Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, September 09, 2020

5 Simple Steps para Makapag-register sa SSS Online




Online transactions na ang patok ngayong panahon. Mula sa pag-order ng mga pagkain, shopping,  hanggang sa pagbabayad ng mga bills maging sa mga government transactions ay maari mo nang ma-proseso online. Mas komportable, mas madali, mas matipid dahil hindi mo na kailangang pang pumunta mismo sa opisina para pumila sa mga serbisyong gusto mong makuha.

Kung online transaction lamang ang pag-uusapan, hindi pahuhuli ang Social Security System o SSS. Kung miyembro ka ng SSS, importanteng mayroon kang My.SSS account upang mabilis mong ma-check ang iyong contribution at iba pang serbisyong dala nito.

Ads


Narito ang 5 simple steps on How to Register SSS Online!

Step No. 1

Gamit ang inyong cellphone o computer na konektado sa internet, pumunta lamang sa website ng SSS na sss.gov.ph. Siguruhing naka-check ang captcha na nagsasabing "I'm Not a Robot" at i-click ang "Submit".

Sa kanang bahagi ng website makikita ang PORTALS, i-click lamang ang "Member".

Sa Member Log-In, i-supply lamang ang mga impormasyong kinakailangan gaya ng USER ID at PASSWORD.

I-check ulit ang "I'm Not A Robot" at i-click ang "Submit"
Para sa mga wala pang account sa SSS, i-click ang "Not yet registered in My.SSS" May limang option na pagpipilian, pumili lamang ng isa na ginamit mo noong nagpa-rehistro ka sa SSS.






Ads

Sponsored Links

Step No. 2

Ibigay ang mga impormasyong hinihingi sa online form —SSS number, first name, middle name, surname, date of birth, email address at iba pa.

Pagkatapos nito, i-enter lamang ang hinihinging code sa space na nakalaan at i-check ang "I accept the Terms of Service" bago i click ang "Submit".


Step No. 3

I-check ang inyong email para sa email validation na ipinadala ng SSS.gov.ph. Siguruhing aktibo ang email address na ibinigay sa Step No. 2 para matanggap email validation na darating sa loob ng 30 minutes.

Sa email makikita ang link ng inyong online registration at magsisilbi din itong patunay na sa iyo ang email address na iyong ibinigay sa Step No. 2.


Step No. 4.

I-active ang iyong My.SSS account sa pamamagitan ng pag-fill up sa online form ng mga hinihinging personal information gaya ng complete name, address, postal code, contact number, preferred user ID, at password.

Siguruhing tama ang mga ibinigay na impormasyon, pagkatapos i-check lamang ang "I accept the terms and conditions" bago i-click ang "Submit".
Pagkatapos mong nai-submit lahat na information, makakatanggap ka ng notification mula sa SSS sa step na ito.

Step No. 5

Muling i-check ang iyong email address para sa SSS confirmation ng iyong online registration.

Dito isi-send ng SSS ang iyong confirmation email na nagsasabing successful ang inyong registration online.

Mababasa din sa email ang iyong user ID at password na iyong magagamit sa pag-log in sa My SSS account online.

Importanteng itago o i-memorize ang iyong User ID at password dahil kakailanganin mo ito sa pag-log in sa iyong account.

Kung SSS member ka, magpa-rehistro ng online account para sa mabilis na transaction. Maliban sa mga miyembro, maari ding magparehistro para sa online SSS acount ang mga sumusunod;
  • Employees with SSS coverage
  • Self-employed or voluntary members
  • Overseas Filipino workers (OFWs)
  • Unemployed spouses with at least one month posted SSS contribution
  • Kasambahays and other household employees
  • Employers
Narito ang mga transaksiyong maari mong gawin online gamit ang iyong My.SSS account!
  • View, download and print your membership records
  • Check your posted contributions
  • Make online transactions such as filing an SSS salary loan application and applying for SSS maternity benefit
  • Check your SSS loan repayment records
  • View details on your SSS benefit claims
  • Schedule appointments with an SSS branch 
  • Ask questions, report a complaint, and discuss your concerns about SSS-related issues on the Members Forum within the online portal

No comments: