Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Saturday, January 09, 2021

Japan at Israel, Tuloy ang Hiring ng mga Filipino Caregivers sa kabila ng Covid-19 Pandemic!





MANILA, Philippines — TULOY-TULOY ang hiring ng mga Filipino caregivers ng bansang Japan at Israel sa kabila ng mga panibagong travel restrictions dahil sa bagong Covid-19 variant.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernardo Olalia, itutuloy ng Israel ang pagkuha ng 500 Pinoy caregivers.

"Matutuloy na ito kasi kinonfirm na ng bansang Israel... Mataas ang bilang ng kanilang shortage pagdating sa health care workers, lalong-lalo na sa caregivers kasi aging population din ang Israel," bahagi ng pahayag ni Olalia.

Paliwanag ni Olalia, government-to-government ang hiring sa Israel kaya walang placement fee at sa POEA lamang maaaring mag-apply.

Nasa US$1,500 o higit P70,000 ang sahod.


Narito ang proseso sa pag-apply:

1. Pumunta sa www.poea.gov.ph
2. I-click ang Online Services
3. I-click ang Manpower Registry
4. Mag-register
5. Hanapin ang job opening para sa instructions at requirements

Ads


Narito naman ang mga qualification para sa mga nais maging caregiver sa Israel:
  • Filipino Citizen
  • Nakatapos hanggang high school, o graduate ng physical therapy o nursing, o may National Certificate II mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
  • Hindi bababa sa 23 ang edad, 4"11 ang height, at 45 kilos ang timbang
  • NBI clearance
  • Unang beses magtrabaho sa Israel at walang kamag-anak doon

Samantala, nilinaw naman ng POEA na hindi kasama ang caregivers sa 5,000 qouta para sa deployment ng mga health care workers na magsisimula ngayong 2021.

Labing-apat na propesyon lang ang kasama rito:
  • Doktor
  • Nurse
  • Microbiologist
  • Molecular biologist
  • Medical technologist
  • Clinical analyst
  • Respiratory therapist
  • Pharmacist
  • Laboratory technician
  • X-ray / radiologic technician
  • Nursing assistant
  • Operator of medical equipment
  • Supervisor of health services and personal care
  • Repairman of medical-hospital equipment

Ads


Sponsored Links



Samantala, inihayag naman ng isang recruitment agency na maraming caregivers ang ang kinakailangan ngayon ng Japan.

Ito'y sa kabila ng deklarasyon ng stata of emergency sa Tokyo, Japan dahil sa tumataas na kaso ng Covid-19 at pagpapatupad ng ban sa pagpasok ng mga foreign nationals sa bansa.
Ayon kay Cesar Averia, president at CEO ng EDI-Staffbuilders International, libo-libong mga caregivers ang kailangan sa Japan sa mga susunod na taon.

They were given a chance to go to Japan until midnight of January 3. So we were able to meet that deadline for our 15 guys, so nandu'n na sila... and thousands and thousands are needed in Japan for the next, for the next 10 years, so it’s an opportunity that we have to take," pahayag ni Cesar Averia, president at CEO ng EDI-Staffbuilders International.

Kinumperma din nito na tuloy pa rin ang deployment nila ng 300 caregiver sa Abril at 500 sa Disyembre.

Qualifications para sa caregiver sa Japan
  • Graduate ng nursing/physical therapy/occupational therapy
  • Undergraduate pero may TESDA NCII certificate
  • 6 months job experience
"First 2 months muna is actually online. After that, then they go on the school so that they can do the actual, the technical training... After that, they have to pass 2 exams... Most of them have financial problems so they cannot really stop working. And in order to learn language you have to concentrate and learn it and be dedicated to it. So all we need is their commitment," dagdag na pahayag ni Averia.

Paliwanag nito, walang gastusin ang aplikante dahil sagot ito lahat ng employer at pag nakapasa, US$1,300 o mahigit P60,000 kada buwan ang take home pay. Madalas, sagot din umano ng employer ang accomodation, food, at transporation expenses ng mga caregiver sa Japan.


Ayon naman kay Averia, bukod sa Japan ay nagde-deploy din sila ng mga caregivers sa Finland, nurses sa Germany at mga hospitality staff sa Saudi Arabia.

Sa mga interesado, online ang application kaya para masimulan, bisitahin ang wesbite na edistaffbuilders.com.

Pabor naman ang POEA na umpisahan na ng mga aplikante ang kanilang application sa Japan at Israel dahil pansamantala lamang ang mga travel restrictions.

Nag-apela naman si Olalia sa mga nurses na huwag mag-apply bilang caregiver dahil marami umanong mga trabahong naghihintay sa mga nurses.

"Marami pong opening as full fledged nurse at mataas po ang suweldo," pahayag ni Olalia.


©2020 THOUGHTSKOTO

1 comment:

Dan Spence said...

Thanks for writiing this