MANILA, Philippines — TINATAPOS na ng gobyerno ang pamamakuna kontra sa coronavirus disease sa mga frontline health workers sa buong bansa at susunod na sa pila ang mga senior citizens bilang next in line sa prioritization.
Prioridad din sa Covid-19 vaccination ang mga matatanda dahil karamihan sa mga ito ay may mahihinang immune system at may comorbidity o iba pang karamdaman.
Ayon sa Department of Health o DOH, dapat magpabakuna ang publiko laban sa Covid-19 upang mabigyan ng proteksiyon laban sa pagkalat ng nabanggit na nakakahawang sakit lalo na ngayon na may surge o biglaang pagtaas ng kaso.
Ads
Ngunit ayon sa isang infectious disease expert ng UERM Memorial Medical Center na si Dr Minette Claire Rosario sa segment na “Bakuna Muna” sa programang Kabayan sa TeleRadyo, inisa-isa nito ang mga sakit na kailangan munang may clearance mula sa mga doktor bago magpabakuna ang pasyente laban sa Covid-19.
“Sa health assessment checklist, may makikita doon na mga condition na kailangan ng clearance. 'Yan po 'yung sinasabing may ibang medical condition, immunocompromised o nakakapambaba ng panlaban ng ating katawan,” sabi ni Rosario.
“Ang sinasabing mga kondisyon na 'yun, 'yung merong may cancer kasi kailangan natin malaman kung may tinatanggap silang chemotherapy or gamot para doon sa kanilang cancer na kondisyon. May timing po kasi 'yan doon sa pagpapabakuna. Kung tumatanggap siya ng chemotherapy kailangang ipaliwanag na pag masyadong malapit ang pagtanggap ng bakuna doon sa chemotherapy niya, halos mapapawalang-bisa 'yung bakuna."
"Meron din mga pasyenteng may autoimmune disease, may mga lupus po o 'yung mga transplant patients pati po 'yung pasyenteng may HIV, pwede naman pong tumanggap ng bakuna pero kailangan ng clearance in the sense, kailangan nating malaman ano ba 'yung status ng kanilang karamdaman. Technically, dapat stable.”
Ads
Sponsored Links
Narito ang iba't-ibang sakit o kondisyon na nangangailangan ng clerance mula sa mga doktor bago magpabakuna kontra sa Covid-19.
Mga buntis at nagpapasuso:
“Pwede naman po. Ang requirement po, may guidelines na inilabas ang Philippine Obstetrical and Gynecology Society na 'yung bakuna pwede naman by second term po ng pregnancy. Tapos 'yung nagpapa-breastfeed pwede namang tanggapin 'yung bakuna.”
Dialysis Patients:
“Opo, karaniwang gusto nating i-check sa mga pasyenteng nagda-dialysis kasi nga may mga pag-aaral na 'yung mga may medical condition mas grabe ang epekto ng pagkakaaroon ng COVID sa kanila so gusto nating mabakunahan din sila.”
Mga may Cerebral Palsy:
“Pwede rin po, kailangan lang ng clearance kasi minsan meron din silang mga gamot na tinatanggap o kaya mismong kalagayan nila masyado silang parang frail o nanghihina o 'yung nourishment importante din sa status ng pagtanggap ng bakuna.”
BASAHIN: Mga tatanggi sa Covid-19 vaccine na ibibigay ng gobyerno, ilalagay sa ‘bottom list’ ayon sa DOH
Mga gumagamit ng steroids:
“Yang ang isang kondisyon na nagpapababa kasi ng panlaban ng katawan so gusto natin pinakamababang dose ng steroids na tinatanggap, tapos ulit gaano na ba katagal. Importante sa timing sa pagbakuna.”
May sakit na Alpha Thallasemia:
“Kondisyon siya sa dugo parang genetic change sa mismong DNA o protein sa katawan pero hndi po siya contraindicated, ibig sabihin pwede naman pong tumanggap ang pasyente na may Alpha Thallasemia, ng bakuna.”
Mga dating nagkaroon ng adverse effect sa bakuna:
“Assume natin na tumanggap siya ng bakuna nung bata. Usually naman po allergic reaction 'yan. Pag ganun po ang sinasabi sa tanong, kailangan po ng clearance sa espesyalista sa allergy.”
Mga may rheumatoid arthristis at may gamot na pang-suppress ng immune system para ma-kontrol ang kondisyon:
“Yan po ang isang importante na may clearance kasi nga po 'yung timing nung pagtanggap ng bakuna at 'yung klase ng gamot na tinatanggap niya para doon sa rheumatoid arthritis may kaakibat na panahon kung kailangan niya pwedeng matanggap yung COVID-19.”
Mga may Psoriasis:
“Opo, condition siya sa balat. Ang mga pasyenteng may psoriasis binibigyan din ng gamot tulad ng steroids o mas malakas na klase ng pampababa ng system so kailangang din po 'yan ng clearance. Ang gusto lang natin sa clearance ay malaman kung stable ang disease.”
May sakit na Takayasu Disease at na-stroke na noong sumailalim sa Aortic Bypass:
'Yung mga medical condition niya ito po 'yung sinasabi, lolo na 'yun condition niya sa heart, 'yan po yung isa sa mga condition na recommended na makatanggap ng bakuna. Yes, pwedeng magpabakuna, mas maganda may clearance doon sa vaccination site.”
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment