Sariling bahay ang pangarap ng sinomang pamilyang Pilipino. Ngunit dahil sa hirap ng buhay, tila mailap ang pangarap na ito, lalo na sa mga mahihirap. Ngunit alam mo ba na may programang pa-bahay ang Pag-IBIG Fund para sa mga kumikita ng minimum wage o low income earners?
Tinatawag itong Affordable Housing Program for Minimum Wage Earners na may monthly payments na hindi bababa sa P2,445.30 kada buwan sa loob ng 30 taon.
Ads
Ang Affordable Housing Loan Program ng Pag-IBIG ay magagamit sa mga sumusunod:
- Pagbili ng residential lot na hindi hihigit sa 1,000 square meters ang sukat
- Pagbili ng residential house and lot, townhouse o condominium unit
- Pagpapatayo ng bahay
- Pagpapa-ayos ng bahay
- Gagamiting re-financing sa kasalukuyang loan
Sino-sino ang maaring mag-avail ng Affordable Housing Program (AHP)?
- Borrowers na hindi lalagpas sa 65-anyos ang edad sa petsa ng loan application at hindi naman higit sa 70-anyos sa panahon ng loan maturity
- May legal capacity na makakuha ng real property
- Walang Pag-IBIG housing loan na na-foreclosed, na-cancel, nabiling muli o boluntaryong isinuko
- Borrowers na may existing Pag-IBIG Housing account o Short Term Loan sa kondisyon na updated ang pagbabayad nito
Ads
Sponsored Links
Mga Requirements:
Mula sa borrower
- 2 kopya ng Housing Loan Application na may bagong ID picture ng borrower/co-borrower
- Proof of Income
Para sa mga Locally Employed:
- Notaryadong Certificate of Employment and Compensation (CEC), kung saan makikita ang gross monthly income at monthly allowances o monthly monetary benefits na tinatanggap ng isang empleyado
- Pinaka-bagong Income Tax Return o ITR na may BIR Form No. 2316
- Certified One Month Payslip sa nakaraang tatlong buwan bago ang loan application
Sa mga government employees, magkasamang i-submit ang payslip, CEC at ITR.
Para sa mga Self-Employed, alinman sa mga sumusunod bilang proof of income:
- ITR, Audited Financial Statements, at Official Receipt of tax payment mula sa banko na suportado ng DTI Registration at Mayor’s Permit/Business Permit
- Commission Vouchers kung saan makikita ang issuer's name at contact details sa nakaraang 12 buwan
- Bank statements o passbook sa nakaraang 12 buwan kung ang income ay nanggagaling sa foreign remittances, pension at iba pa.
- Kopya ng Lease of Contract at Tax Declaration kung ang income ay nagmumula sa rental payments
- Certified True Copy ng Transport Franchise mula sa government agency (LGU para sa mga tricycles, LTFRB para sa iba pang PUVs)
- Certificate of Engagement mula sa nagmamay-ari ng negosyo
- Ibang dokumento na nagpapatunay ng source of income
Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), alinman sa mga sumusunod;
- Employment Contract
- Employment Contract sa pagitan ng empleyado at amo nito
- POEA Standard Contract
- Certificate of Employment and Compensation (CEC)
- Income Tax Return
- Isang valid ID ng principal borrower at asawa nito, co-borrower at asawa, seller at asawa at Developer’s Authorized Representative at Attorney-In-Fact kung meron
Sa ilalim ng Affordable Housing Loan for Minimum-Wage Earners, maaring makapag-loan ng hanggang sa P750,000 na may 3% interest rate per annum.
Sa mga interesado sa programang ito ng Pag-IBIG, maaring makipag-ugnayan sa pinaka-malapit na Pag-IBIG Branch sa inyong lugar. Ang Pag-IBIG ay tumatanggap din ng housing loan application online sa pamamagitan ng link na ito — https://www.pagibigfundservices.com/HousingLoan/Apply/Default.aspx.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment