MANILA, Philippines — SAMPUNG libong piso government assistance ang agad na matatanggap ng mga Overseas Filipino Workers o OFW na mapapa-uwi sa bansa dahil sa Coronavirus disease o Covid-19.
Ito'y matapos inako ni Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III na naantala ang pagbibigay ng cash aid sa mga OFWs simula noong lockdown, may walong buwan na ang nakakaraan.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs o DFA, kabuuang 237, 363 na OFW ang narepatriate mula noong ideneklara ang Covid-19 outbreak.
Una rito, kinakailangan pa nang na-repatriate na OFW na mag-apply para sa nasabing cash assistance at maghihintay pa na ma-proseso at maaprobahan ang kanilang application.
“Why do we have to wait for the OFWs to apply? We know they were displaced because of COVID-19 and therefore they deserve the financial assistance,”
“Once they arrive, the financial assistance given by the President for them should be ready. When they arrive at the airport, give them the assistance. Let us not wait for them to apply since we know they are OFWs,” ang naging pahayag ni Bello sa isang online news briefing.
Ads
Una rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOLE na tapusin na ang distribusyon ng financial assistance sa mga displaced OFWs bago ang Pasko.
“I gave you so many billions to give to the workers by way of assistance,”
“Natanong lang because marami ring nagtatanong dito on my end. I get to give answers to questions which are sometimes I have no knowledge of,” ang naging pahayag ni Pangulong Duterte.
Pinasiguro naman ni Bello na sisimulan nila ang pagbibigay ng cash aid sa mga OFWs sa Nobyembre 15 at target na ma-kompleto bago pa man ang Nobyembre 20.
Paliwanag ni Bello, na umaabot na sa P3.1 billion ang kanilang naipamigay mula sa P5 billion na pondo para sa nasabing programa.
Ads
Sponsored Links
Nilinaw naman ng pangulo na wala itong reklamo sa distribution ng financial assistance ngunit nais lamang nitong maibigay bago ang Pasko.
“Sana dumating sa kanila para Pasko. Napakahirap ng buhay ngayon at least kung may maitulong tayo nang kaunti, ibigay na natin. I remember giving you so many billions,”
“Wala naman akong masabi except it should reach the hands of the beneficiaries by Christmas time, at least, Disyembre may panggastos ang mga tao. Yun lang naman),” ang pahayag ng pangulo kay Bello.
Pinasiguro ni Bello na agad ibibigay ang pera sa mga darating na OFWs na napauwi dahil sa Covid-19 habang mamadaliin naman ang pagbibigay ng cash aid sa mga OFWs na naghihintay pa ng kanilang cash aid at ibibigay na ito bago matapos ang buwan.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment