MANILA, Philippines — ISANG pasilidad ngayon ang itinatag ng Social Security System o SSS na siyang sasagot sa mga tawag at video calls ng mga pensioners na ko-comply sa kanilang annual confirmation of pensioners program o ACOP requirement.
Sa isang panayam, inihayag ni SSS president and chief executive officer (CEO) Aurora Ignacio na hindi pa rin nire-require ng SSS ang mga pensioners o mga beneficiaries ng mga ito na pumunta sa kani-kanilang mga branches sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas para sa nabanggit na requirement.
“Opo. Ina-allow ho namin siya. Naging maluwag ho kami para dito dahil alam namin na hindi sila makakapunta. So very considerate naman ang SSS doon sa ganoong posisyon.” bahagi ng naging pahayag ni Ignacio.
Ads
Matatandaang sinuspindi ng SSS ang ACOP matapos isinailalim ng gobyerno sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang buong Luzon area mula Marso hanggang Abril 2020 dahil sa paglaganap ng nakakahawang coronavirus disease o Covid-19.
Pinalawig naman ang ECQ status hanggang katapusan ng Mayo 2020 sa buong Metro Manila.
Una nang kinlaro ni Ignacio na makakatanggap pa rin ng pensions ang mga pensioners at kanilang mga beneficiaries kahit walang personal appearance compliance.
Binibigyan naman ng SSS ng 60 na araw ang kanilang mga pensioners na i-comply ang ACOP requirements sakaling suspendido na ang lahat na mga quarantine levels na pinatutupad.
Ads
Sponsored Links
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment