Ads
Ngunit nilinaw ni LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante na hindi ito para sa lahat sa halip, para lamang sa mga drivers na may "good standing" o walang record ng anumang uri ng paglabag sa Republic Act 10930 o Land Transportation and Traffic Code o sa iba pang traffic laws, rules and regulations.
Nilinaw din ng ahensiya na ang lisensiyang may 10-taong validity ay para lamang sa mga renewing licenses at hindi para sa mga bagong non-professional at proffesional driver's license na mananatiling may limang taong validity.
Ayon sa LTO, bawat paglabag ng isang driver sa Land Transportation and Traffic Code o sa iba pang traffic laws, rules and regulation ay kabawan sa kanyang tsansang magkaroon ng lisensiyang may 10 taong bisa.
"Yung pagpapalawig ng ating lisensya hanggang 10 years, mangyayari ito starting October 2021 pero hindi lahat ng drivers license possessor ay makaka-enjoy nitong 10-year validity ng license lalo na kung mayroon siyang demerit point" ayon kay Galvante.
Ads
Sponsored Links
Ang Demerit System ay ipinatupad ng LTO simula noong 2019 bilang bahagi ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 10930 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 na nagpapalawig sa validity ng driver's license.
Sa ilalim ng sistema, may classification ang mga violation ng isang driver, depende sa bigat nito;
light — one demerit point
less grave — three demerit point
grave — five demerit point
Sa ilalim ng IRR, itinuturing na grave violation ang pagmamaneho ng sasakyan para sa isang krimen, pagmamaneho sa isang colurom na sasakyan, pagmamanehong naka-droga o naka-inum at iba pa.
Less grave violation naman ang mga pangalawang paglabag (second offense) sa mga driving laws, parking and obstruction violations at mga paglabag sa mga local ordinances.
Light violations naman ang mga first-time offenses sa mga driving regulations and minor traffic offenses.
Dagdag pa ni Galvante na makikita sa system ng ahensiya kung ilan ang demerit points ng isang driver sakaling magre-renew na ito ng lisensiya.
Sinabi pa ng opisyal na magsisilbing insentibo sa mga drivers na striktong sumusunod sa mga traffic laws and regulation ang "premium" driver's license na may 10 - taong validity o mula 2021 hanggang Oktubre 2031.
Umaasa din ang LTO na makakatulong ito upang maiwasan ang mga road crashers at mga traffic accidents na nagiging sanhi ng pagkasugat o pagkamatay ng mga tao.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment