MANILA, Philippines — PARA sa isang karaniwang manggagawang Filipino nakapahirap magkasakit ngayong panahon ng pandemya dala ng coronavirus disease o Covid-19.
Mas mahirap din kung mag-positibo sa Covid-19 na walang sapat na pagkukunan ng panggastos kahit na sagot pa ng gobyerno ang pagpapagamot. Dahil sa ilang araw na quarantine, hindi maiiwasan na apektado ang pamilya at apektado din ang trabaho na pangunahing pinagkukunan ng pera para sa mga pangangailangan.
Dahil dito maituturing na malaking tulong ang matatanggap na compensation ng sinomang Filipino workers na mag-popositibo sa Covid-19.
Ads
Ito'y matapos isinama na ng gobyerno sa listahan ng occupational and work-related disease ang Covid-19. Ibig sabihin, makakatanggap ng tulong ang sinomang trabahante na mag-popositibo sa Covid-19.
Ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE, inaprobahan na ng board ng Employee's Compensation Commission (ECC) na mapabilang ang Covid-19 sa mga listahan ng mga sakit kung saan tatanggap ng compensation ang isang manggagawa.
Una rito, naglabas ang ECC ng Board Resolution No. 21-04-14 noong Abril 6 kung saan inisa-isa ang mga kondisyon para makatanggap ng compensation ang isang manggagawang nag-positibo sa Covid-19.
Ayon naman kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, ang Social Security System o SSS at ang Government Service Insurance System bilang mga administering agencies ng ECC ang magpapatupad ng compensation policies.
Ads
Sponsored Links
“The ECC is continuously working to improve its policies and services to better serve the Filipino workers, especially during this trying time. We will persist to find ways and come up with measures that will mobilize assistance and respond to the crises brought by the CoViD-19 pandemic,” ang naging pahayag ni ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis.
“Meron po silang daily allowance na maki-claim sa employees compensation program. Ang maximum is P480 per day. Meron din pong medical benefit yung nagastos nila sa ospital net of PhilHealth kasi pwedeng i-reimburse a part of the out of pocket expenses sa hospital,” dagdag pa ni Banawis.
Sa ngayon, may 33 mga sakit na nasa List of Occupational and Work-related diseases.
Dagdag pa ng DOLE na nakatakda itong maglabas ng mga terms and condition sa implementation o kung paano ma-claim ang nasabing compensation.
Una nang inaprobahan ni Pangulong Duterte ang P20,000 na allowance para sa mahigit 31,000 na ECC pensioners na may partial o total disabilities o survivors ng mga ito.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment