Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Saturday, September 05, 2020

10 Ways to Protect Children's Eyes During Online Class and Screen Time




Dahil sa coronavirus disease o Covid-19, apektado ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Dito sa Pilipinas, itinakda ng Department of Education sa Oktubre 5 ang pagbubukas ng klase at karamihan sa mga ito ay sa pamamagitan ng online classes. Ito naman ang pinaka-karaniwang pamamaraan ng klase sa halos lahat na mga private schools sa bansa mula nursery hanggang kolehiyo.

Tinatawag ito ngayon bilang "screen o internet-based instruction". Maliban sa problema sa gadget at internet connection, isa pa sa inaalala ng mga magulang sa ngayon ay ang kapakanan ng kanilang mga anak, lalong-lalo na kung madalas silang babad sa harap ng gadget.

Ayon sa pag-aaral ang mahabang oras sa harap ng iba't-ibang uri ng gadget, para man ito sa pag-aaral, pag-lalaro o social media ay nag-reresulta ng eye discomfort o eye strain, fatigue at pananakit ng ulo.

Dahil dito, pina-alalahanan ngayon ng mga eksperto ang mga magulang ukol sa mga simpleng pamamaraan upang maproteksiyunan ang mga mata ng kanilang mga anak.


Ads


Tip No. 1 — Keep a Safe Distance from Devices

Ayon kay Dr. Millicent Knight, isang optometrist at tagapagsalita ng Global Myopia Awareness Coalition, importante mapanatili ang 10-12 inches na distansiya kung nagbabasa sa cellphone. Sa pamamagitan nito, maiiwasan umano ang posibilidad ng myopia o nearsightedness sa mga kabataan. 
Sakaling hindi magamot, nagdudulot ng seryosong problema sa mata sa kalaunan ang myopia kagaya na lamang ng myopic macular degeneration, retinal detachment, cataracts at glaucoma.


Tip No. 2 — Take Regular Breaks

Pinayuhan naman ni Dr. Luke Deitz, isang pediatric ophthalmologist sa Los Angeles ang mga magulang o tagapag-alaga ng kanilang mga anak na sundin ang 20/20/20 Rule.

“Every 20 minutes you need to look up at something 20 feet away for at least 20 seconds.”

Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng break ang mga mata at naibabalik ang mga ito sa kanilang natural position. Nakaka-relax din ito ng neck muscles at katawan.

Importante din umano ang "break" sa gadget sa halip na umasa na lamang sa mga blue-light-blocking glasses na ibinebenta sa mga magulang bilang pamamaraan upang maka-iwas sa eye strain at fatigue.


Ads

Tip No. 3 — Watch for Signs of Vision Issues

Hindi dapat ipagsawalang bahala ang mga warning signs na may problema sa mata ang isang bata. Kabilang na rito ang pananakit ng ulo, excessive blinking, eye rubbing, at pagkapagod. Maari umano itong maiwasan sa pamamagitan ng pagbabasa sa maliwanag na lugar o i-adjust ang brightness ng cellphone sa indoor usage. Inirerekomenda din ng mga eksperto ang paglalagay ng study table ng mga bata malapit sa bintana.

Tip No. 4 — Don't Skip Regular Eye Checkups

Hindi lamang sa mga may edad importante ang eye check-up ngunit maging sa mga bata upang mas maagang ma-identify ang posibleng problema sa kanilang mga mata. Ayon kay Dr. Megan Collins, isang pediatric ophthalmologist at assistant professor of ophthalmology sa Johns Hopkins University, hindi dapat ipagpaliban ang pagpapatingin sa mga mata sa doktor dahil lamang sa pandemic.

Sa pamamagitan ng pakikipag-kita sa eye doctor, maaaring mabigyan ng guidelines at safety protocols ang mga bata ukol sa tamang pangangalaga sa kanilang mga mata sa harap ng computer o cellphones.


Tip No. 5 — Wear Glasses, if prescribed

Kung iminumungkahi ng isang ophthalmologist ang pagsusuot ng salamin ng inyong anak, siguruhing suot niya ito sa lahat ng oras kasama na rito sa mga panahon ng kanyang online classes sa harap ng screen. Ito'y dahil walang mabisang pamalit sa salamin at maging ang mga contact lenses ay hindi inirerekomenda para sa mahabang screen time. Ang regular at madalas na pagsusuot ng salamin ay makakatulong upang maka-iwas sa eye strain.


Sponsored Links



Tip No. 6 — Choose the screen wisely

Para maka-iwas sa eye strain, inirerekomenda ang pagsasagawa ng online class sa malinawag na kwarto. Siguruhin ding nasa katamtaman ang brightness level ng monitor o ng screen ng cellphone, tablet o computer na gagamitin. Ito'y dahil mapanganib ang pagbabasa sa dilim dahil posible itong maging dahilan ng retinal damage. Kung may pagpipilian, mas mabuting gumamit ng laptop o tablet sa online class ng mga bata dahil sa range nitong 50 cms kumpara sa mga smartphone na nasa 33 cms lamang.

Tip No. 7 — Frequent Eye Blinking

Posibleng makalimut sa pagkurap ang isang bata lalo na kung tutok na tutok ito sa kanyang pinapanood o binabasa sa kanyang gadget. Maari itong maging dahilan ng dry eyes, abnormal blink patterns at eye rubbing. Mas malala umano ito sa mga air conditioned rooms. Dahil dito, dapat na i-remind ang mga bata na gawing regular ang pagkisap ng mga mata sa harap ng screens upang masiguro ang strain-free viewing sa kanilang pag-aaral.


Tip No. 8 — Minimise Screen Time to what is Essential

Upang mapangalagaan ang mga mata ng inyong anak, maaring limitahan ang paggamit nito ng gadgets pagkatapos ng kanyang online class. Limitahan o i-monitor ang pagbabad nito sa cellphone o computer lalo na kung para lamang ito sa entertainment at social connection.

Bilang mga magulang, importante din na maging good example sa mga anak sa paggamit ng gadget sa loob ng bahay. Siguruhing ang paggamit ng mga ito ay para lamang sa pinaka-importanteng mga bagay at hindi pampalipas-oras.


Tip No. 9 — Spend Time Outdoors

Napatunayan sa mga pag-aaral na epektibong pamamaraan laban sa myopia o near-sightedness ay ang outdoor activities. Sa isang pag-aaral sa Singapore, napatunayan na mas mababa ang progression ng myopia sa mga batang madalas nasa labas. Sa pamamagitan umano ng mga outdoor activities, nakikita ng mga bata ang mga malalayong bagay-bagay. 

Nakakatulong din ito para sa overall health ng katawan dahil sa Vitamin D na nakakapagbigay ng immunity at magandang emotional well-being.

Tip No. 10 — Good Diet

Importante para sa lahat ang good balanced diet, lalong lalo na sa mga bata. Importante sa katawan ang lahat na mga vitamins at micronutrients ngunit may iilan na talagang mahalaga para sa mga mata.

Kinabibilangan ito ng vitamin A, vitamin C, vitamin E, lutein, Zeaanthin at omega fatty acids na natural na makikita sa carrots, beetroot, mango, papaya, citrus fruits, green leafy vegetables, almonds, walnuts, itlog, isda at marami pang iba.

Mas mabuti umanong makuha ito ng mga bata sa pagkain kumpara sa pagbibigay sa kanila nito sa pamamagitan ng supplements.
That's it. Sampung mga simpleng tips para mapangalagaan ang mga mata ng ating mga anak kasabay ng kanilang mga online classes.



©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: