IBA'T-IBANG financial assistance na ang pinamudmod ng gobyerno sa mga labis na naapektuhan ng coronavirus disease o Covid-19 mula pa noong Marso 2020.
Ngunit sa mga financial assistance na ito, may natanggap kana ba? Hanggang sa ngayon, marami pa rin ang nagsasabing walang natanggap na financial aid mula sa gobyerno, habang may mga nakatanggap naman ng ilang beses.
Ngayon, panibagong financial aid na naman ang isinusulong ng ilang mambabatas na may layuning bigyan ng tig-P2,000 ang bawat isa sa 108 million Filipinos, anuman ang estado ng buhay o edad upang makatulong sa kinakaharap na krisis dala ng coronavirus disease o Covid-19 sa ilalim ng P405.6 billion na Bayanihan 3 bill.
Ads
Ayon sa mga nagsusulong ng nabanggit na panukalang batas, ang “sana all” ayuda o ang tulong ay ipamamahagi ng dalawang beses o P1,000 kada bigay para sa lahat na mga Filipino. Ang nasabing financial aid ay magsisilbi umanong universal basic income.
“The total amount is P405.6 billion, which includes P216 billion for the ayuda for all Filipinos.
There are different kinds of ayuda. The most basic kind is the “Sana All” ayuda which is 1,000 per head. We’ll be doing this in 2 tranches,” ang naging pahayag ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, isa sa mga nagsusulong ng nabanggit na panukalang batas.
Ayon naman kay Albay Rep. Joey Salceda, mareresolba nito ang disbursement problem na naranasan sa mga nagdaang pamumudmod ng financial aid.
“Kasi wala nga national ID so mas mabilis kung gamitin mo lang yun number of people per barangay as basis for budgeting and mas maiiwasan natin yung adverse developments, adverse events during the SAP,” paliwanag ni Salceda.
Ayon pa kay Quimo na marami sa mga taong pumila sa Social Amelioration Program o SAP ay hindi nakatanggap ng financial assistance dahil wala sa listahan ang kanilang pangalan.
Ads
Sponsored Links
Paliwanag pa nito na kahit pare-pareho ang halaga na makukuha, mas malaki naman umano ang makukuha ng mga mahihirap na pamilya dahil anim ang average na bilang ng mga miyembro ng mahihirap na pamilya na mas maliit kun ikukumpara sa mga nasa middle at upper class na minsan umaabot lamang sa tatlong miyembro.
“So dun na lang alone, makikita natin na the poorest families will certainly get more than the riches families,” pahayag ni Quimbo.
Maliban sa universal basic income, pinaglalaanan din ng Bayanihan 3 ang mga sumusunod:
- P30 billion para sa emergency assistance sa mga apektadong household
- P20 billion para sa wage subsidies
- P25 billion para sa assistance sa mga displaced at disadvantage workers
- P10 billion para sa national nutrition
- P30 billion para sa agri-fishery sector
- P9 billion para sa medical assistance sa mga indigent programs
- P5 billion para sa relief ng mga local government units
- P400 million para sa RT-PCR testing ng mga OFWS
- P54.6 billion para sa pension at gratuity fund
- P5.6 billion bilang suporta sa basic education para sa mga laptops ng mga guro, mobile at internet allowance, distance learning modalities, radio based instruction infrastructure at N95 mask para sa mga DepEd employees at teachers
Pinasiguro naman ni Salceda bilang chairman ng House Tax Writing Panel na may pagkukunan na ng pondo para sa nasabing mga plano.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment