MANILA, Philippines — Miyembro ka ba ng Pag-IBIG Fund at isa sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo? Alam mo ba na maaari ka nang mag-apply ng Calamility Loan sa Pag-IBIG?
Sa ilalim ng section 16 sa Republic Act 10121 o “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010”, may kapangyarihan ang pangulo ng Pilipinas at bawat pinuno ng local government na ideklarang nasa ilalim ng state of calamity ang isa o higit pa sa kanilang hurisdiksiyon.
Ang deklarasyon ng state of calamity ay naaayon sa rekomendasyon ng mga konseho—LDRRMC (Local Disaster Risk Reduction Management Council) para sa lokal na pamahalaan, habang ang NDRRMC (National Disaster Risk Reduction Management) naman ang nagpapayo nito sa Pangulo.
Sa oras na nasa State of Calamity ang isang lugar, ang mga residente nito ay magkakaroon ng pagkakataong mag-loan o umutang sa gobyerno nang walang labis na interes at ito ngayon ang ina-alok ng Pag-IBIG Fund.
Ads
Dahil sa mga nagdaang bagyo sa Pilipinas, partikular na ng bagyong "Rolly", marami sa mga lugar sa bansa ang isinailalim sa state of calamity.
Ayon sa Pag-IBIG Fund, handa nilang tulungan ang mga miyembrong naapektuhan ng Bagyong Rolly.
“We are ready to help our members affected by Typhoon Rolly with our Calamity Loan Program. In fact, taken together with recent calamities, we have 226,170 affected members who are eligible to borrow a total of P4.4 billion in calamity loans. We have also begun establishing service desks in areas affected by Typhoon Rolly to bring our services closer to our members to help them apply for a loan. This is in line with the directive of President Rodrigo Roa Duterte to provide Filipinos with responsive social benefits especially during trying times,” ang naging pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, head ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng 11- member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Sa ilalim ng Calamity Loan Program ng Pag-IBIG Fund, maaaring maka-utang ang mga miyembro ng hanggang 80% sa kanilang kabuuang Pag-IBIG Regular Savings, na kinabibilangan ng kanilang monthly contributions, share ng kanilang employer at naipong dividends.
Ayon sa Pag-IBIG Fund, maaaring makapag-apply ng Calamity Loan ang mga qualified borrowers sa loob ng 90-araw mula nang ideneklara ang state of calamity sa kanilang lugar.
Mababa lang din ang interes ng Calamity Loan ng Pag-IBIG Fund na nasa 5.95% per annum.
“Members in affected areas who still have access to internet service and have a Loyalty Card Plus, Land Bank of the Philippines or United Coconut Planters’ Bank (UCPB) cash card, may file their loan applications via Virtual Pag-IBIG. This would allow them to file and receive their loans safer and faster, so that they can continue to tend to the needs of their families as they recover from the effects of the typhoon,” ang dagdag na pahayag ni Del Rosario.
Ads
Sponsored Links
Pag-IBIG Calamity Loan Qualifications:
Maaaring makakuha nito ang kahit sinong miyembro ng Pag-IBIG na...
- Nakapag-contribute ng hindi bababa sa 24-buwan
- Nakapag-contribute ng limang buwan sa loob ng huling anim na buwan
- Residente ng lugar na nasa State of Calamity
Pag-IBIG Calamity Loan Requirements:
Ang mga sumusunod ay kailangang ipasa sa alinmang tanggapan ng Pag-IBIG:
- Calamity Loan Application Form (makukuha sa www.pagibigfund.gov.ph at sa msimong tanggapan ng Pag-IBIG)
- Photocopy ng dalawang valid ID
- Katibayan ng kabuhayan/income
- Declaration of Being Affected by Calamity (para sa mga pormal na empleyado lamang)
Maaaring ipasa ang aplikasyon sa Pag-IBIG Calamity Loan sa loob lamang ng 90 araw matapos ang deklarasyon ng State of Calamity.
Ang amortization ng Pag-IBIG Calamity Loan ay 24 na buwan at may grace period na tatlong buwan. Magsisimula ang pormal na pagbabayad sa ika-apat na buwan mula sa araw kung kailan mo natanggap ang iyong loan.
Pagtatapos ng Pag-IBIG Fund, nasa P4.4 billion na halaga ng calamity loans ang handang ibigay sa mga miyembrong naapektuhan ng bagyong Rolly.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment