Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, October 14, 2020

Paano Mag-Apply ng Salary Loan sa Pag-IBIG Fund?




Maliban sa housing loan na main purpose ng Pag-IBIG Fund, alam mo ba na bilang isang Pag-IBIG member, maa-ari ka ring mag-apply ng Pag-IBIG Salary Loan?

Kilala din sa tawag na Pag-IBIG Multipurpose Loan ang Pag-IBIG Salary Loan. Isa itong cash assistance program na maaaring i-avail ng mga Pag-IBIG member. Kung ikaw ay kwalipikado, maaari kang maka-loan ng hanggang sa 80% ng iyong Pag-IBIG regular savings. Madali rin ang proseso ng loan basta't kumpleto ka sa mga requirements na kinakailangan.


Ads


Ngayon, paano mag-apply ng Pag-IBIG Salary Loan?

Para ma-qualify sa Pag-IBIG Salary Loan, kailangang kumpletuhin ng miyembro ang mga sumusunod na requirements;
  • May total Pag-IBIG Fund savings na P4,800 o hindi bababa sa 24 monthly Membership Savings (MS)
  • Nakapag-hulog ng Membership Savings sa nakaraang anim na buwan bago pa man ang petsa ng loan application
  • May sapat na proof of income
Sa mga Pag-IBIG members naman na may kasalukuyang Pag-IBIG Housing Loan o Pag-IBIG Calamity Loan, importanteng hindi default ang account sa petsa ng application.


Anu-ano ang mga requirements para sa Pag-IBIG Salary Loan?
  • Photocopies ng dalawang ID with picture at pirma.
  • Latest payslip kung saan makikita ang buwanang sweldo
  • Napunan na Pag-IBIG Multi-Purpose Loan Application form.
Kailangang active din ang membership sa Pag-IBIG ng isang miyembro sa panahon ng kanyang loan application at may hindi bababa sa limang contribution sa nakaraaang anim na buwan.

Kailangan din sa application form ang impormasyon ng iyong employer kung kaya't importante ihanda ang mga sumusunod;
  • Signature of Office Head/ or Authorized Representative
  • Employer/Company Name
  • SSS/GSIS No.
  • Agency Code and Branch Code

Ads

Sponsored Links

Paano ang proseso ng loan application?

Kung sa tingin mo, kwalipikado ka paga sa pag-apply ng Pag-IBIG Salary Loan at nakumpleto mo na rin ang mga dokumentong kinakailangan, isumite lamang ito sa inyong HR officer at makipag-ugnayan sa kanila para sa iyong application.

Kung ikaw naman ay self-employed, maaring bumisita sa pinaka-malapit na Pag-IBIG Branch sa inyong lugar at doon ipasa ang mga requirements para sa approval.

Dahil sa pandemya, inanunsyo ng Pag-IBIG na tumatanggap na rin sila ng loan application online. Para sa mga employed members, pareho lamang ang proseso, kailangan lamang isumite sa inyong HR Department ang mga requirements at sila na ang bahala sa application mo, pero kailangan mo ring i-follow up.

Sa mga self-employed naman, maaring mag-apply ng Pag-IBIG Salary o Multipurpose Loan at iba pang short term loan, maging ng housing loan sa Virtual Pag-IBIG platform —https://www.pagibigfundservices.com/virtualpagibig/

Paano Ko Matatanggap ang Aking Salary Loan?

Kung walang magiging problema sa loan application, agad itong aaprobahan ng Pag-IBIG at matatanggap mo ang iyong hiniram na pera aliman sa mga sumusunod;

  • Crediting to your disbursement card
  • Check issuance
  • Bank transfer through Landbank, DBP, or UCBP cash card
  • Loan issuance to your Pag-IBIG Loyalty Card Plus
Saan Ko Babayaran ang Aking Pag-IBIG Salary Loan?

Importanteng bayaran sa takdang panahon ang loan para maka-iwas sa mataas na interes. Ang Pag-IBIG Salary o Multipurpose Loan ay maaring bayaran sa loob ng 24 bulan at may grace period na dalawang buwan.

Ang Pag-IBIG Loan ay maaring bayaran sa pamamagitan ng salary deduction para sa mga employed members.

Over the counter naman o sa mga Pag-IBIG offices o online maaring ang loan ng mga Individual payers.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: