Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Loan. Show all posts
Showing posts with label Loan. Show all posts

Wednesday, February 10, 2021

GSIS Enhanced Pension Loan: Sino ang Maaaring Umutang?





MANILA, Philippines — DAHIL sa pandemya, marami ang nangangailangan ng pera. Dahil dito, pinayuhan ng mga financial analysts ang mga Filipino na mangutang sa mga government financial institution sa halip na pumunta sa mga loan sharks na sobrang taas ang interes.

May mga loan program ang Pag-IBIG Fund, Social Security System o SSS, maging ang Government Service Insurance System (GSIS) na inaalok sa kani-kanilang mga miyembro na dapat ikonsidera.

Ngayong Pebrero, inihayag ni GSIS Executive Vice President Nora Malubay na malaki ang maaaring mautang ng mga pensioner ng GSIS sa ilalim ng enhanced pension program na nagsimula din ngayong buwan.


Ads


Magkano ang maaaring i loan?

Sa ilalim ng programa, aabutin nang hanggang P500,000 ang maaaring utangin ng lahat na mga pensioner.

"Ito pong enhanced pension loan, para po ito sa ating old-age pensioners o talaga nang tumatanggap ng pensiyon. Atin pong in-improve 'yung existing loan pension program natin. Paano natin in-improve? Mas malaki po ang kanilang loanable amount dito, maximum na P500,000,” ang naging pahayag ni Malubay sa isang public press briefing.

Para malaman kung magkano ang maaaring utangin, maaaring i-multiply ang basic monthly pension na tinatanggap mo sa 6.


Magkano ang interes?

Nasa 10% naman ang interes ng enhanced pension loan na mababayaran sa loob ng dalawang taon.

Ads

Sponsored Links



Sino ang Kwalipikado?

Kwalipikado sa enhanced pension loan ang lahat na matatandang miyembro ng GSIS. Ngunit kung may loan pa sa GSIS, dapat munang tapusin muna ang pagbabayad ng unang loan.

"Sa ating policy, bago mag-avail ng bagong pension loan, dapat ma-pay muna 'yung old-age pensioners natin ['yung existing loan]” dagdag pa ni Malubay. 

Paano Mag-apply?

Maaari ang over-the-counter application sa mga branches ng GSIS, pero hinihikayat ng ahensiya ang mga old-age pensioners na gawing online ang application para sa kaligtasan ng mga aplikante habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic. 

Ayon sa website ng GSIS, maaaring i-email ang aplikasyon online sa kanilang portal na "Electronic GSIS Member Online (eGSISMO)" o i-email ang requirements sa kanilang branch office. 


Ano ang mga requirements?

Para maka-avail ng nabanggit na loan, mag-sumite lamang ng picture kasama ang UMID e card at application form.

Dapat ding may kasamang diyaryo na may petsa ng araw ng application. Kung walang diyaryo, maaaring kuhanin ang retrato sa tabi ng telebisyon na may pinakahuling petsa o balita sa screen. 


Paano makukuha ang loan amount?

Sa UMID card o eCard ng pensioner ipapasok ang loan kapag naaprubahan ito. 
Napag-alaman na sa regular na pension loan ng GSIS, nasa P100,000 lamang ang maaaring ma-utang sa ahensiya.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, September 22, 2020

5 Easy Steps on How to Pay Your Pag-IBIG Loan Online!




Dahil sa internet, mas naging madali ang buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil sa coronavirus kung saan, hindi advisable ang lumabas kung hindi naman talaga kailangan o importante.

At dahil din sa internet, maraming bagay na ang nagagawa online kabilang na rito ang pag-order ng pagkain, pag-grocery, pag-shopping, maging sa pagbayad ng mga utility bills.
Siyempre, hindi din pahuhuli ang mga government agencies gaya ng Pag-IBIG Fund kung online ang pag-uusapan. Ito'y dahil maari na ring mag-apply ng loan at magbayad ng loan online!

Sa post na ito, pag-uusapan natin kung paano mag-bayad ng loan online sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG! 




Ads


Uri ng Pag-IBIG Loan na maaring bayaran online
  • Housing Loan
  • Multi-Purpose Loan
  • Calamity Loan
Narito ang limang simpleng steps kung paano mag-bayad ng mga loan sa Pag-IBIG sa online. Maliban sa pagbabayad ng loan, alam mo ba na maari ka ring mag-bayad ng iyong mandatory contribution o regular savings online at voluntary savings sa Pag-IBIG? Yes, pwedeng-pwede na po yan sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG!


Ads

Sponsored Links



STEP 1

Pumili lamang sa tatlong uri ng loan kung alin ang iyong babayaran.

Kung housing loan ang babayaran, i-enter lamang ang Housing Account Number.
Pag-IBIG MID Number naman ang hinihingi kung ikaw ay magbabayad ng Multi-Purpose o Calamity Loan.

Sa pamamagitan ng Housing Account Number o Pag-IBIG MID Number, malalaman ng Pag-IBIG ang account name ng borrower na automatic na lalabas sa 'Borrower's Name'.

Huwag kalimutang pumili at i-check ang member category — local o overseas.

Ilagay lamang ang halaga ng amortization at automatic din na ika-calculate ng Pag-IBIG website ang magiging convenience fee o service charge na 1.75% sa halagang iyong ibabayad.

Ilagay lamang ang iyong mobile number o email address para sa payment confirmation.

I-enter ang captcha code. Basahin at i-check ang 'I Agree with the Terms and Condition'.

I-click lamang ang "Next".




STEP 2

Makikita mo dito ang summary ng mga impormasyong iyong ibinigay sa STEP 1. I review lamang ito at kung tama, i-click ang proceed.

Kung may nais ka namang baguhin, i-click lamang ang "Back" at babalik ito sa STEP — 1.


STEP 3

Maaari mong bayaran ang iyong Pag-IBIG loan sa pamamagitan ng Credit o Debit Card.

I-enter lamang ang pangalan, card number, expiration nito at CVV.

Makikita mo rin dito ang total ammount na babayaran mo.

I-click lamang ang proceed.



STEP 4

Hihingan ka ng Pag-IBIG ng OTP o One-time-password na i-sesend sa iyong mobile number.

 I-enter lamang ito at i-click ang 'Submit'.




STEP 5

I-check ang iyong email. Agad na magpapadala ng resibo ang PayMaya bilang partner ng Pag-IBIG Fund sa kanilang Online Payment.

Sa resibo na ito, makikita mo ang iyong transaction number, petsa kung kailan ka nagbayad, payment method, at total amount na iyong ibinayad!


©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, June 18, 2020

SSS Calamity Loan, Bukas at Pwede na Online!, Narito ang mga Dapat Mong Malaman

Binuksan na ng SSS ang kanilang website portal para sa mga miyembro na gusto mag-apply ng calamily loan na a
abot sa P20,000. 
Ito ang tinatawag na Calamity Loan Assistance Program o CLAP via the SSS portal My.SSS. Nandito ang mga dapat mong malaman at proseso sa pag-aapply ng Calamity Loan  
Ads

WATCH THE VIDEO BELOW TO UNDERSTAND ABOUT THE SSS CALAMITY LOAN ASSISTANCE PROGRAM (CLAP)
Ads
Sponsored Links
Sundan ang limang proseso o mga hakbang para sa pag-aapply ng SSS Calamity Loan.


PAANO ANG PAG-AAPPLY NGAYON NG SSS CALAMITY LOAN or CLAP?

Ang aplikasyon para sa loan program ay sa pamamagitan ng  online SSS portal o ang MY.SSS.

ANO ang mga QUALIFICATIONS para sa CALAMITY LOAN?

Ang mga miyembro ng SSS ay makakapag-apply ng calamity loan sa mga paraang ito.

HIndi bababa sa 36 months ng contributions; 
anim sa mga ito ay dapat (6) posted sa loob ng 12 months bago pa ang aplikasyon 

Dapat nagbabayad ng existing loan o hiram bago pa mag-apply ng panibagong loan                       
Dapat hindi nakatanggap ng ayuda galing sa SSS benefit or claim such as:
Permanenteng disability
Death
Retirement Program

Documents needed

WHAT TO PREPARE TO APPLY FOR LOAN?

Duly accomplished Calamity Loan Assistance Application Form (accessible in the sss.gov website)
Barangay Certification
At least one (1) primary ID:
Unified Multi-Purpose ID (UMID)
Passport
Professional Regulation Commission (PRC) ID
Seaman’s Book
Driver’s License
Or two (2) secondary IDs
Company ID
PhilHealth ID
Senior Citizen ID
Voter’s ID
Taxpayer’s Identification Number (TIN) ID

FOR OFW, HOW TO APPLY FOR LOAN AND WHAT ARE THE REQUIREMENTS?

A proxy or a representative in the Philippines. 

Authorization letter from the OFW
Scanned and printed copies of valid ID of the OFW plus the original valid ID of the representative

WHERE TO GET THE LOAN AMOUNT?

Loan proceeds will be transferred to a bank account. If you are planning to apply you need to have a bank account. Once approved, loan proceeds will be credited through member’s enrolled bank account.” 

CHECK BELOW HOW TO CONNECT YOUR BANK ACCOUNT TO YOUR SSS ACCOUNT

WHEN IS THE LOAN PAYABLE?

The loan will be payable in 27 months. The payment will be payable after 3 months of loan approval. Loan interest will be 10 percent per annum. View the video graphics below.


No photo description available.


SSS opens COVID-19 Calamity Loan Assistance Program;

applications to be accepted online

The Social Security System (SSS) on Monday opened its Calamity Loan Assistance Program (CLAP) for its members who are affected by the coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
SSS President and CEO Aurora C. Ignacio said the SSS estimates around 1.74 million potential member-borrowers for the program.
Depending on the average of their monthly salary credit in the last 12 months, members may apply for a loan of up to P20,000.
"We recognize that the impact of COVID-19 is greater than other calamities we have faced in the past. With that in mind, we have extended the payment term of this particular CLAP to 27 months, inclusive of a three-month moratorium period, and have lessened the interest rate to six percent per annum," Ignacio said.
Normally, CLAPs have a payment term of 24 months and an interest rate of 10 percent per annum.
Loan amortizations for COVID-19 calamity loans will begin in the fourth month from their respective approval dates. No advance interest will be charged for the said loan. A service fee of one percent of the loan amount will be charged and deducted from the loan proceeds.
Loan payments not remitted on its due date will bear a one percent penalty per month.
To qualify for the loan, a member must: have at least 36 monthly contributions, six of which should be posted within the last 12 months before the application; have a work or home address within the Philippines as reflected in the SSS database; have not been granted any final benefit such as total permanent disability or retirement; and have no outstanding loans under the Loan Restructuring Program or previous CLAPs.
Members must also be registered at the My.SSS web portal on the SSS website at www.sss.gov.ph to apply for the loan.
"The threat of COVID-19 will likely remain in the coming months. To this end, we have developed an online facility in the My.SSS web portal in which we will receive all calamity loan applications to reduce face-to-face transactions in our branches," Ignacio explained.
Documents proving that a member is a resident of a declared calamity area, which is a usual requirement for the CLAP, will no longer be required for COVID-19 calamity loans since the entire country is placed under the state of calamity.
Member-borrowers may choose to receive their loan proceeds via their respective Unified Multi-Purpose Identification cards enrolled as an ATM, Union Bank of the Philippines Quick Card, or through checks sent to their preferred mailing address.
"Through the CLAP, we are hoping to help with the financial needs of our members who may have lost their sources of income or suffered financial burden due to the COVID-19 situation," Ignacio said.

Qualified members may apply for the said CLAP until September 14, 2020.

©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, June 06, 2020

SSS at Pag-IBIG Bukas na ang Tanggapan Pero May Online pa rin na Transaction

Sa SSS bago pa man pumasok sa loob, magfifill-up muna ng health declaration form para matrace baka sakaling may sakit. Bago makapasok sa loob dadaan muna sa temperature check. 
Ads

Dagsa ang miyembro sa SSS para sa mga transaction dahil hindi lahat ng transaction ay pwede na magawang online. 
Ayun pa kay SSS VP Fernan Nicolas, " Ang online na services natin ay nasa membership,  sa contribution, at sa loans. Ang mga natitirang face to face or over the counter transactions na tinatawag ay para sa mga filing of benefit claims like for example, sickness, maternity, death, retirement and funeral. 
Ads
Sponsored Links

ISA SA PINAKAIMPORTANTENG REQUIREMENTS SA PAG-APPLY NG PAG-IBIG LOAN ay ang CASHCARD. KUNG IKAW AY WALANG CASH CARD KAILANGAN MONG PUMUNTA SA PAG-IBIG BRANCH PARA KUMUHA NG CASH CARD.

Sa Pag-ibig fund naman pwedeng magonline application ng calamity loan, pero bukas na rin ang kanilang mga tanggapan para sa Face to Face na pag-apply ng loan at pagproseso ng mga benefits. Todo higpit din sa mga protocols. Para sa mga nag-apply o mag-aapply ng loans, kailangan ang cashcard. Mahaba din ang pila sa Pag-IBIG dahil minimaintain ang social distancing. Hanggang 300 lang katao ang pwedeng makapagtransaction kada araw. 

Makakahiram ka ng Hindi Bababa sa P10,000 sa DTI, P500 ang Magiging Interes Kada Buwan
Ano ang CASH LOAN CARES program ng DTI? Ang COVID19 Assistance to Restart Enterprises o CARES program ng DTI ay ang simula sa P1B p...

Makakahiram ka ng Hindi Bababa sa P10,000 sa DTI, P500 ang Magiging Interes Kada Buwan
Ano ang CASH LOAN CARES program ng DTI? Ang COVID19 Assistance to Restart Enterprises o CARES program ng DTI ay ang simula sa P1B p...

Alamin Kung Magkano ang Matatanggap Mong SSS Pensyon Base sa Iyong Kontribusyon
Bilang isang miyembro ng SSS, may ideya ka ba kung magkano ang matatanggap mong SSS pension pagkatapos mong magbayad ng iyong kontribusyon?
Bibigyan namin kayo ng idea kung paano ito kinocompute.
7 Mabilis na Paraan Para Makontak ang SSS Kahit Saan Man ang Miyembro

Narito ang 7 paraan para makontak ang SSS lalo na sa panahon ngayon na sarado o limitado ang pagbubukas ng mga opisina nila. Nandito ang mga impormasyon saang panig ka man ng Pilipinas o ng buong mundo para makakonek o makipagugnayan sa SSS

Members of the Pag-IBIG Fund can avail of the calamity loan amounting to 80% of the member's savings, which average around P20,000....


Ano ang CASH LOAN CARES program ng DTI?  Ang COVID19 Assistance to Restart Enterprises o CARES program ng DTI ay ang simula sa P1B p...

Ngayong panahon na kailangang kailangan ng tulong pinansyal o cash ng mga miyembro ng Pag-IBIG, napakahalaga ng pagkakataon na magkaloan. Sa Pag-IBIG fund, merong Multi-Purpose Loan, at merong Calamity Loan
©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, May 09, 2020

SSS Pension Loan Para sa mga Pensyonado up to Php 200K


Sa mga SSS Retirement Pensioners, ito na ang kasagutan sa inyong short term financial needs, ang SSS Pension Loan Program (PLP). Narito ang step by step na proseso paano ang pag-apply sa loan para sa mga pensioners natin. 


Ads

Ano ba ang SSS Pension Loan Program?
Ang mga qualified retirement pensioners na nakabase sa Pilipinas ay maari na mag-apply ng pension loan na hanggang P200,000 na maximum loan amount.
Ads


Sponsored Links

Paano maqualify sa SSS Pension Loan Program?

1. Walumpu't limang (85) taong gulang o pababa sa katapusan ng termina ng pautang.

2. Walang ibinabawas sa buwanang pensiyon, tulad ng natitirang balanse sa ibang pautang ng SSS, sobrang benepisyong binayaran ng SSS at iba pa.
3. Walang paunang pensiyong natatanggap sa ilalim ng SSS Calamity Package
4. Tumatanggap na ng regular na pensiyon na hindi bababa sa isang (1) buwan at ang status ng pensiyon ay "Active" 
Tandaan na kung ang retirement pensioner ay kumuha ng paunang 18 buwang pensiyon, siya ay dapat nakakatanggap na ng kanyang regular pension na hindi bababa sa isang buwan

Tandaan rin na ang retirement pensioner na nasa ilalim ng Portability Law o nasa pangangalaga at kustodia ng isang guardian ay hindi maaring mag-apply sa PLP



Narito ang proseso ng pag-apply ng Pensioners Loan Program


1. Pumunta sa pinakamalapit na SSS Branch upang personal na mag-apply ng inyong Pension Loan
2. Ipakita ang orihinal at magsubmit ng photocopy ng alinmang ID lalo na government IDs' na SSS ID, UMID ID Card, Pasaoprte o Voter's ID. Para sa iba pang ID, tingnan sa ibaba.
3. Hintayin ang resulta ng beripikasyon upang malaman kung ang pensyonado ay kwalipikado sa Pensioners Pension Plan.
4. Pumili ng loan amount o loan term na inaaplayan.


5. I-check ang inyong loan borrower information at detalye ng  loan.
6. Tanggapin ang cash card or quick card ng napiling bangko at i-enroll ang UMID card as ATM sa alinmang sangay ng Union Bank of the Philippines kiosk na pinakamalapit sa inyong lugar.
7. Lagdaan ang mga sumusunod; Pension Loan Application at Disclosure Statement, Photocopies of the ID submitted
8. Punuan at pirmahan ang supplemental Information Sheet at Terms and Conditions ng napiling bangko.

9. Hintayin sa loob ng limang (5) working days ang loan proceeds na ipapasok sa cashcard o UMID card.

Hanggang kailan babayaran? 24 months or years to pay.
Paano binabase ang mauutang? Depende po sa laki ng binabayad o sa laki ng pension.

READ MORE:

Sagot: Kung ninanais na mag 1 month salary loan, kailangan may 36 months na posted na kontribusyon o equivalent na nakapaghulog ng kontribusyon sa loob ng 3 tatlong taon. Kung 2 months na equivalent ng sahod ang ninanais na mailon, kailangan may 72-months na nakapaghulog sa SSS. Para sa kabuuang detalye at mga kasagutan sa mga katanungan andito ang lahat ng Q and A hinggil sa Salary loan ng SSS basahin sa ibaba.

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/03/apply-sss-salary-loan-online.html



Ano-Ano at Magkano ang Makukuha mong SSS Benefits Dahil sa Lockdown at COVID19?

Narito ang 7 paraan para makontak ang SSS lalo na sa panahon ngayon na sarado o limitado ang pagbubukas ng mga opisina nila. Nandito ang mga impormasyon saang panig ka man ng Pilipinas o ng buong mundo para makakonek o makipagugnayan sa SSS, maging makapagtanong o inquire hinggil sa iyong account, sa paraan ng SOCIAL MEDIA, WEBSITE, PHONE, EMAIL, MOBILE APP, SMS/TEXT, SELF SERVICE MACHINES.
More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/sss-contact-details.html


Bilang isang miyembro ng SSS, may ideya ka ba kung magkano ang matatanggap mong SSS pension pagkatapos mong magbayad ng iyong kontribusyon?Bibigyan namin kayo ng idea kung paano ito kinocompute. 
More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/social-security-pension-benefits.html


Ang Social Security System (SSS) ay magbibigay ng P20,000 calamity loan para tulungan ang mga miyembro nito sa gitna ng kinakaharap na krisis dahil sa enhanced community quarantine at paglaban sa sakit na coronavirus disease 2019 o COVID-19) ayun kay SSS head of public affairs Fernan Nicolas.
More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/sss-calamity-loan-online.html



©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, April 04, 2020

SSS P20K Calamity Loan Makapag-apply na Online

Ang Social Security System (SSS) ay magbibigay ng P20,000 calamity loan para tulungan ang mga miyembro nito sa gitna ng kinakaharap na krisis dahil sa enhanced community quarantine at paglaban sa sakit na coronavirus disease 2019 o COVID-19) ayun kay SSS head of public affairs Fernan Nicolas.

Ads

Ayun pa sa opisyales, lalabas ang programa at benepisyong ito sa susunod na dalawang linggo at pwedeng makapagapply ang miyembro ONLINE at hindi kailangang mag-apply ng personal dahil sa nakakahawang sakit na Corona Virus. 

“Pino-program lang po namin ang aming computer system kasi first time po na mago-offer kami ng calamity loan using the online facility, kasi nga po bawal lumabas ang mga tao,” ayun kay Nicolas sa interview sa radyoTV na Dobol B sa News TV. Sundan ang proseso ng pa-aapply ng PAG-IBIG CALAMITY LOAN dito.

“By second week of April po, puwede na po iyang ma-avail. Mai-implement na po namin iyan.”

Ayun pa kay Nicolas, ang mga miyembro ng SSS  also said that SSS na may kasalukuyang salary loan ay pwede pa ring makabenepisyo o makapag-apply ng calamity loan basta ang isang miyembro ay patuloy na nagbabayad ng kanyang loan sa tamang oras. 
Ads


Sponsored Links


“As long as hindi ka delinquent borrower, puwede ka sa calamity loan,” saad ni Nicolas.

Ang bawat aktibong miyembro ay pwedeng makapag-apply ng salary loan online sa pamamagitan ng paglog-in sa MySSS o sa website ng SSS. Sundan dito ang proseso paano makapag-apply ng SALARY LOAN ONLINE gamit ang mobile phone

“Sa regular salary loan, wala ng masyadong documentation na kailangan. May form lang online, at ipa-process po ito ng SSS. Ginagawan po namin ng paraan na maipasok ito sa savings account nila,” patuloy pa ni Nicolas.

Sa mga pensyonado naman ay pwede silang makapag-apply ng SSS Pensioners Loan. Sundan ang SSS PENSIONERS LOAN dito

Ang mga SSS members naman na nawalan ng trabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19, ay pwedeng makakuha ng benepisyo ng unemployment benefit program na pwedeng magbigay sa miyembro ng mahigit sa P20,000, depende sa salary ng isang empleyado. Ito po ay hindi utang at hindi babayaran sa SSS kundi ayuda o tulong dahil sa pagkawala ng trabaho. Dapat miyembro ka ng SSS at nagbabayad sa loob ng 36 months o tatlong taon.


“Ito po ang ayuda natin para makapagsimula sila ulit,” 
SEE ALSO:

Image may contain: phone

©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, March 27, 2020

Apply na ONLINE! Dito Ang Paraan ng PAG-IBIG Calamity Loan Hanggang P20K

NARITO ANG TAGALOG NA MGA TANONG AT SAGOT AT PROSESO, PARA SA PAG-APPLY NG PAG-IBIG FUND CALAMITY LOAN.
Mabilis po ang approval sa PAG-IBIG Fund ng calamity loan, at huwag niyo pong eexpect na bibigay sa inyo ang P20K na buo, kasi nakadepende po yan sa laki ng inyong kontribusyon. Ang iba nakakuha P5K lang, ang iba P10K lang at ang iba naman ay umabot ng P15K to P20K ang nakuhang calamity loan.  Kung wala po kayong cash card, pumunta sa PAG-IBIG at mag-inquire. Narito ang mga tanong at sagot, at ang proseso ng pag-apply ng Pag-IBIG fund calamity loan kahit nasa bahay lang pwede kang makapag-apply. Dito sa link na ito, may mga email address kung saan ninyo ipapadala ang inyong application.  https://www.jbsolis.com/2020/03/pag-ibig-calamity-loan-online.html
Members of the Pag-IBIG Fund can avail of the calamity loan amounting to 80% of the member's savings, which average around P20,000. 
SUNDAN PO ANG STEP BY STEP NA PROSESO DITO 

BASAHIN ANG TAGALOG NA TANONG AT SAGOT HINGGIL SA MULTI-PURPOSE LOAN o CALAMITY LOAN SA IBABA

NASA IBABA DIN ANG LINK ng FORM na PUPUNAN para sa CALAMITY LOAN at MULTI-PURPOSE LOAN ng PAG-IBIG.
Ads

Ads
Sponsored Links


Ito ang mensahe ng Pag-IBIG hinggil sa pag-aapply ng CALAMITY LOAN ONLINE gamit ang email. Nasa ibaba po ang mga email address depende kung saang panig man po kayo ng mundo. 

BASAHIN ANG TAGALOG NA TANONG AT SAGOT HINGGIL SA MULTI-PURPOSE LOAN o CALAMITY LOAN SA IBABA
UPDATED as of March 22:
We heard you. We have updated the loan application process to accommodate members who have no access to a printer.
If you do not have access to a printer, you may opt to follow the steps below to digitally fill out loan forms.
Kung hindi maidownload, buksan o kopyahin ang link at ilagay sa Google Chrome Browser or kahit saang browser gamit ang mobile phone
1. Fill out the Fillable Loan Form. Para Idownload ang MULTI PURPOSE LOAN FORM, CLICK ITO!
- Click this link for the fillable Multi-Purpose Loan (MPL) Form https://www.pagibigfund.gov.ph/…/SLF065_MultiPurposeLoanApp…
- Click this link for the fillable Calamity Loan, para naman sa CALAMITY idownload ito Form https://www.pagibigfund.gov.ph/…/SLF066_CalamityLoanApplica…
- Fill out Fillable Loan Form, no need for signature
2. Save the filled-out form as PDF file
3. Send the PDF file via email to you company HR, authorized company representative, or Fund Coordinator along with (1) valid ID and the front and back images of your Loyalty Card Plus, or Landbank, UCPB or DBP cash card.

The company HR, authorized representative, or Fund Coordinator shall e-mail the following to the Pag-IBIG Fund email address designated for your area:
1. Your loan application and requirements
2. The filled-out ‘Employer Confirmation of STL Application’ bearing your name. Your authorized company representative or Fund Coordinator can download this fillable form via this link https://www.pagibigfund.gov.ph/…/Email-Format-Employer-Conf…
Note: Please download an Adobe Acrobat Reader to use the Fillable Forms
BASAHIN ANG TAGALOG NA TANONG AT SAGOT HINGGIL SA MULTI-PURPOSE LOAN o CALAMITY LOAN SA IBABA


SEND YOUR MPL & CALAMITY LOAN APPLICATION VIA EMAIL
Your safety is our priority. That’s why members nationwide can #StayHome and #KeepSafe while transacting with Pag-IBIG Fund.
You may NOW EMAIL your Multi-Purpose Loan (MPL) or Calamity Loan (CL) application to the following email addresses assigned for you based on your work or office address.

NCRNorth@pagibigfund.gov.ph for members served by our GMA Kamuning, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, Cubao, Marikina, Caloocan – EDSA, Valenzuela, Pasig, Mandaluyong - Shaw Zentrum and Antipolo branches

NCRSouth@pagibigfund.gov.ph for those served by our Makati-Buendia I, Binan, Makati-Ayala Avenue, Makati-Buendia II, Makati-JP Rizal, Taguig - Gate 3 Plaza, Guadalupe-EDSA, Muntinlupa, SM Aura, Intramuros, Sta. Mesa, Binondo, Pasay, Las Pinas-Robinsons Place, Paranaque, Imus, Rosario, and Dasmarinas branches

Ilocos@pagibigfund.gov.ph for members served by our La Union, Laoag, Vigan, Dagupan, Urdaneta, and Baguio branches

Cagayanvalley@pagibigfund.gov.ph for those served by our Tuguegarao, Solano, and Cauayan branches

Centralluzon@pagibigfund.gov.ph for members served by our San Fernando, Tarlac, Angeles, SBMA, Balanga, Malolos, Baliwag, Cabanatuan, and Meycauayan branches

Southerntagalog@pagibigfund.gov.ph for members served by our Lucena, Batangas, Lipa, Calamba, San Pablo, Sta. Rosa, Calapan, and Palawan branches

Bicol@pagibigfund.gov.ph for members served by our Legazpi and Naga branches

Centraleastvisayas@pagibigfund.gov.ph for those served by our Cebu-Ayala, Dumaguete, Talisay, Toledo, Cebu-Colon, Mandaue, Danao, Mactan, Tagbilaran, Tacloban, Calbayog, and Ormoc branches

Westvisayas@pagibigfund.gov.ph for members served by our Iloilo-Manduriao, Iloillo-Molo, Kalibo, San Jose de Buenavista, Roxas, Bacolod, Kabankalan, and Sagay branches
Northmindanao@pagibigfund.gov.ph for those served by our CDO-Lapasan, CDO-Carmen, Valencia, Butuan, San Francisco, Surigao, and Iligan branches


Westmindanao@pagibigfund.gov.ph for members served by our Zamboanga, Dipolog, and Pagadian branches

Southwestmindanao@pagibigfund.gov.ph for members served by our Davao-Bajada, Davao-Matina, Davao-Lanang, Digos, Tagum, Panabo, General Santos, Polomolok, Koronadal, Kidapawan, and Cotabato branches







Narito ang mga sagot sa karaniwang tanong tungkol sa ligtas na pag-apply ng Multi-Purpose Loan (MPL) at Calamity Loan gamit ang EMAIL. Patuloy kaming magdaragdag ng impormasyon dito, kaya’y i-BOOKMARK ang page na ito upang manatiling updated.


Maraming Salamat po.

1. Ano po itong MPL and CL E-Mail Filing ng Pag-IBIG Fund?

Ito po ang pinakaligtas na paraan para makapag-apply ka ng Pag-IBIG Fund Multi-Purpose Loan (MPL) or Calamity Loan ngayong lahat tayo ay nag-iingat laban sa COVID-19.


2. Paano po ang proseso ng E-Mail Filing? Paano ako makakapag-apply ng MPL o Calamity Loan sa ngayong wala kaming pasok sa kumpanya at hindi kami maaaring lumabas ng bahay?

Habang tayo ay umiiwas sa panganib na dulot ng COVID-19, sundin po ang mga sumusunod upang makapag-apply ng MPL o Calamity Loan: 
Kung hindi maidownload, buksan o kopyahin ang link at ilagay sa Google Chrome Browser or kahit saang browser gamit ang mobile phone
Magdownload ng MPL 
(NANDITO ANG FORM NG MULTI-PURPOSE LOAN

o Calamity Loan application form 
(NANDITO ANG FORM NG CALAMITY LOAN) 

mula sa Pag-IBIG Fund website. I-print ito, punan ang kailangang impormasyon at pirmahan. Kasama na din po dapat ang pirma ng dalawang (2) witnesses 
I-scan o kunan ito ng litrato upang maipadala sa inyong company HR, authorized representative o Fund Coordinator. Sila naman ang magpri-print nito para pirmahan ang Application Agreement portion. Matapos nila itong pirmahan, sila naman ang mag-iiscan o kukuha ng litrato dito upang ipadala pabalik sa inyo 
I-scan o kunan ng litrato ang isang valid ID, at ang iyong Landbank, DBP, UCPB Cashcard o Loyalty Card Plus, kung alinman ang mayroon ka. Kung Loyalty Card Plus and ipapadala, kunan ng malinaw ang harap at likod ng card. 
Ipadala ang inyong loan application na may pirma mo at ng inyong employer, valid ID at cashcard sa email address na inilaan ng Pag-IBIG Fund sa iyo, na base sa main office ng iyong employer. 
Puwede din naman na ang employer ninyo na ang mag-email ng inyong application form at ibang documentary requirements sa email address na inilaan ng Pag-IBIG Fund sa inyo, na base sa main office ng iyong employer. Depende na po ito sa usapan niyo sa inyong employer. 


3. Paano kung wala akong scanner at printer sa bahay, may ibang paraan ba para mag-apply?


Kapag ganito ang sitwasyon, gamitin po ninyo ang fillable forms sa aming website. Narito po ang proseso: 
Gamit ang smartphone o computer, punan ang MPL o Calamity Loan Fillable Application Form na maaaring ma-download mula sa Pag-IBIG Fund website. 
I-save ang kinumpletong form. Hindi niyo na kailangan i-print at pirmahan ang fillable form na ito. 
I-email sa inyong company HR, authorized representative o Fund Coordinator, kasama ang litrato ng isang valid ID niyo, ganun din ang litrato ng iyong Landbank, DBP o UCPB Cashcard o ‘di kaya ay Loyalty Card Plus. Kung Loyalty Card Plus ang inyong ipapadala, kunan ng malinaw na litrato ang harap at likod ng card. 
Sa ganitong proseso, ang inyong company HR lamang ang maaaring magpadala via email ng inyong loan application sa Pag-IBIG Fund. Sila ay maglalakip ng isang certification na nagpapatunay na ikaw ay empleyado ng kanilang kumpanya at tunay na nag-aapply para sa Pag-IBIG Fund MPL o Calamity Loan. 



4. Bakit kailangan pang pirmahan o i-certify ng company ko ang loan application ko?


Ito po ay isang paraan ng Pag-IBIG Fund upang protektahan ang inyong benepisyo at maseguro na ang inyong loan application ay lehitimo. Paraan din ito upang i-certify ng inyong employer ang inyong kakayanang mabayaran ang inyong Pag-IBIG Fund MPL o Calamity Loan.


5. Kailangan pa po ba ng payslip? Sarado po ang opisina namin ngayon. Hindi ako makakakuha ng requirements.


Hindi na po ito kailangan sa pansamantalang prosesong ito.


Ang pagpirma sa Application Agreement o pagpapadala ng Employer Confirmation of STL Application ng inyong employer ay sapat na upang magpatunay na kayo ay may kakayahang humiram sa MPL or Calamity Loan program ng Pag-IBIG Fund at nagpapakita ng pagsang-ayon nila na ibabawas sa inyong suweldo ang buwanang bayad sa inyong loan sa oras na ito ay kailangang bayaran na.


6. Puwede na ba akong mag-apply ng Pag-IBIG Fund MPL?


Kung ikaw ay may at least 24 monthly savings (contributions), puwede ka ng mag-apply. Hindi po kailangang tuloy-tuloy ang hulog. Ang importante ay may isang hulog ka within the last six (6) months


7. Magkano ang mahihiram ko sa ilalim ng Pag-IBIG Fund MPL?


Ang mahihiram ninyo ay hanggang 80% ng inyong kabuuang naipon sa ilalim ng iyong Pag-IBIG Regular Savings na binubuo ng hinuhulog mo buwan-buwan, yung counterpart na hulog ng iyong employer (kung ikaw ay employed), at yung kinikitang dibidendo ng iyong hulog taun-taon.


8. Puwede na din ba akong mag-apply ng Pag-IBIG Fund Calamity Loan?


Kung ikaw ay naninirahan o ‘di kaya’y ang iyong trabaho ay nasa isang lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine, at may at least 24 monthly savings (contributions), puwede ka nang mag-apply. At tulad sa Pag-IBIG Fund MPL, hindi po kailangang tuloy-tuloy ang hulog. Ang importante ay may isang hulog ka within the last six (6) months



9. Magkano po ang mahihiram ko sa ilalim ng Pag-IBIG Fund Calamity Loan?


Katulad ng MPL, ang mahihiram ninyo ay hanggang 80% ng inyong kabuuang naipon sa ilalim ng iyong Pag-IBIG Regular Savings na binubuo ng hinuhulog mo buwan-buwan, yung counterpart na hulog ng iyong employer (kung ikaw ay employed), at yung kinikitang dibidendo ng iyong hulog taun-taon.


10. May existing Pag-IBIG Fund MPL po ako. Maaari pa din ba akong mag-Calamity Loan?


Opo, basta’t updated kayo sa pagbabayad ng inyong MPL at kung mayroon man, ng inyong Pag-IBIG Fund Housing Loan, bago ipatupad ang enhanced community quarantine nitong Marso 16, 2020.Kukuwentahin po namin ang 80% ng inyong Pag-IBIG Regular Savings at kung magkano pa ang balanse ng inyong MPL. Ang diperensya ang halagang inyong mahihiram.


11. Paano naman kung may existing Pag-IBIG Fund MPL po ako. Maaari pa din ba akong mag-MPL uli?


Opo, basta’t may at least anim (6) na buwang bayad na kayo sa inyong existing MPL. Dapat din ay updated kayo sa pagbabayad ng inyong MPL, at kung mayroon man, sa inyong pagbabayad sa inyong Pag-IBIG Fund Housing Loan, bago maipatupad ang enhanced community quarantine nitong Marso 16, 2020. Ibabawas na lamang po namin sa inyong mahihiram ang balanse ng inyong existing MPL.


12. Gaano katagal bago ma-approve ang loan ko?


Oras na matanggap namin mula sa inyo o sa inyong employer ang inyong loan application at ang kumpletong requirements nito, maaari po ninyong matanggap ang inyong loan sa loob ng pito (7) hanggang dalawampung (20) araw. Humihingi po kami ng konting pasensya at pang-unawa kung mas matagal kaysa dati ang pag-process ng inyong loan dala ng kasalukuyan nating sitwasyon.



13. Ano po ang mangyayari sa loan application ko na nai-submit ko bago ipatupad ang enhanced community quarantine dito sa aming lugar?


Patuloy po ang pagpoposeso namin ng mga loan applications na natanggap bago ipatupad ang enhanced community quarantine.


14. Paano ko malalaman kung approved ang loan ko?


Makakatanggap po kayo ng text message mula sa Pag-IBIG Fund kung ang inyong loan ay na-approve at nai-credit na sa inyong Loyalty Card Plus, LandBank, DBP o UCPB cashcard. Paalala po, walang processing fee sa pagproseso ng inyong loan.


15. Saang email address po ipapadala ang loan application?


Ipadala po ninyo ang inyong aplikasyon at ang mga kalakip na requirements nito sa email address na nakalaan para sa inyo. Puwede din na ang employer mo ang magpadala ng inyong aplikasyon, muli, depende sa usapan ninyo. 
NCRNorth@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employers na sakop ng aming GMA Kamuning, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, Cubao, Marikina, Caloocan – EDSA, Valenzuela, Pasig, Mandaluyong - Shaw Zentrum and Antipolo branches 
NCRSouth@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employers na sakop ng aming Makati-Buendia I, Binan, Makati-Ayala Avenue, Makati-Buendia II, Makati-JP Rizal, Taguig - Gate 3 Plaza, Guadalupe-EDSA, Muntinlupa, SM Aura, Intramuros, Sta. Mesa, Binondo, Pasay, Las Pinas-Robinsons Place, Paranaque, Imus, Rosario, and Dasmarinas branches 
Ilocos@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employer na sakop ng aming La Union, Laoag, Vigan, Dagupan, Urdaneta, and Baguio branches 
Cagayanvalley@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employer na sakop ng aming Tuguegarao, Solano, and Cauayan branches 
Centralluzon@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employer na sakop ng aming San Fernando, Tarlac, Angeles, SBMA, Balanga, Malolos, Baliwag, Cabanatuan, and Meycauayan branches 
Southerntagalog@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employer na sakop ng aming Lucena, Batangas, Lipa, Calamba, San Pablo, Sta. Rosa, Calapan, and Palawan branches 
Bicol@pagibigfund.gov.ph 



Para sa mga miyembro at employer na sakop ng aming Legazpi and Naga branches 
Centraleastvisayas@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employer na sakop ng aming Cebu-Ayala, Dumaguete, Talisay, Toledo, Cebu-Colon, Mandaue, Danao, Mactan, Tagbilaran, Tacloban, Calbayog, and Ormoc branches 
Westvisayas@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employer na sakop ng aming Iloilo-Manduriao, Iloillo-Molo, Kalibo, San Jose de Buenavista, Roxas, Bacolod, Kabankalan, and Sagay branches 
Northmindanao@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employer na sakop ng aming CDO-Lapasan, CDO-Carmen, Valencia, Butuan, San Francisco, Surigao, and Iligan branches 
Westmindanao@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employer na sakop ng aming Zamboanga, Dipolog, and Pagadian branches 
Southwestmindanao@pagibigfund.gov.ph 


Para sa mga miyembro at employer na sakop ng aming Davao-Bajada, Davao-Matina, Davao-Lanang, Digos, Tagum, Panabo, General Santos, Polomolok, Koronadal, Kidapawan, and Cotabato branches











©2020 THOUGHTSKOTO