Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Social Amelioration Program. Show all posts
Showing posts with label Social Amelioration Program. Show all posts

Wednesday, May 05, 2021

P2,000 ‘sana all ayuda’ para sa bawat Filipino sa P405-B na Bayanihan 3 Bill




IBA'T-IBANG financial assistance na ang pinamudmod ng gobyerno sa mga labis na naapektuhan ng coronavirus disease o Covid-19 mula pa noong Marso 2020.

Ngunit sa mga financial assistance na ito, may natanggap kana ba? Hanggang sa ngayon, marami pa rin ang nagsasabing walang natanggap na financial aid mula sa gobyerno, habang may mga nakatanggap naman ng ilang beses.

Ngayon, panibagong financial aid na naman ang isinusulong ng ilang mambabatas na may layuning bigyan ng tig-P2,000 ang bawat isa sa 108 million Filipinos, anuman ang estado ng buhay o edad upang makatulong sa kinakaharap na krisis dala ng coronavirus disease o Covid-19 sa ilalim ng P405.6 billion na Bayanihan 3 bill.

Ads


Ayon sa mga nagsusulong ng nabanggit na panukalang batas, ang “sana all” ayuda o ang tulong ay ipamamahagi ng dalawang beses o P1,000 kada bigay para sa lahat na mga Filipino. Ang nasabing financial aid ay magsisilbi umanong universal basic income.

“The total amount is P405.6 billion, which includes P216 billion for the ayuda for all Filipinos.

 There are different kinds of ayuda. The most basic kind is the “Sana All” ayuda which is 1,000 per head. We’ll be doing this in 2 tranches,” ang naging pahayag ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, isa sa mga nagsusulong ng nabanggit na panukalang batas.

Ayon naman kay Albay Rep. Joey Salceda, mareresolba nito ang disbursement problem na naranasan sa mga nagdaang pamumudmod ng financial aid.

“Kasi wala nga national ID so mas mabilis kung gamitin mo lang yun number of people per barangay as basis for budgeting and mas maiiwasan natin yung adverse developments, adverse events during the SAP,” paliwanag ni Salceda.

Ayon pa kay Quimo na marami sa mga taong pumila sa Social Amelioration Program o SAP ay hindi nakatanggap ng financial assistance dahil wala sa listahan ang kanilang pangalan.

Ads


Sponsored Links



Paliwanag pa nito na kahit pare-pareho ang halaga na makukuha, mas malaki naman umano ang makukuha ng mga mahihirap na pamilya dahil anim ang average na bilang ng mga miyembro ng mahihirap na pamilya na mas maliit kun ikukumpara sa mga nasa middle at upper class na minsan umaabot lamang sa tatlong miyembro.

“So dun na lang alone, makikita natin na the poorest families will certainly get more than the riches families,” pahayag ni Quimbo.

Maliban sa universal basic income, pinaglalaanan din ng Bayanihan 3 ang mga sumusunod:
  • P30 billion para sa emergency assistance sa mga apektadong household
  • P20 billion para sa wage subsidies
  • P25 billion para sa assistance sa mga displaced at disadvantage workers
  • P10 billion para sa national nutrition
  • P30 billion para sa agri-fishery sector
  • P9 billion para sa medical assistance sa mga indigent programs
  • P5 billion para sa relief ng mga local government units
  • P400 million para sa RT-PCR testing ng mga OFWS
  • P54.6 billion para sa pension at gratuity fund
  • P5.6 billion bilang suporta sa basic education para sa mga laptops ng mga guro, mobile at internet allowance, distance learning modalities, radio based instruction infrastructure at N95 mask para sa mga DepEd employees at teachers
Pinasiguro naman ni Salceda bilang chairman ng House Tax Writing Panel na may pagkukunan na ng pondo para sa nasabing mga plano.

©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, September 23, 2020

P10 Billion Tirang Pondo ng DSWD Para sa SAP, Natuklasan ng Senado!





Marami ang nakatanggap ng P5,000 hanggang sa P8,000 na tulong mula sa Social Amelioration Program o SAP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Ngunit kung marami ang natulungan, marami din ang naghihintay na makakataggap pa ng tulong.

Ngunit alam niyo ba na may natitira pang P10 billion na pondo ang DSWD na inilaan sa second tranche ng SAP? Yan ang natuklasan ng Senado sa kanilang isinagawang hearing ukol sa proposed budget ng DSWD para sa taong 2021.

Sa online hearing ng Senado para sa 2021 budget ng DSWD, ipinunto ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na may nasa P10 billion pang pondo ang DSWD na hindi nila nagamit sa second tranche ng SAP distribution.

"The budget allocated in Bayanihan 1 was for 2 tranches for 18 million families? Now you mentioned that the 2nd number of SAP you reduced to 14 million families," pahayag ni Recto bilang sagot sa proposed budget ng DSWD.



Ads


Habang ipini-presenta ang proposal para sa 2021 bugdet, sinabi ng DSWD na P83.1 billion mula sa P94.5 billion na pondo para sa SAP ang kanilang naipamahagi.

Natuklasan din sa nasabing Senate inquiry na mula 18 million, naging 14 million na lamang ang bilang ng pamilyang nakatanggap ng second trance ng SAP.

Paliwanag naman ni DSWD Secretary Rolando Bautista P14 million lamang na pamilya ang nasa listahan ayon na rin sa impormasyong ibinigay ng local government unit o LGU para sa second tranche ng SAP.


"We would have wanted to give the full 18 million during the 2nd tranche. But the LGUs have just submitted some 14 million and I would like to mention that out of the 8.5 million [beneficiaries] waitlisted, which they are supposed to submit, they have only submitted 5.1 million beneficiaries," ang naging paliwanag ni DSWD Undersecretary Danilo Pamonag bilang sagot sa tanong ni Recto.

Dagdag pa nito na may mga beneficiaries na matatawag na "double compensation" dahilan upang alisin ang mga ito sa listahan.

Ngunit sinabi ni Recto na maraming pamilya ang nangangailangan ng ikalawang bahagi ng SAP dahil marami ang nawalan ng trabaho.

"It's a shortfall and based on the appropriations so merong 4 million nakatanggap isang SAP lang. May 4 million na hindi nakatanggap ng second tranche, and you know the SAP 2 is even more important kasi yung SAP 1 nawalan ka na ng trabaho. 'Yung SAP 2 continuing din yan walang trabaho at lumaki 'yung unemployment diba? And poverty incidence is on the rise I suppose," dagdag na pahayag ni Recto.


Ads

Sponsored Links


Ikinagulat naman ni Senator Nancy Binay ang rebelasyon ni Bautista ukol sa hindi nagamit na P10 billion na pondo para sa SAP.

Sinabi ni Binay na hindi niya maintindihan kung bakit hindi naipamigay ng DSWD ang napakalaking halaga ng pera.

“Hindi ko maintindihan na bakit nagkaroon ng savings na P10 billion. ‘Di ba? Parang kulang na kulang. In fact, ‘yung mga jeepney drivers natin na na-displace hanggang ngayon nagrereklamo na wala pa silang natatanggap,” 

“I’m just bothered na there’s that big amount na dapat nakatulong na, lalung-lalo na nung kasagsagan ng lockdown,” ang naging pahayag ni Binay.


Saan Ngayon Mapupunta ang Pondo?

Ayon sa DSWD, maghihintay sila sa kautusan ng Department of Budget and Management o DBM kung ibabalik ang pondo sa National Treasury. Sinabi pa ng ahensiya na maari ding gamitin ang pondo para sa mga livelihood programs na aaprobahan ng Office of the President.

Ngunit inihayag nina Recto, Binay maging ni finance committee chairperson Imee Marcos na dapat gagamitin bilang cash aid ang nasabing pondo dahil maraming mahihirap na pamilya ang hindi nakatanggap ng kanilang share ngayong panahon ng pandemya.

©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, September 18, 2020

Dagdag na 400,000 Beneficiaries, Tatanggap ng Cash Aid mula sa SAP 2




Marami na ang nakatanggap ng kanilang cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP ng gobyerno ngunit marami din ang hindi pa nabiyayaan hanggang sa ngayon.

Dahil dito, sisimulan na umano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash subsidies sa mga "eligible" beneficiaries na na-identify ng Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE).


Ads


Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista makakabenipisyo nito ang higit sa 142,000 na beneficiaries ng DOLE sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay para sa Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) Program #Barangay Ko, Bahay KO (#BKBK) Disinfection/Sanitation Project, at mahigit sa 292,000 na recipient ng DA.

Sila umano ang dagdag na makaka-benipisyo sa second phase ng Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim g Joint Memorandum Circular (JMC) na nilagdaan ng walong government agencies noong Hunyo 9, 2020.

"Sa kasalukuyan ay prinoproseso ang payroll upang makapagsimula tayo sa pamamahagi ng ayuda. Inaasahang nasa mahigit 142,000 benepisyaryo ng Department of Labor and Employment at higit sa 292,000 benepisyaryo ng Department of Agriculture  ang tatanggap ng karagdagang ayuda,” ang naging pahayag ni Bautista sa isinagawang press briefing.


Ads

Sponsored Links




Makakatanggap din umano ng top-up assistance mula sa DSWD ang mga beneficiaries ng DOLE at DA.

"Sa pakikipag-ugnayan sa DOLE at DA , naisumite  na ang mga listahan ng benepisyaryo na nakatanggap ng emergency subsidy mula sa kanilang ahensya. Ito ay sumailalim din sa deduplication process upang matiyak na walang benepisyaryo ang tumatanggap o tatanggap ng ihigit sa isang emergency subsidy package,” dagdag pa ni Bautista.


Sa ilalim ng JMC No. 2, ang natitirang balanse sa regional subsidy ng first trance ay ibibigay kasama sa second trance ng emergency subsidy. 

Sa ilalim g JMC No. 2, sakop ng 2nd phase ng SAP ang mga sumusunod na lugar;
  • Region III, maliban na lamang sa Aurora Province
  • National Capital Region 
  • CALABARZON
  • Benguet
  • Pangasinan
  • IloIlo
  • Cebu Province
  • Bacolod City
  • Davao City
  • Albay Province
  • Zamboanga City

Samantala, nilinaw naman ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje ang mga dahilan kung bakit hanggang sa ngayon, hindi pa tapos ang distribution ng SAP 2 sa pamamagitan ng digital payout lalong lalo na sa Metro Manila na may access naman sa internet.

“Ayon sa ating ulat, nagkaroon ng mga failed transactions ang ating mga financial service providers. Sa NCR po ay mayroong mahigit kumulang 853,000 na kaso ng failed transactional accounts.”

Kabilang umano sa mga dahilan nito ay ang pagkaka-iba ng pangalan ng mga beneficiaries sa kanilang mobile wallet registration at sa kanilang payroll, dobleng mobile numbers at kawalan ng cellphone numbers sa iba.




©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, September 15, 2020

ALAMIN: Sino-Sino ang Makakatanggap ng Tulong sa Ilalim ng Bayanihan 2





Nasa P165.5 Billion ang pondong napapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2  na gagamitin ng gobyerno laban pandemyang dulot ng coronavirus disease o Covid-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang maitutulong ng Bayanihan II sa muling pagbubukas ng ekonomiya, suporta sa mga negosyo at muling pagpapalago ng mga ito sa harap ng krisis.

Bahagi ng stimulus plan ang P140 billion na halaga ng regular appropriations at dagdag na standby fund na P25.5 billion.

Ngunit, saan ba mapupunta o sino-sino ang makikinabang sa ganito kalaking halaga ng pera?


Ads


Ayon sa batas, mapupunta sa mga sumusunod ang nasabing pondo!
  • P3 billion ang mapupunta sa Department of Health para sa dagdag na mga face mask, personal protective equipment, shoe covers, at face shields habang P13.5 billion ang inilaan para sa emergency employment at compensation ng mga health workers.
  • P4.5 billion ang mapupunta sa construction ng mga temporary isolation, quarantine facilities, at pagpapalapad ng mga kasalukuyang public hospitals.
  • P4.5 billion sa Department of National Defense bilang gastos sa pag-isolate at pagpapagamot ng mga bumabalik na overseas Filipino workers na nag-positibo sa Covid-19. P820 million sa Department of Foreign Affairs para sa repatriation efforts.
  • P13 billion ang gagamitin sa pagtulong sa mga displaced workers sa pamamagitan ng cash-for-work at iba pang uri ng tulong habang P6 billion sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang cash assistance sa mga lugar na isinailalim sa lockdown.
  • P5 billion ang inilaan sa pag-hire at training ng nasa 50,000 na mga contact tracers.
  • P10 billion bilang standby fund para sa Covid-19 testing at pagbili ng mga COVID-19 medicines at vaccines sakaling mayroon nang ma-develop.

Ads

Sponsored Links

Listahan ng ibang sektor na makakatanggap din ng pondo sa ilalim ng Bayanihan II
  • P39.472 billion bilang capital infusion sa mga government banks upang makapagbigay ang mga ito ng mas maraming loans, lalo na sa mga maliliit na negosyo.
  • P24 billion bilang assistance sa mga magsasaka at sa Plant, Plant, Plant initiative ng Department of Agriculture
  • P9.5 billion sa Department of Transportation upang matulungan ang mga negosyong labis na naapektuhan ng pandemya
  • P4.1 billion para sa tourism industry na kinabibilangan ng P100 million para sa training at subsidiya sa mga tour guides
  • P4 billion para sa Department of Education para sa implementasyon ng blended learning
  • P3 billion para sa development ng mga smart campuses sa buong bansa
  • P2 billion bilang pambayad sa mga interest ng local government loans mula sa mga state-run banks
  • P1.5 billion bilang assistance sa mga local government units
  • P1 billion para sa scholarship ng TESDA
  • P600 million bilang subsidies at allowance sa mga estudyanteng labis na naapektuhan ng pandemya
  • P300 million bilang subsidies at allowance ng mga teaching at non-teaching personnel, at part-time faculty ng mga state universities at colleges
  • P180 million bilang allowance para sa mga national athletes at coaches
  • P15 million para sa UP Diliman’s Computational Research Laboratory
  • P10 million bilang research fund ng Health Technology Assessment Council
  • P2.5 million para sa computer-based licensure ng Philippine Red Cross.

©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, September 12, 2020

Listahan ng mga Punong Barangay na Sinuspende dahil sa SAP, inilabas ng DILG!




Dahil sa umano'y anomalya at irregularidad, umaabot sa 89 na mga Punong Barangays (PB) sa buong bansa ang pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman (OMB).

Nag-ugat ito sa reklamong isinampa sa Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga barangay officials ukol sa implementasyon ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Agad namang inutusan ni DILG Secretary Eduardo M. Año ang mga municipal at city mayors ng nabanggit na mga Punong Barangay na agad ipatupad ang order ng OMB habang ang DILG Regional at field office naman ang sisiguro sa maayos na pagpapatupad ng mass suspension.


Ads


Ayon kay Año, hindi kokonsentihin ng DILG ang mga maling gawain ng lahat na local government units sa bansa at magsisilbi itong babala sa kanila.

“Naway magsilbing babala ang suspensiyon na ito sa iba pang mga lokal na opisyales. Ang katiwalian ay walang puwang sa ating pamahalaan lalong-lalo pa ngayong panahon ng pandemya,” pahayag ni Año.


Sa Oder na may petsang Setyembre 2, 2020, inihayag ng Ombudsman na “the evidence on record shows that the guilt of these punong barangays is strong and the charges against them involve Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Abuse of Authority and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service which may warrant removal from the service.”

Idinagdag pa ng Ombudsman na "the continued stay off these punong barangays in office may prejudice the case filed against them, “[so] placing them under preventive suspension for a period of six (6) months pursuant to Republic Act No. 6770 is proper under the premises.”


Ads
Sinabi naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang pag-suspendi sa 89 na mga Punong Barangay ay pinaka-unang mass suspension sa history ng bansa. Ito rin umano ang pinaka-bagong aksiyon na ginawa ng DILG laban sa mga kurakot na opisyal sa pagpapatupad ng SAP.


Nangunguna sa listahan ng may pinaka-maraming na-suspending Punong Barangay ay ang Region I, NCR, at Region II habang wala namang nasuspendeng Punong Barangay mula sa Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN!
Sponsored Links





Narito ang mga pangalan ng mga na-suspending Punong Barangay; (Source: DILG.gov.ph)

National Capital Region (NCR)
  • Rogelio Atangan, Jr. of Barangay 9, Zone 2, Maribacan, Pasay City
  • Olivia Suarez Barangay 181, Zone 19, Maricaban, Pasay City 
  • Leonardo “DJ” Recto of Barangay 11, Zone 2, District 1, Tondo
  • Mario Banal of Barangay 123, Zone 9, District 1, Tondo
  • Romeo Garcia of Barangay 449, Zone 49, District 4, Sampaloc
  • Jonas Z. Bartolome Barangay 418, Zone 4, District 4, Sampaloc
  • Anthony Magno of Barangay 283, Zone 26, District 3, Binondo, Manila
  • Nenita Valdez  of Barangay Mariblo, San Francisco Del Monte, Quezon City
  • Ana Liza Rosero of Barangay Teacher’s Village West, Quezon City 
  • Ritchie Poblacion  of Barangay Quirino 2-B, Project 2, Quezon City
  • Remedios A. Reyes of Barangay Sta. Cruz, Pasig City.
Cordillera Administrative Region (CAR)
  • Jimmy Cabiao of Barangay Quimloong, Bucay, Abra
  • Dennis Felina of Barangay Luzong, Manabo, Abra
  • George Frederick Obal of Barangay Apatan, Pinukpuk, Kalinga

Region I — Ilocos
  • Jason C. Dominguez of Barangay Nagsayaoan, Sta. Maria, Ilocos Sur
  • Marino Cabados Cirilo, Sr. of Barangay Cadacad, Narvacan, Ilocos Sur
  • Antonio Delos Santos y Cachero of Barangay Laslasong West, Sta. Maria, Ilocos Sur
  • Elmer Castillo Abenojar of Barangay Guesset, Naguilian, La Union 
  • Samuel S. Fernandez of Barangay Gusing Sur, Naguilian, La Union 
  • Ariel Cayabyab Hiquiana of Barangay San Vicente, San Jacinto, Pangasinan
  • Walter Velasco y Bruan of Barangay Cablong, Sta. Barbara, Pangasinan
  • Angel Oria Sombrito of Barangay Calanutan, Rosales, Pangasinan
  • Lawrence Gilbert Delos Angeles of Barangay Balogo, Binmaley, Pangasinan
  • Froilando V. Fernandez of Barangay Gayaman, Binmaley, Pangasinan
  • Rogelio Fernandez of Barangay Caloocan Norte, Binmaley, Pangasinan
Region II — Cagayan Valley
  • Arnel P Quesada of Barangay Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela
  • Buenvinido B. Ruiz of Barangay Callangigan, Quezon, Isabela 
  • Domingo G. Tagufa of Barangay Balug, Tumauini, Isabela 
  • German G. Vinoya Jr. of Barangay Oscariz, Ramon, Isabela 
  • Sherwin S. Cadavona of Barangay Calinaoan Malasin, Sto. Tomas, Isabela
  • Jessie D. Corpuz of Barangay Baybayog, Alcala, Cagayan 
  • Marlon A. Abuyuan of Barangay Tallungan, Aparri, Cagayan  
  • Leodines L. Bautista of Barangay Centro 12, Tuguegarao City 
  • Samson D. Ebenga of Barangay Abaca, Dupax Del Sur, Nueva Vizacaya
  • Wilson Cansino of Barangay San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizacaya

Region III — Central Luzon
  • Mario Racoma Y Abujen of Barangay Santo Niño, San Felipe, Zambales
  • Willie E. Gutierrez of Barangay Nagpandayan, Guimba, Nueva Ecija
  • Lavarnie Gopez Y Pineda of Brgy. Bulaon, City of San Fernando, Pampanga
  • Region IV-A — CALABARZON
  • Josefino Malicad Jr. of Brgy. II-C, San Pablo City, Laguna
  • Gary Remoquillo of Brgy Landayan, San Pedro City, Laguna
  • Rowell Cabuyao Dela Torre of Barangay Ilayang Nangka, Tayabas City, Quezon
  • Rodelio Endaya of Brgy. Baybayin Rosario, Batangas
Region IV-B — MIMAROPA
  • Aaron Lubina Villareal of Barangay Villa Cervesa, Oriental Mindoro
  • Lodilito D. Bandiola Jr. of Barangay Salvacion, Rizal, Occidental Mindoro
  • Imee Malabayas Lara of Barangay Tumapon, Boac, Marinduque
  • Leonardo M. Narzoles of Barangay Tabi, Boac, Marinduque
Region V — Bicol
  • Omar G Guban of Barangay Batang, Irosin, Pasay Sorsogon
  • Medel G Labayan of Barangay Bayabas, Labao, Camarines Norte
  • Allan Nevales of Barangay Bagongbong, Minalabac, Camarines Sur
  • Anna N. Theresa Losiñada of Barangay Lacag, Daraga, Albay
  • Camillo H Hiloma of Barangay Binisitahan Del Sur, Magallanes, Sorsogon;
  • Eusebio B Lorico of Brgy. Buang, Tabaco City, Albay
  • Gresilda R Lumawon of  Barangay Mahaba, Ligao City, Albay
  • Norma B Bañadera of Barangay Manaet, Bacacay, Albay
  • Roger Cantes of Barangay Carayrayan, Tiwi, Albay

Region VI — Western Visayas
  • Tezardo M. Tejada of Barangay To-oy, Himamaylan City, Negros Occidental
  • Evelyn C. Ta-asan of Barangay 11, Bacolod City, Negros Occidental
  • Noli Villarosa of Barangay Tangub, Bacolod City, Negros Occidental
  • Kim C. Piramo of Barangay 19, Bacolod City, Negros Occidental
  • Romeo Sultan of Barangay Salamanca Toboso, Negros Occidental
  • Ruel Sabequil of Barangay Cabungahan, Calatrava, Negros Occidental
  • Tito Dipon Barnuevo of Barangay Linao, Panay, Capiz
Region VII — Central Visayas
  • Rodolfo Simbajon of Barangay Guio-ang, Guindulman, Bohol
  • Mario A. Lamanilao of Barangay Calituban, Talibon, Bohol
  • Eugene Zamora of Barangay Taloto, Tagbilaran City, Bohol
  • Patricio G. Soco of Barangay Alang-Alang, Mandaue City, Cebu
  • Ulysses Raganas of Barangay Linao, Talisay City, Cebu
  • Zosima P. Rojo of Barangay Upper, Natimao-an, Carmen, Cebu
  • Norman Navarro of Barangay Basak-San Nicolas, Cebu City, Cebu
  • Ignacio Cortes II of Barangay Centro, Mandaue City, Cebu
  • Mercedita S. Uy of Barangay Cancawas, San Jose, Negros Oriental

Region VIII — Eastern Visayas
  • Michael L. Vapor of Brgy. Jordan, Villaba, Leyte
  • Esterlina M Jacobe of Brgy. Nasaug, Maasin City
  • Jenecita T. Losaria of Brgy Catalina, Jiabong, Samar
  • Efren D. Truelda  of Brgy. 13, Catbalogan City, Samar
  • Wilfredo Bacarra of Brgy. Masagana, Jiabong, Samar
  • Nathan “Bembem” Gabronino of Brgy. Zone 3, Sogod, Southern Leyte
  • Jebanie R. Rios of Barangay Buenavista, Palompon, Leyte
Region X —Northern Mindanao
  • Camilo B Anduyan of Brgy. Tibangan, Iligan City
  • Jocelyn B. Janioso of Barangay Mabunga, Baugnon, Bukidnon
  • Zosimo Lao Zapico of Brgy. Ampinican, Salay, Misamis Oriental
Region XI — Davao Region
  • Maria T. Te of Barangay Manuel Roxas, Governor Generoso, Davao Oriental
  • Josephina Padillo of Barangay Libertad, Bansalan, Davao del Sur
  • Aurora C. Benemerito of Barangay Bangkal, Matanao, Davao del Sur
  • Noel V. Alo of Barangay Mayo, City of Mati, Davao Oriental
  • Apolonio Toledo of Barangay Harada Butal, Padada, Davao del Sur
Region XIII — Caraga Region
  • Wilfredo M. Membrillos of Barangay Nong Nong, Butuan City

©2020 THOUGHTSKOTO