KORONADAL CITY — PATAPOS na ang taong 2020 ngunit tila wala pa ring balita mula sa Social Security System o SSS kung kailan nila ipapatupad ang P1,000 na dagdag sa social security pension ng mga senior citizens.
Sa kabila ng kaliwa't-kanan na panawagan ng mga SSS retirees na ibigay na ang dagdag na social pension, hanggang ngayon, wala pa ring kasiguruhan kung kailan ito ibibigay ng SSS.
Dahil dito, isang mambabatas na ang nanawagan sa ngayon para sa agarang pagbibigay ng second tranche ng inaprobahang dagdag sa social security pension para sa mga senior citizens.
Ads
Sa ilalim ng House Resolution No. 1366, ipinanawagan ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes ang agarang pagpapatupad ng social security pension para sa mga retirees.
Ayon sa mambabatas, malaking tulong ang P1,000 na increase upang maibsan ang nararanasang krisis na iniinda ng mga senior citizens dahil na rin sa epekto ng iba't-ibang kalamidad na tumama sa Pilipinas, maliban pa sa pahirap na dulot ng coronavirus disease o Covid-19.
“As of this year, 2,150,000 SSS pensioners are at high risk and fail to properly cope with the consecutive tragedies befalling our country from a global pandemic, an economic recession, massive floods, and super typhoons due to the undue delay in the implementation of the second tranche increase of the social security pension,” ang naging pahayag ni Ordanes sa inihalin nitong resolution.
Maliban dito, isang liham din ang ipinadala ni Ordanes kay Pangulong Rodrigo Duterte na may petsang Nobyembre 18 kung saan inihayag nito na libo-libo sa kanyang mga constituent ang nakipag-ugnayan sa kanya para sa mabilisang approval sa pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng dagdag na P1,000 pension.
Ads
Sponsored Links
Napag-alaman na Enero 2019 pa dapat ini-release ang nasabing dagdag pension.
“At present, while we are thankful that Your Excellency has gone above and beyond your call of duty by providing various monetary aid such as the Social Amelioration Program, the Unconditional Cash Transfer, among others, for the benefit of our senior citizens, the successive ravage of the COVID-19 pandemic, an economic recession, massive flooding, and super typhoons have rendered our government’s current efforts to protect our senior citizens simply not enough,” dagdag na pahayag ni Ordanes.
Taong 2017 pa inaprobahan ni Pangulong Duterte ang paunang P1,000 na dagdag monthly pension benefit habang ang second tranche nito na dagdag P1,000 at dapat sanang makukuha ng mga pensioners simula Enero 2019.
Ngunit matapos umanong aprobahan ang dagdag pension para sa mga retirees, bumbaba umano ng 37% o P20.3 billion ang net income ng SSS noong 2017.
Basahin: Mag-a-apply ng SSS Calamity Loan? Narito ang mga Guidelines na Dapat Mong Malaman Bago Mag-apply!
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment