Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, January 15, 2021

Mga tatanggi sa Covid-19 vaccine na ibibigay ng gobyerno, ilalagay sa ‘bottom list’ ayon sa DOH





MANILA — KINUMPERMA ngayon ng Department of Health o DOH na ilalagay sa pinaka-huling listahan ng mga recipients ang sinomang Pinoy na tatanggi sa bakuna laban sa Covid-19 na ibibigay ng gobyerno.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, malayang pumili ang mga Pinoy ng brand ng Covid-19 vaccines na gusto ng mga ito, ngunit paalala niya, nasa state of public health emergency pa rin ang bansa.

“Ang napag-usapan, kung kayo po ay tatanggi, we will have to put you at the bottom of the list and we will give it to the next person in line as part of our priority. Hindi po natin ipipilit, very simple consent actually kaya nga lang po, mawawala ang chance niyo,” 

Ads


“You would go to the bottom of the line and the next time na puwede na kayo uli magpabakuna ay yan po kapag pagdating ng susunod ng delivery at kapag tapos na po ang sektor na kabilang po kayo,” ang bahagi ng pahayag ni Vergeire.

Nilinaw ni Vergeire na naiintindihan ng DOH ang mga rason kung bakit gusto ng mga Pinoy na pumili ng kanilang bakuna.

Sinabi din ng opisyal na hindi rin maaaring mag-demand ang sinomang Pinoy na unang tumanggi sa bakuna na mailagay ito sa priority list sa susunod na batch ng mga bakuna na ipapadala sa bansa.

“Kaya lang hindi po namin kayo puwede ilagay na… dumating yung another vaccine, kayo na ang priority, hindi po, hindi po ganun ang mangyayari. Uunahin natin yung iba pa pong priority population natin,” 

Ads
Town Hall on COVID - 19 Vaccine Deployment Plan

ATM: DOH spearheads Town Hall on COVID - 19 Vaccine Deployment Plan for MDs and Allied Healthcare Professionals #BeatCOVID19 #BIDASolusyon #ExplainExplainExplain #COVID19Vaccines #COVID19PH #WeHealAsOne

Posted by Department of Health (Philippines) on Wednesday, January 13, 2021

 

Sponsored Links



“Hindi namin sinasabi na diretsahan na hindi ka puwede mamili kasi may informed consent naman po kayo, you will have to give us the consent kung gusto niyo yung bakuna or hindi.” dagdag na pahayag ni Vergeire.

Sa survery na isinagawa ng Pulse Asia noong 2020, 47 porsyento sa mga Filipinos ang nagpahayag na hindi sila magpapabakuna laban sa Covid-19 dahil sa safety concerns.

Nasa 25 million dose na ng bakuna laban sa Covid-19 ang na-secure ng Pilipinas mula sa Sinovac Biotech ng China habang 30 million dose naman sa Serum Institute ng India.

Sinabi din ng Malacanang na posibleng makatanggap din ng paunang batch ng bakuna mula sa SU-based Pfizer at Russia's Gamaleya Institute sa Pebrero ang Pilipinas.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: