Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Thursday, October 08, 2020

Requirements para sa National ID System, Alamin!




MANILA — FIVE million low-income households. Yan ang target ng Philippine Statistics Office o PSA na ma-rehistro para sa National ID System ng bansa kung saan magsisimula na sa Oktubre 12 ang mass pre-registration nito.

Kaugnay nito, ininspeksyiyon na ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang mga makinang gagamitin para sa pag-imprenta ng Philippine Identification System (PhilSys) card o national ID card.

Ang BSP ang naatasang mag-imprenta ng nasabing mga ID cards.

Pictures: Ilan sa mga machines na gagamitin sa National ID Printing!



Ayon kay Diokno, na sa pamamagitan ng national ID, magiging madali para sa mga Pinoy na makapag-bukas ng account sa mga bangko at iba pang bank transactions. Makakatulong din umano ito upang mapabilis ang distribution ng mga welfare grants sa mga tao.


Ads


Buwan ng Hulyo unang itinakda ang mass registration ngunit ilang beses na iniurong dahil na rin sa novel coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa pag-arangkada ng mass registration, 32 mga probinsiya na may mababang Covid-19 cases ang mauuna na kinabibilangan ng mga sumusuod;
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan
  • Cagayan
  • Isabela
  • Bataan
  • Bulacan
  • Nueva Ecija
  • Pampanga
  • Tarlac
  • Zambales
  • Batangas
  • Cavite
  • Rizal
  • Laguna
  • Quezon
  • Albay
  • Camarines Sur
  • Masbate
  • Antique
  • Capiz
  • Iloilo
  • Negros Occidental
  • Bohol
  • Cebu
  • Negros Oriental
  • Leyte
  • Compostela Valley
  • Davao del Norte
  • Davao del Sur
  • Davao Occidental
  • Tawi-Tawi
Bahagi ng registration process ang pag house-to-house sa mga napiling pre-registrant upang makuha ang kanilang impormasyon at bibigyan din ang mga ito ng schedule para sa kanilag pagbisita sa registration center para sa biometrics at pag-fill up ng forms.
Magsisimula naman umano ito sa Nobyembre 25.


Ads

Sponsored Links



Nilinaw naman ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista na boluntaryo lamang ang registration ngunit ina-anyayahan ang lahat na mga Filipino na sumailalim sa proseso dahil mapapadali ng national ID ang pagbibigay ng government services at assistance lalo na sa mga mahihirap na pamilya.

“Sa batas po natin, lahat po ng Pilipino at resident aliens natin dito sa Pilipinas, pati po ang Pilipino na nasa abroad, ay puwedeng mag-apply para sa national ID pero voluntary. Voluntary po kasi ito,” pahayag ni Bautista.

“Pero ini-encourage po namin ang pag-apply at pagkuha ng national ID…Dadating po tayo doon sa time na lahat ng transaksyon sa government ay hihingian na po ng national ID ang isang tao,” dagdag pa ng opisyal.


Samantala, narito ang mga requirement para sa national ID registration, alinman sa mga sumusunod;
  • Certificate of Live Birth na inisyu ng PSA at government-issued identification documents o goverment IDs kung saan makikita ang full name, front-facing photograph, at pirma o thumb mark.
  • Philippine Passport na inisyu Department of Foreign Affairs
  • Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card na inisyu ng Government Service Insurance System (GSIS) o Social Security System (SSS)
  • Valid LTO-issued  Student’s License Permit o Non-Professional/Professional Driver’s License
Target ng pamahalaan na maka-rehistro ng nasa 40 million Filipinos sa susunod na taon habang dagdag na 42 million naman bago ang 2022.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: