MANILA, Philippines — Kung may Calamity Loan Assistance Package o CLAP ang Social Security System o SSS para sa mga kwalipikadong miyembro nito, may three-month advance pension naman na maaaring aplayan ang mga pensioners ng ahensiya.
Sa guidelines na inilabas ng SSS sa kanilang official Facebook Page na Philippine Social Security System, maaaring mag-apply para sa Three-months Advance Pension ang mga pensioners ng SSS at Employees Compensation o EC.
Ngunit nilinaw ng SSS na ang programa ay para lamang sa mga pensioners ng ahensiya sa na nakatira sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC dahil sa panalasa ng Super Typhoon Rolly at mga bagyong Quinta at Ulysses.
Hindi naman qualified sa advance pension ang mga retiree-pensioners na may kasalukuyang loan sa ilalim ng Pension Loan Program (PLP).
Ang application para sa tatlong-buwang advance pension ay maaaring i-file sa alinmang branches ng SSS.
Ang three-month advance pension ay maaaring aplayan simula Nobyembre 27 nitong taon.
Ads
Samantala, kung ikaw ay SS pensioner ngunit hindi kwalipikado sa three-month advance pension ng SSS, maaari mo namang i-avail ang SSS Pension Loan Program ng ahensiya na maaari nang aplayan online.
Ayon sa SSS programa ito ng ahensiya para sa mga kwalipikadong retiree-pensioners at hindi na kailangan pang pumunta sa mga SSS branches para sa application sa halip, maaari itong gawin kahit saan sa kondisyong may internet connection at naka-rehistro ang pensioner sa My.SSS web account nito.
Basahin: Kailangan ng Emergency Loan Dahil sa Bagyo o Iba pang Kalamidad? Narito ang 5 Maari Mong Mautangan
Ads
Sponsored Links
Kabilang sa qualifying conditions ng PLP program ay ang current at active mobile numbers at disbursement account.
Paglilinaw ng SSS na ang PLP ay bukas para sa lahat na mga pensioners sa buong bansa at hindi lamang para sa mga nasalanta ng kalamidad.
Narito ang iba pang mga impormasyon ukol sa PLP ng SSS.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment