Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, November 02, 2020

DOLE, mamamahagi ng P13 billion Bayanihan 2 Cash Aid; Sino-Sino ang Makakatanggap?




ISA ka ba sa mga nawalan ng trabaho dahil sa krisis dala ng Coronavirus pandemic o Covid-19, ngunit walang natanggap na tulong mula sa gobyerno? Kung isa ka sa mga ito, hindi pa huli ang lahat dahil isa ka sa maaaring maka-avail ng employment at cash assistance program ng Department of Labor and Employment o DOLE.


Ayon sa DOLE, mamamahagi ang ahensiya ng P13 billion na cash aid sa mga trabahanteng nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19.
Sinabi naman ni Labor Undersecretary Joji Aragon, mula sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ang pondo na hahatiin sa mga sumusunod na programa;
  • P5 billion one-time assistance sa mahigit sa 993,000 displaced workers na nasa formal sector

  • P6 billion para sa emergency employment ng nasa 863,000 informal sector workers 

  • P2 billion para 200,000 repatriated migrant workers 
“Siguro by this week or early part of next week, rolling na po ito, meaning tuloy-tuloy na,” ang naging pahayag ni Aragon.


Ads


Hindi naman kasali sa programa ang mga trabahante sa pribadong sektor na una nang nakatanggap ng social amelioration program mula sa ibang government agencies.

Paliwanag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na hindi na kasali sa programa ng DOLE ang mga naka-benipisyo sa mga sumusunod na government programs;
  • Small Business Wage Subsidy
  • SSS Unemployment Benefit
  • Cash Assistance for Rice Farmers
Diskwalipikado din sa programa ang mga naka-avail ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD kagaya na lamang ng Social Amelioration Program o SAP.

Inilabas naman ng DOLE ang magkahiwalay na guidelines sa pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at COVID Adjustment Measures Program (CAMP) program.


Ads

Sponsored Links



Ano ang TUPAD Program at Sino ang Makakabenipisyo?

Para ito sa mga empleyado sa informal sector, self employed individuals na may elementary occupations at mga hindi nabayarang family workers.

Ang mga beneficiaries ng TUPAD ay iha-hire para mag-trabaho para sa 14 hanggang 16 na araw at babayaran base sa minimum wage sa kanilang rehiyon. Magiging limitado lamang sa apat na oras ang trabaho ng mga ito dahil sa Covid-19.

Maaaring makipag-ugnayan sa kanilang mga local government units ang mga nagnanais mapabilang sa programa. Isa lamang kada pamilya ang pinapayagan sa ilalim ng TUPAD.


Kabilang sa mga trabahong gagawin ng mga ito ay ang mga sumusunod;
  • Repair at maintenance ng mga public facilities
  • Tree planting
  • Mag-assist sa mga LGUs
  • Transportation services para sa pag-set up ng mga mobile markets
  • Disinfection at sanitation ng kumunidad, at iba pa.
Sa ilalim ng guidelines, prioridad sa ikalawang bahagi ng TUPAD program ang mga informal workers na nakapag-apply bago pa man ang Abril 30 ngunit hindi nakatanggap ng tulong.

Ayon sa DOLE, halos kalahating milyong mga displaced workers ang nag-apply para sa TUPAD benefits ngunit hindi natulungan dahil sa kakulangan ng pondo.

Malinaw din sa guidelines na maaring mag-apply ulit sa TUPAD program sa ilalim ng Bayanihan 2 ang mga nakatanggap na ng nasabing tulong.


Ano naman ang CAMP Program?

Sa ilalim ng CAMP program, mamimigay ang DOLE ng cash assistance na P5,000 sa mga displaced employees dahil sa Covid-19 partikular na sa mga dating nagta-trabaho sa mga micro, small and medium enterprises.

Kasama din sa CAMP ang mga teaching at non-teaching personnel sa mga pribado at pampublikong edukasyon at mga nawalan ng trabaho mula sa tourism sector.

Bahagi din ng CAMP na mabigyan ng access ang mga apektadong empleyaod sa mga job opportunities na naaayon sa kanilang qualifications.
Sa sektor ng turismo, P3 billion ang inilaan ng DOLE at Department of Tourism.

©2020 THOUGHTSKOTO

4 comments:

Unknown said...

hanggang ngayun po hindi po kmi nakakatnggap ng tulong khit po sa ibang ahensya wla man lng po kMng natanggap..

Unknown said...

Paano po kami makaa avail dyan at anong requirements?sap d ako nakatangap pati sa SSS.. simula nung lockdown d na ako naka work dahil bawal mag work ang ang buntis.. ngayon.. kapapanganak ko lng..

Unknown said...

Ako po gusto ko nlng trabaho kahit walang sap

Unknown said...

Ako po nwalan din ng work sna kht amo ngkaruon muli hirap walang work may pasyente p nmn ako n ate ko.mlaki budget nmen arw arw po walang sap n ntanggap ako at paranaque cash mn lng