Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, November 09, 2020

SSS, Naglabas ng Guidelines sa Housing Loan Moratorium





MANILA, Philippines — May housing loan kaba sa SSS at nahihirapang makabayad dahil sa pandemya? Good News ito para sa iyo dahil pinatutupad ngayon ng Social Security System o SSS ang dalawang buwang grace period sa pagbabayad ng housing loan.

Ito'y upang mabigyan ng kaginhawaan at sapat na panahon ang mga miyembrong makapag-bayad ng kanilang housing loan sa gitna ng krisis resulta ng pandemya dahil sa Coronavirus disease o Covid-19.

Sa inilabas na SSS Circular 2020-029, nakasaad na magbibigay ang SSS ng moratorium para sa mga miyembro nitong may kasalukuyang housing loan.


Ads


Ngunit malinaw na applicable ito para sa mga buwan ng Oktubre at Nobyembre. Ang nabanggit na moratorium ay naka-angkla sa Republic Act 11494 or the Bayanihan to Recover as One Act.

“Housing loan moratorium shall commence for the applicable month of October  with due date on Nov. 10  up to the applicable month of November   with due date on Dec. 10,’’ 


Sakop ng circular ang mga sumusunod na may housing loan;
  • Housing loan borrowers o duly designated successor-in-interest
  • Duly designated legal heirs with direct individual housing loans 
  • SSS employees
  • Overseas Filipino workers (OFWs)
  • Trade union members (TUMs) o workers organization members (WOMs) with direct housing loans
  • those with housing loans through participating financial institutions

Ads

Sponsored Links



Nilinaw din ng SSS na sakop lamang ng programa yong may mga housing loan na active ang amortization status, ibig sabihin na ang huling bayad mo sa amortization ay buwan ng Setyembre 2020.

“Housing loan borrowers or duly designated successor-in-interest or legal heirs, whether with original or previously restructured term that has already expired, are not qualified for the program,” 

Dagdag pa ng SSS na hindi na ito kailangang i-apply pa ng mga qualipikadong miyembro sa halip, madadagdagan lamang ng dalawang buwan ang housing loan payment term ng isang miyembro.

“Accrued interest during the moratorium period shall be paid by the housing loan borrower on the last month of the loan payment term,” “No interest shall be charged on interest payments falling due within the moratorium period.”

Una nang nagpatupad ng moratorium ang SSS sa pagbabayad ng mga short-term loans para sa mga buwan ng Oktubre at Nobyembre upang makatulong sa mga miyembrong apektado ng Coronavirus pandemic.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: