Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, October 12, 2020

SSS, Binatikos Dahil sa Delayed Pension ng mga Retirees




Hindi maikakaila na napakaraming mga pensioner sa buong bansa ang umaasa lamang sa kanilang pension mula sa Social Security System o SSS lalo na ngayong panahon na may pandemya.

Kung may regular na nakakatanggap ng pension, may mga namomroblema naman dahil hanggang sa ngayon, naantala ang pagtanggap ng kanilang pension.

Hindi naman ito pinalampas ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo at binatikos ang SSS ukol sa pagka-antala ng pension benefits ng mga retirees, maliban pa sa kalituhang dulot ng pagbabagong pinatutupad ng ahensiya.


Ads


Panawagan ni Castelo sa SSS, resolbahin agad ang isyu. Ito'y matapos ang ulat na may mga pensioners na nasa edad 70-anyos pataas na dumagsa sa member's assistance center sa Quizon City para alamin ang status ng kanilang delayed pension.

“These are senior citizens who should be staying home. By going out to inquire about their pension, they exposed themselves to the infectious new coronavirus,” Castelo said.  “Our elderly need their monthly benefit, which is barely enough for their medicines,” ang naging pahayag ni Castelo.

Naniniwala naman ang mambabatas na ang kalituhang dulot ng binagong schedule ng pagpapalabas ng pension ang posibleng dahilan ng delay.


Ads

Sponsored Links



Ipinaliwanag nito ang sinabi ng SSS spokesman sa isang balita sa TV na ang pagpapalabas ng pension ay ayon na sa birthday ng isang pensioner. Nire-require din umano ang mga pensioner na mag-register online para doon sa mga may internet sa bahay habang kailangang namang tumungo sa mga SSS office para magpa-rehistro ang mga walang internet access.

Dahil dito, kinwestyon din ni Castelo ang SSS sa pagbabagong ginawa sa pagbabayad ng pension sa gitna ng panahon ng pandemya.


“Again, why introduce these changes amid the pandemic even if the objective is to save money by discarding the practice of issuing checks? Why expose our senior citizen-retirees to health and physical risks unnecessarily?” dagdag na pahayag ni Castelo.



Simula ngayong Oktubre, bagong sistema na sinusunod ng SSS sa pagpapalabas ng monthly pension at ito ay dadaan na sa disbursement facility ng DBP sa pamamagitan ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) at DBP-accredited remittance transfer companies o cash payout outlets.

Binago na rin ang petsa ng pagbibigay ng pension, ibig sabihin sa unang araw ng buwan makatatanggap ng pensiyon iyong mga may birthday mula 1 to 15. Tuwing ika-16 na araw ng buwan naman makatatanggap ng pensiyon iyong mga may kaarawan mula 16 hanggang 31.

Sakali namang mataon sa weekend o holiday, ang pension ay ibibigay sa huling working day.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: