Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, September 23, 2020

P10 Billion Tirang Pondo ng DSWD Para sa SAP, Natuklasan ng Senado!





Marami ang nakatanggap ng P5,000 hanggang sa P8,000 na tulong mula sa Social Amelioration Program o SAP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Ngunit kung marami ang natulungan, marami din ang naghihintay na makakataggap pa ng tulong.

Ngunit alam niyo ba na may natitira pang P10 billion na pondo ang DSWD na inilaan sa second tranche ng SAP? Yan ang natuklasan ng Senado sa kanilang isinagawang hearing ukol sa proposed budget ng DSWD para sa taong 2021.

Sa online hearing ng Senado para sa 2021 budget ng DSWD, ipinunto ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may nasa P10 billion pang pondo ang DSWD na hindi nila nagamit sa second tranche ng SAP distribution.

"The budget allocated in Bayanihan 1 was for 2 tranches for 18 million families? Now you mentioned that the 2nd number of SAP you reduced to 14 million families," pahayag ni Recto bilang sagot sa proposed budget ng DSWD.



Ads


Habang ipini-presenta ang proposal para sa 2021 bugdet, sinabi ng DSWD na P83.1 billion mula sa P94.5 billion na pondo para sa SAP ang kanilang naipamahagi.

Natuklasan din sa nasabing Senate inquiry na mula 18 million, naging 14 million na lamang ang bilang ng pamilyang nakatanggap ng second trance ng SAP.

Paliwanag naman ni DSWD Secretary Rolando Bautista P14 million lamang na pamilya ang nasa listahan ayon na rin sa impormasyong ibinigay ng local government unit o LGU para sa second tranche ng SAP.


"We would have wanted to give the full 18 million during the 2nd tranche. But the LGUs have just submitted some 14 million and I would like to mention that out of the 8.5 million [beneficiaries] waitlisted, which they are supposed to submit, they have only submitted 5.1 million beneficiaries," ang naging paliwanag ni DSWD Undersecretary Danilo Pamonag bilang sagot sa tanong ni Recto.

Dagdag pa nito na may mga beneficiaries na matatawag na "double compensation" dahilan upang alisin ang mga ito sa listahan.

Ngunit sinabi ni Recto na maraming pamilya ang nangangailangan ng ikalawang bahagi ng SAP dahil marami ang nawalan ng trabaho.

"It's a shortfall and based on the appropriations so merong 4 million nakatanggap isang SAP lang. May 4 million na hindi nakatanggap ng second tranche, and you know the SAP 2 is even more important kasi yung SAP 1 nawalan ka na ng trabaho. 'Yung SAP 2 continuing din yan walang trabaho at lumaki 'yung unemployment diba? And poverty incidence is on the rise I suppose," dagdag na pahayag ni Recto.


Ads

Sponsored Links


Ikinagulat naman ni Senator Nancy Binay ang rebelasyon ni Bautista ukol sa hindi nagamit na P10 billion na pondo para sa SAP.

Sinabi ni Binay na hindi niya maintindihan kung bakit hindi naipamigay ng DSWD ang napakalaking halaga ng pera.

“Hindi ko maintindihan na bakit nagkaroon ng savings na P10 billion. ‘Di ba? Parang kulang na kulang. In fact, ‘yung mga jeepney drivers natin na na-displace hanggang ngayon nagrereklamo na wala pa silang natatanggap,” 

“I’m just bothered na there’s that big amount na dapat nakatulong na, lalung-lalo na nung kasagsagan ng lockdown,” ang naging pahayag ni Binay.


Saan Ngayon Mapupunta ang Pondo?

Ayon sa DSWD, maghihintay sila sa kautusan ng Department of Budget and Management o DBM kung ibabalik ang pondo sa National Treasury. Sinabi pa ng ahensiya na maari ding gamitin ang pondo para sa mga livelihood programs na aaprobahan ng Office of the President.

Ngunit inihayag nina Recto, Binay maging ni finance committee chairperson Imee Marcos na dapat gagamitin bilang cash aid ang nasabing pondo dahil maraming mahihirap na pamilya ang hindi nakatanggap ng kanilang share ngayong panahon ng pandemya.

©2020 THOUGHTSKOTO

1 comment:

Unknown said...

Bkit nman d nila Yan maiibigay Ang sap 2nd tranche nmin,inaasahan n po nmin Yan pambayad Ng kuryente at tubig,Kaya pala pinatatagal nila at hanggang ngayon wla pa kmi natatanggap ay qualified kmi n mabigyan d kmi ngdoble tricycle driver lng aq at Wala Ng iba kmi natanggap n tulong mula s government Yan lng sap tlaga Ang iniintay Ng pakilya q, president Dutrte wag po kau pumayag n d maipamigay smin n mga dpa mkakatanggap Ng sap Yan po panawagan q Mahal n pangulo