MANILA, Philippines — NAKATAKDANG buksan ng gobyerno ang online registration para sa national ID dahil na rin sa mga restrictions dala pa rin ng tumataas na bilang ng coronavirus disease o Covid-19.
Ayon sa Presidential Communications Operations Office o PCOO, nakatakdang simulan ang online registration para sa demographic information.
Sa ngayon, ang nasabing proseso ay ginagawa sa pamamagitan ng house-to-house data collection ng mga Filipino mula sa low-income families.
Noong nakaraang taon, sinimulan ng gobyerno ang registration sa 32 lalawigan at lungsod na may mabababang kaso ng coronavirus disease o Covid-19.
Ads
Ayon sa official Facebook page ng PSA Philippine Identification System, maaaring makakuha ng digital National ID sa tatlong steps.
Step 1: Pagkolekta ng demographic information at appointment-setting for Step 2 gamit ang online registration portal na magbubukas ngayong April 2021.
Dito kukunin ang sumusunod na impormasyon:
- Name
- Sex
- Date of birth
- Place of birth
- Blood type
- Address
At iba pang optional information tulad ng marital status, cell phone number, at email address.
Pagkatapos mag-input ng kailangang impormasyon, maaari na rin kayong mag-set ng appointment para sa Step 2 sa registration center na malapit sa inyong lugar!
Step 2: Pagkuha ng biometric information, tulad ng fingerprint, iris scan, at front-facing photograph at validation ng supporting documents.
Ang hakbang na ito ay gaganapin sa registration center na inyong pinili mula sa Step 1 registration. Huwag kalimutang dalhin ang inyong transaction number para sa hakbang na ito!
Para sa listahan ng supporting documents na maaaring dalhin https://psa.gov.ph/philsys/faqs
Step 3: Issuance ng PhilSys Number (PSN) at PhilID
Ang inyong PSN at PhilID ay ide-deliver ng PHLPost sa inyong tahanan! Paalala lamang po na huwag i-post sa social media ang inyong PhilID dahil ito ay naglalaman ng inyong personal na impormasyon.
Ads
👋🏽 ALAM MO BANG MAKUKUHA MO ANG DIGITAL NATIONAL ID MO IN THREE EASY STEPS? ALAMIN kung paano makapagrehistro sa...
Posted by PSA Philippine Identification System on Sunday, April 25, 2021
Ang Philippine ID Systsem o PhilSys ay iniuutos sa ilalim ng Republic Act 1105 na naging batas noong Agosto 2018.
“As we pursue this long-overdue project, I ask every Filipino to give PhilSys a chance so we may maximize the advantages of a universal and secure database that will make transactions more efficient, and our lives more convenient,” ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Humigit sa 30 milyong mga Pilipino na ang dumaan sa Step 1 ng PhilSys registration.
Kabilang dito ang 2.6 million na nai-register ngayong taong 2021.
Layunin ng Philippine Identification System o PhilSys na bigyan ng valid proof of identity ang bawat Pilipino at mga dayuhang naninirahan sa bansa.
Sa tulong ng pagkakaroon ng valid proof of identity, magiging mas madali para sa ating mga kababayan na maka-access sa mga serbisyo ng gobyerno at pribadong sektor, at iba pang transaksyon na kailangan ng valid ID.
Magbubukas na sa publiko ang online registration para sa Step 1 ngayong 2021.
No comments:
Post a Comment