindi para sa kanya kasi ang programa na yan para sa mga informal sector. Ang mangyayari dyan kung ikaw ay worker, nabakunahan ka na, punta ka sa amin, you will tell us kung kanino namin ibibigay sa mga informal workers, let’s say meron kang kamag-anak na nagtitinda sa palengke, yun ang magiging benepisyaryo,” paliwanag niya.
Malaking tulong na umano ito sa mga nagnanais magsimula ng kanilang negosyo.
Ads
Sponsored Links
Sinabi ni Bello na initial na 2,000 bicycles ang ipamimigay kung saan 1,000 dito ay ipamamahagi sa National Capital Region o NCR habang ang dagdag na 1,000 ay ipapadala sa kanilang mga regional offices sa buong bansa.
Sa mga gustong makibahagi sa programa, maaaring makipag-ugnayan lamang sa DOLE Hotline na 1349 o sa social media account ng BWSC.
Ngayong buwan ng Hunyo sinimulan na ng gobyerno ang pamamakuna sa mga nasa A4 priority list.
Layunin ng FreeBis project ng DOLE na maibsan ang epekto ng pandemya sa pangkabuhayan ng mga manggagawa.
Ang mga ipamimigay na bisiklita ay may kasamang helmet, raincoat, water bottle, thermal bag habang ang android mobile phone ay may kasamang P5,000 na loan sa electronic payment application.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment