Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, October 27, 2020

Swab Testing sa mga OFWs, Libre ayon sa OWWA



Isa sa mga ina-alala ng mga papauwing Overseas Filipino Workers o OFWs ngayong may panahon ng pandemya ay ang mga gastusin kasabay ng kanilang pag-uwi sa Pilipinas. Isa sa mga ito ay ang kanilang pagsasailalim sa ilang beses na Coronavirus disease o Covid-19 test bago pa man makarating sa kani-kanilang probinsiya.

Ngunit nilinaw ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga papauwing OFWs na libre sa mga airports sa bansa ang swab testing para sa Covid-19.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, libre ang swab test na isinasagawa sa airport ng mga Philippine Coast Guard. Libre din umano ang pagdadala ng mga specimen sa mga government laboratories at walang dapat bayaran ang mga OFWs na nasa airport para sa nasabing serbisyo.



Ads


“We want to emphasize that the swab test being conducted by the Philippine Coast Guard at the airport is free. The specimen being brought to government laboratories is also free. The OFWs who are there (airport) need not pay anything,” ang naging pahayag ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac sa isinagawang virtual forum.

Pinayuhan na lamang ng opisyal ang mga uuwing OFWs na huwag tangkilikin ang mga nag-aalok ng swab testing sa airport na may kapalit na bayad.

Pinasiguro din nitong tinitingnan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Transportation (DOTr) ang nasabing isyu.

“As for my understanding, Secretary Silvestre Bello III and Secretary Art Tugade are currently talking to confirm this. We advised our OFWs not to engage the offer at the airport to pay for the test. But the situation is being looked at by Sec. Art Tugade,” ang dagdag na pahayag ni Cacdac.



Ads

Sponsored Links


Una rito, may lumalabas na report na pinapabayad ang mga umuuwing OFWs ng hanggang P20,000 para sa mabilisang Covid-19 test result.

Sa ngayon, may 5,200 pa umanong mga OFWs na nananatili sa mga hotel quarantine accomodation habang naghihintay ng kanilang swab result. Bahagi umano ang mga ito ng 6,000 na stranded Filipinos na naapektuhan ng isyu sa pagitan ng Philippine Health Insurance o Philhealth at ng Philippine Red Cross.

Samantala, inihayag naman ng Department of Health o DOH na hindi na kailangang dumaan pa sa coronavirus testing ang mga returning Filipinos mula sa mga bansang may low-to middle-prevalence ng Covid-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi na kailangan pang sumailalim sa testing sa points of entry ang mga returning Filipinos mula sa low-risk countries sa kondisyong susunod pa rin ang mga ito sa minimum health standards at papasa sa symptoms screening.




©2020 THOUGHTSKOTO

1 comment:

Unknown said...

Sir mam up to now ala pa ko naresib n cash assistance from owwa bka pde nman po ngapply n ko last april stranded po ako sa pinas dapat po last May ako nakabalik kaso closed pa airport sa kuwait sana po matulungan nio po me salamat po..