Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, October 02, 2020

'Tabang OFW': P30,000 financial aid sa pag-aaral ng mga OFW Dependents | Saan Mag-Apply?




Kinumperma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na handa na ang kanilang mga regional offices sa pagpapatupad ng P1 Billion Package ng ‘tabang’ o tertiary education assistance para sa mga dependents ng mga COVID-affected Overseas Filipino Workers.

Kaugnay nito, hinihikayat ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang mga OFWs na may anak o dependent na college student na mag-apply sa programa na ginawa sa pagtutulungan ng DOLE at ng Commission on Higher Education.

Inatasan naman ang mga regional offices (RO) ng DOLE na siyang mag-proseso at sasala ng mga aplikasyon para sa programa upang maayos itong maipapatupad kabilang na ang paglalabas ng financial assistance sa mga benepisyaryo.


Ads



One-time na P30,000 ang nasabing financial aid para sa mga qualified beneficiaries.

“Ang tulong ay first-come, first-serve basis kaya hinihikayat ang mga OFW na mag-aplay sa mga regional office ngayon pa lamang. Sila ang nakatalaga upang umasikaso ng pagbabayad, kabilang ang paglalabas ng tulong pinansyal para sa mga benepisyaryo,” pahayag ni Bello.

Sakop ng financial aid ang mga sumusunod na gastusin;
  • Textbook o Learning materials
  • Academic at Extra-curricular expenses
  • Board and Lodging
  • Clothing Allowance
  • Transportation Allowance
  • Health and Medical Needs
  • School Supplies

Ads

Sponsored Links



Nagbibigay ang Tabang OFW ng tulong sa mga kasalukuyang naka-enroll na anak ng mga OFW na apektado ng pandemya at kinakailangang makapagbigay ng mga admission at retention requirement sa mga kolehiyo at unibersidad ng gobyerno o pribadong institusyon.

Sino ang kwalipikado sa 'Tabang OFW'?

  • OFW dependent na hindi na-expel sa kanilang mga paaralan
  • Hindi nakatanggap ng anumang scholarship grant mula sa anumang ahensiya ng gobyerno
  • Sertipikado ng DOLE bilang mga dependent ng mga OFW na repatriated, o nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic, o namatay dahil sa COVID-19.

Sa ilalim ng circular, ang DOLE ang kikilala sa mga OFW na mayroong mga dependent o nais mag-enroll sa pampubliko o pribadong higher education institution para sa academic year 2020-2021.

Ang na-repatriate o na-displace na OFW ay dapat na magtalaga ng isa sa kanyang dependent na magiging kabilang sa programa. Kung sumakabilang buhay na ang OFW, ang legal surviving spouse, parent, o next of kin ang siyang magtatalaga ng dependent.

Ang pondo para sa programa ay ililipat sa DOLE mula sa United Student Financial Assistance System for Tertiary Education ng CHEd. 

Mahigit sa 30,000 na mga college students na mga dependents ng mga OFWs na na-repatriate, na-displaced, at namatay dahil sa pandemya dulong ng Covid-19 ang ina-asahang makaka-benipisyo sa programa.

Sa mga interesado sa programa, maaring makipag-ugnayan sa DOLE Regional Offices sa inyong lugar sa mga sumusunod na address.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: