MANILA, Philippines — MAGIGING good news ito sa mga solo parents sa buong Pilipinas sakaling tuluyang maging isang batas.
Ito'y matapos inaprobahan na sa final reading ng House of Representatives ang isang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na benipisyo sa mga solo parents sa bansa.
Sa botong 208, walang negative at walang abstention, inaprobahan ng House of Representatives ang House Bill No. 8097 na may layuning amyendahan ang Republic Act No. 8972 o the Solo Parents Welfare Act of 2000.
Ang panukalang batas ay sponsor ng Committee on Revision on Laws Chairperson Cheryl Deloso Montalla at Gabriela Rep. Arlene Brosas.
Ads
Narito ang 10 importanteng probisyon ng HB 8972
1. Pitong araw na paid parental leaves sa mga solo parents
2. Mga benipisyong ibibigay sa mga qualified solo parents o mga solo parents na kumikita ng mas mababa sa P250,000 kada taon.
A. Scholarship program mula sa DepEd, CHED, at TESDA para sa qualified solo parents at full scholarship sa isang anak nito; magiging prioridad naman sa education program ng gobyerno ang iba pa nitong anak.
B. 10% discount at VAT exemption sa goods and services sa lahat na mga establishments kabilang na rito ang mga sumusunod;
- Damit
- Pagkain at micronutrients supplements
- Sanitary Diapers
- Medical and Dental Services
- Diagnostic and Laboratory Fees
- Professional Fees sa mga private healthcare institutions
- Basic School Supplies
- Water at Electric Supplies sa mga public utilities
- Pamasahe sa land transportation sa mga public utility vehicles
- Actual fares sa domestic air transport at sea shipping vessels
- Good and services sa mga restaurants, recreational centers, hotels, etc.
Ads
Sponsored Links
C. Prioridad din ang mga solo parents sa libreng medical at dental services at diagnostic and laboratory services sa lahat na mga government facilities.
D. Special discounts sa pagbili ng mga basic commodities
E. Pagkakaroon ng benipisyo ay prebilihiyo mula sa GSIC, SS at Pag-IBIG sa mga solo parents
3. Magiging prioridad ang mga solo parents at kanilang mga anak sa employment at livelihood program ng gobyerno. Ang mga private companies na magbibigay ng trabaho sa hindi bababa sa 10 solo parents ay mabibigyan ng dagdag na deductions sa kanilang gross income.
4. Pagkakaroon ng social safety assistance sa mga solo parents at kanilang mga anak sa panahon ng kalamidad o trahedya.
5. Inaatasan ang DOLE at ang CSC na hikayatin ang mga establishments na magkaroon ng child minding centers sa mga pinagtatrabahuan at i-promote ang breastfeeding in the work place.
6. May itatatag din na Solo Parents Office sa bawat probinsiya at lungsod at Solo Parent Division sa ilalim ng Municipal Social Welfare Office sa bawat bayan.
7. Bibigyan ng Solo Parent Identification Card at booklet (for qualified solo parents only) na magiging valid para sa isang taon at maaaring magamit alinman sa Pilipinas.
8. Magiging detalyado naman ang documentary requirements para sa registration at issuance ng mga Solo Parent Identification Cards at booklets para sa patas na distribusyon.
9. May itatatag naman na Inter-Agency Coordinating and Monitoring Committee and Joint Congressional Oversight Committee
10. May multa namang naghihintay sa mga entities na hindi tutupad sa mga nakasaad na benipisyo para sa solo parents.
Multa naman na hindi bababa sa P10,000 ngunit hindi lalampas sa P50,000 o pagkakakulong na hindi bababa sa anim na buwan ngunit hindi lalagpas sa isang taon, o pareho ang naghihintay sa sinomang tao, korporasyon, o ahensiya na tatangging magbigay ng nabanggit na mga benipisyo sa solo parents sa ilalim ng panukalang batas bilang first offense.
Itinakda naman sa 100,000 hanggang P200,000 o pagkakakulong ang multa sa mga susunod pang paglabag.
Pagmumultahin din ng batas ng hindi bababa sa P50,000 ngunit hindi hihigit sa P100,000 o pagkakakulong ang sinomang mamemeke ng dokumento para maka-avail ng nabanggit na benipisyo.
Matapos nakalusot sa kongreso, isusumite na sa Senado ang nabanggit na panukalang batas upang ma-aksyunan.
©2020 THOUGHTSKOTO
3 comments:
Nkuh..aasa pba aq..eh SAP nga hnd aq nkakuha eh..yan pa kya..sna all..im a solo parents din nmn sa dalawa kong anak..pero wla dna aq aasa jn.
Pls. Help us 4 anak ko lahat nag aaral..
Sari-sari store lang income ko baon sa utang sa bombay
Pahirapan magpa aral...
Tnx u
Hello po! I am a solo parent of 2 kids for 17years without any support from my ex husband.I have a solo parent ID from DSWD.I am working in a government for 6years till present. My annual income is lower than Php250,000.00. When d pandemic strikes, I wasn't included in the SAP distribution for d reason that I am working in a government. Even working in a government, I can't file a leave for d reason that my agency hold any kind of leaves except maternity and sick leave. Eventhough I have a solo parent ID, I never used it even once nor availed any benefits as a solo parent. I hope ds HB will be approved and fully implemented soon. Praying for this.�� God bless us.
Post a Comment