Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, November 13, 2020

ALAMIN: Mga Pautang ng SSS, GSIS at Pag-IBIG Fund sa mga Binagyo




Patapos na ang taong 2020 ngunit tila hindi natatapos ang mga problemang dala ng iba't-ibang kalamidad sa bansa. Maliban sa krisis na dala ng Coronavirus pandemic o Covid-19, pinalala naman ng sunod-sunod na mga bagyo ang hirap ng buhay ng marami nating kababayan na una nang naapektuhan ng iba't-ibang kalamidad.

Dahil sa sunod-sunod na mga bagyo, marami ang nawalan ng bahay at pangkabuhayan at kailangan ngayong bumangon para makapag-simula muli.

Maliban sa pagkain at matutulugan, isa sa pinaka-kailangan ng mga binagyo ay pera para makapagpaayos ng bahay na sinira ng malakas na bagyo at makapag-simulang muli sa kani-kanilang pangkabuhayan.

Kung ikaw ay isang miyembro ng SSS, GSIS at Pag-IBIG Fund at regular ang hulog ang hulog mo ng iyong contribution, tiyak na may malalapitan ka sa panahon ito dahil may mga pautang ang nasabing mga government financial institution sa mga binagyo.

Ads


Mga pautang ng Pag-IBIG Fund!

Pag-IBIG Fund Multi-purpose Loan!

Kung kumpleto ang mga requirements at dokumentong hinihingi ng Pag-IBIG, sa loob ng dalawang araw, maaari mo nang makuha ang iyong Pag-IBIG Multi-Purpose Loan.

Requirements para sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan
  • Multi-Purpose Loan Application Form
  • Valid ID
  • Proof of Income
Proseso para sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan
  • Mag-sumite ng accomplished Multi-Purpose Loan Application Form at mga hinihinging dokumento
  • Kumuha ng STL Acknowledgement Receipt
  • Sa nakatakdang petsa, kunin ang iyong loan.

Pag-IBIG Calamity Loan — Ayon sa Pag-IBIG Fund, nasa P4.4 billion kanilang pondong inilaan para sa calamity loan ng kanilang mga miyembro o 80% ng savings.

Hindi tulad ng Pag-IBIG Multi-Purpose Loan na bukas para sa lahat na miyembro, ang Pag-IBIG Calamity Loan ay para lamang sa mga residente ng lugar na isinailalim sa state of calamity.

Para sa mga interesadong mag-apply ng Pag-IBIG Calamity Loan basahin ito —  Calamity Loan ng Pag-IBIG Fund, Maaari Nang Aplayan! Alamin Kung Kwalipikado Ka!

Kung walang koryente o access sa internet, maaaring aplayan ang mga inaalok na loan ng Pag-IBIG sa kani-kanilang mga branches. Kung may access naman sa internet, maaari ito sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG.


Ads
Sponsored Links



Pautang ng Social Security System o SSS

Inanunsyo na rin ng Social Security System (SSS) na magkakaroon ito ng assistance package sa mga binagyo. Una rito, umaabot sa P28 billion umano ang nailabas ng ahensiya sa naunang calamity loan dahil sa Covid-19.

Maaari din namang mag-apply ng salary loan ang mga miyembro ng SSS kung saan makakakuha ang mga ito ng hanggang P40,000 depende sa kanilang kontribusyon.

Sa mga interesadong mag-apply para sa SSS salary loan, basahin ito — Gamit ang Mobile Phone, Makakapag-apply ka ng SSS Salary Loan Online.


"Kailangan lang magrehistro sa my.sss at 'yon nga pong disbursement account na puwedeng savings account o PayMaya o M Lhuillier, puwede pong piliin niyo 'yon at i-enroll niyo sa inyong my.sss para doon niyo maa-avail ang ating salary loan online," ang naging pahayaga ni SSS Spokesperson Fernan Nicolas.


Pautang ng Government Service Insurance System (GSIS)

May ina-alok na emergency o calamity loan at multi-purpose loan ang GSIS sa mga miyembro nito.

Qualifications para sa GSIS Calamity Loan
  • Kasalukuyang nasa serbisyo at hindi naka-leave without pay
  • Walang nakabinbin na criminal o administrative case
  • Walang kulang o nakabinbing utang sa buwanang kontribusyon
  • Walang ibang loan o utang na nakadeklara
  • Residente o kawani ng pamahalaan na nasa ilalim ng state of calamity
Maaari itong maiproseso sa pamamagitan ng:

A. GSIS Wireless Automated Processing System (G-W@PS)

Dalhin lamang ang eCard Plus sa alinmang tanggapan ng GSIS na mayroong W@PS kiosk.

Gamit ang G-W@PS, piliin ang “Emergency Loan” mula sa “Loan” menu at sundin ang mga hakbang na ibibigay upang makumpleto ang transaksiyon.

B. Pag-aapply sa Tanggapan

Sagutan ang application form sa alinmang tanggapan ng GSIS.

Kabilang sa mga kondisyon ng GSIS Emergency Loan ay ang pagbabayad nito sa loob ng tatlong taon o 36 na buwanang hulog. Ang 6% na interes nito ay maidaragdag lamang kada taon (annum). Sa pagkuha ng loan na ito, mayroong ibibigay na kuwenta ng utang at ng buwanang amortisasyon nito. Kung ang emergency loan ay dumaan sa proseso ng pagre-renew, ang balanse sa natitirang loan ay ibabawas sa bagong loan.

Ayon sa GSIS, maaaring pagsabayin ang dalawang loan.
"Basta kaya pa ng kaniyang paying capacity, basta ang kaniyang net-take home pay, huwag bababa ng P5,000," ani GSIS Executive Vice President Nora Malubay.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: