Happy Easter po sa lahat! Pansamantala kaming nawala para bigyang kabuluhan ang pagcelebrate ng Holy Week. Ngayon po ay pasko, pasko ng pagkabuhay kaya Merry Christmas!
Anyway, medyo naging malalim ang naging meaning saken ng sinabi ni lovefate ko, nung isang gabi while nagrereklamo ako na masakit ang likod ko, at si Mrs. Thoughtskoto ay busy sa pagaayos ng design sa blog niya
"Dapat ikaw ang pinakahealthy sa ating lahat. Kasi nakadepende kami ni Babytots sayo".
Naisip niyo po ba kung gaano katotoo ang mga katagang ito? Tayo bilang mga asawa, tatay, o nanay, o kuya o ate na mga OFW at dayuhan sa ibang bansa should take care of ourselves, and be healthy kasi nga naman ang ating mga mahal sa buhay, anak, magulang, mga kapatid, at iba pa ay nakadepende sa atin dito man sila o sa Pilipinas. Ang hirap magkasakit, ang hirap mawalan ng trabaho, ang hirap ng isang inaasahan sa buhay.
Meron akong mga ishashare kung paano nga ba natin mapanatiling healthy ang ating katawan at pamumuhay. Healthy Body, healthy mind, and healthy living.
1. Wag Magkumpara.
Sahod, ganda ng mukha, hubog ng katawan, at dami ng kaalaman, kasama pati ari-arian ang pinakacommon na bagay na malimit ikumpara. Sabi nga " Don't compare yourself to others, cause you will be miserable, for always there will be lesser and greater person than yourself." Ang hirap kasi we think of others as perfect when we see them, tayo naman imperfect if we see ourselves. Kung lagi tayo magcocompare, tatanda tayo agad, magkakawrinkles at magkakauban agad. hehe Joke.
2. Be Positive
Ito ba ay gasgas na! yes, sobrang gasgas na, pero bakit ang tao mahilig magmagnify or magenlarge ng mga negative thoughts, ideas and opinions. Be positive lagi, kasi di ba, kung ikaw ay real winner, you find positive ways to solve a problem, not look for problems in the solutions! Ayun sa mga researches, ang laging nag-iisip ng positibo ay maganda ang daloy ng dugo, nakakahinga ng maluwag, nakakatulog ng mahimbing. Kaya kung ikaw ay nakakaramdam ng cramps, naninikip ang dibdib at may insomnia, think positively, at gagaling ka! hehehe
3. Magpasalamat at Maging Nice
May mga taong mabait sa atin, at meron din na hindi, but we have to say thank you lagi. We say thank you. It's just two words pero ang sarap pakinggan, besides 'I Love You'. Thank you words ay libre, at kahit ilang million mong sabihin and you mean it, laway lang ang mawawala sayo. We thank those people na mabait sa atin. They inspires us, they strengthen us, they make us realize that life and this world is a better place to live. We also say thank you sa mga not-so-good sa atin kasi without them, walang drama at excitement ang buhay, and dahil not-so-good sila at nagpuputok ang butse nila, tatanda sila, kukulubot, at magkakasakit while tayo ay beauty faces, younger looking and healthy beings. hehehe
4. Compliment Others
Kung lagi ka nagthathank you, isama mo na rin ang palaging praise at compliment sa ibang tao. "Ganda ng damit mo!" Wag mo na dagdagan ng "Bakit parang kupas?" "Ang yaman talaga ng mamang ito". Wag na idagdag ang "Pwede pautang, bayaran ko sa katapusan". " Oi, blooming tayo ah, mukhang inlab". Without adding "tadtad ng pimples ang mukha mo eh". When you say it, say it nicely, and most importantly, say it honestly and mean it, really.
5. Say Nice things to your head, I mean, yourself.
According sa research, ang tao daw na mabilis tumanda ay yung mga taong di minamahal ang sarili. Kung sinong nagreasearch at kung saan ko nabasa, wag niyo na lang pong itanong, kasi di ko alam ang sagot. Ang mind is our greatest tool, a wise and great mind and understanding, could be a genius pero kung di natin pinapahalagahan ay nagiging sakit. Nakita mo ba ang taong puro problema at stress, ang bilis tumanda di ba? Compliment yourself, treat yourself from time to time. Somewhere in my December 2005 post, napost ko dito ang isang entry ni OG Mandino,"The God Memorandum" ang ganda and it serves as an inspiration sa buhay ko.
6. Maging Tunay na Tao Kung Kumain (Be a human being) (Lol)
There is no need for further explanations or clarifications. Sabi nung tatay ni Edward sa Twilight nung kakagatin niya n asana si James “Remember who you are”. Sabi pa nung wife ni Wolverine sa kanya sa nagleak na Xmen movie “you’re not an animal”
7. MagExercise Tayo Tuwing Umaga
Kanta yan ni Yoyoy Villame di ba? Bakit nga ba mahalaga? Actually pinakamahalaga. It makes our blood circulation better, naiiwasan ang sakit, nadidigest ang kinain. Sa umaga at hapon, I spend time walking, 10-15 minutes. Walking is actually one of the simplest way to exercise.
8. Be Honest
Wala akong hangad kundi magkaroon ng mga kaibigan, kakilala, katrabaho, at minamahal sa buhay na may katangiang ganito. I don't care about positions, bank accounts and properties, salary, looks, or religion - pero kung honest ka, I admire and look up to you. Can we be friends?
9. Take Time to Sleep and Rest WITH Peace
Isa sa pinakahealthy and pinakamagandang ways para mapanatiling healthy ang ating kalusugan at isipan is to take time to rest, atleast 8 hours sleep. Isa ako sa tinamaan nito kaya nilagay ko sa number 9. Halos 12 midnight na ako natutulog lagi, gawa ng baby, at gawa ng studies at kung anu ano pang pinagkakaabalahan ko. Lagi ako nasasabon ni Mrs. Thoughtskoto, at siyang dahilan ng lagi niyang pagtatampo kapag late na ako natutulog. Kaya ngayon, 10:30 PM, lights off na kami. Tama naman talaga sleep with peace, medyo nilakihan ko kasi iba naman yung rest IN peace baka mamisunderstand.
10. Smile and Laugh, it is the Secret of Youthfulness.
Kaya lagi ako nagbabasa ng mga Kablogs post na kwela like Sardonyx kasi natatawa ako sa mga hula niya. Nakakawala ng antok at bagot sa buhay. I also learn na magpatawa using stories about me, and tumawa like no one cares pag kami lang ni Lovefate ko, kasama ang entertainer naming baby. Kita mo naman, 30's na ako, pero mukha pang 20, nyehehehe. Sabi ko lang yun, at blog ko toh! Wear your best smile. And laugh like no one is around if no one is really around, hehehe. It burns the calories fast, it takes away wrinkles and it lessens the white hairs pa!
©2009 THOUGHTSKOTO