MANILA — MULING ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na madaliin na ang pagpasa ng panukalang batas na magtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers o OFW.
Ayon sa pangulo, isa ito sa kanyang mga proposal noong panahon ng kampanya.
“I’d like to hurry up Congress on this one of my proposals during the campaign period was the creation of Overseas Filipino department,” pahayag ni Duterte.
Si Senator Bong Go ang naghain ng nasabing proposal sa Senado sa pamamagitan ng kanyang Senate Bill 202na may layuning magkaroon ng isang departamento para sa mga OFWs.
Ngunit ang nasabing panukala ay nananatiling pending sa Senate Labor Committee mula noong inihain ito noong Hulyo 2019 sa kabila ng mabilis na pag-aproba ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ads
Paliwanag naman ni Senate President Vicente Sotto III, naantala sa Senado ang panukalang batas dahil na rin sa mga isyung hindi pa napag-usapan. Ang nasabing mga isyu umano ay may kaugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) at mga attached agencies nitong Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Layunin din ng Senate Bill 202 na buwagin na ang POEA at OWWA kasama na ang tatlong iba pang ahensiya.
Ayon pa kay Sotto, malaking ahensiya ang planong itatag na Department of OFWs na siyang hahawak sa lahat na mga aktibidad ng mga OFWs. Dahil dito, hindi umano problema ang pag-absorb sa mga empleyado mula sa mga bubuwaging ahensiya.
“The bill’s advance at the upper chamber has been hampered by "issues (that) are yet to be settled. We are looking at the right-sizing bill in the Senate that needs to be finalized,” pahayag ni Sotto.
Ads
Sponsored Links
Sa kabila nito, hinihiling ni Duterte na madalin na ang pagpasa ng nasabing panukalang batas. Maliban sa OFW Department, sinabi din ng pangulo na nais din nito ng hiwalay na tanggapan na hahawak naman sa mga aktibidad ng mga seaman dahil umano sa napakaraming international laws.
Pangako ng pangulo sa mga migrant workers: “There will be a more thorough review on policy for your protection and that somebody should look after you.”
Samantala, umaasa naman si DOLE Secretary Silvestre Bello III na hindi mabubuwag ang dalawang attached agencies ng ahensiya na nakatutuk sa mga OFWs sakaling maitatag na ang Department of OFWs.
“What I would like to happen is that agencies such as POEA and OWWA will not be abolished. Let them be included in the department of OFW as attached agencies,” ang naging pahayag ni Bello.
Pinasiguro naman ni Bello na suportado nito ang planong pagtatag ng OFW Department.
“We support that. The President is right when he said that there should be a department that will solely look after the needs, welfare, and protection of our OFWs. A department that is fully dedicated to OFWs,” dagdag pa nito.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment