ISA ang sektor ng mga Overseas Filipino Workers o OFW na labis na naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 o Covid-19. Dahil sa nasabing pandemic, maraming mga OFWs ang nawalan ng trabaho, na-stranded, may mga napa-uwi at may mga namatay.
Dahil dito, inanunsiyo ng Malacañang na magbibigay ang gobyerno ng one-time grant na P30,000 bilang educational assistance sa mga kolehiyong anak ng mga OFWs.
Ads
Mismo si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-nunsyo ng nasabing tulong sa isang televised briefing mula sa Malacañang.
Ngunit nilinaw ng pangulo na ang nasabing tulong ay para lamang sa mga college students na anak ng mga OFWs na na-dispaced, hindi nakabalik sa abroad, napa-uwi o namatay dahil sa coronavirus pandemic.
Ang nasabing subsidy ay ibibigay sa mga qualified beneficiaries na naka-enroll o magpapa-enroll sa state o local university o kolehiyo gayundin sa iba pang mga private higher education institutions na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) para sa school year 2020-2021.
Ads
Maglalaan ang gobyerno ng P1 billion para sa nasabing programa at tinatayang nasa 33,000 college student ang makaka-benipisyo.
"Ang tulong po sa edukasyon sa mga anak niyo nito is a one-time grant of P30,000. The project will be allotted with the amount of P1 billion which will benefit about 33,000 students from OFW families,” ayon sa pangulo.
Ang nasabing subsidy ay proyekto sa ilalim ng CHED at United Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) sa pakikipag-tulungan ng Department of Labor and Employment.
Para sa pahayag ng pangulo ukol sa financial assistance sa mga college students na mga anak ng mga OFW, panoorin ang video na nasa ibaba o maaring i-skip sa bandang hulihan.
Sponsored Links
Noong Mayo, una nang umapela si Pangulong Duterte sa mga paaralan na bigyan ng installment payment option ang mga anak ng mga OFWs.
Napag-alam na higit sa 124,000 na ang bilang ng mga OFWs na napauwi ng Department of Foreign Affairs o DFA dahil sa coronavirus pandemic.
Inatasan din nito ang Land Bank of the Philippines na magbigay ng "study-now-pay-later" loan para sa tuition at iba pang mga bayarin ng mga karapat-dapat na mga estudyante.
“For those who have really nothing to come up to sa bayaran (in paying tuition), we have the Land Bank and kindly listen to rules kasi itong Land Bank, bubuksan namin and you can borrow money to finance the education of your children,” dagdag pa ng pangulo.
Sa ngayon, nag-aalok na ang Land Bank ng "study-now-play-later" loan para sa tuition at iba pang enrollment-related fees ng mga karapat-dapat na mag-aaral.
©2020 THOUGHTSKOTO
2 comments:
Paano po mag apply?
Paano po mag apply,ano mga requirements.
Post a Comment