Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, October 21, 2020

SSS sa mga Miyembro: Mag-Ingat sa mga Scam at Online Fixers!




Hindi maikakaila na bilang mga miyembro ng Social Security System o SSS, marami tayong tanong o proseso na hindi basta-basta naiitindihan. Dahil dito, hindi din naiiwasan ng iba na mag-post sa social media ng kanilang mga tanong sa pag-asang masasagot ito ng mga taong may alam.

Ngunit nagbabala ngayon ang Social Security System o SSS sa miyembro nito lalong lalo na mga pensioners na hindi konektado ang ahensiya sa anumang social media accounts o Facebook pages na nag-aalok ng online assistance na may kapalit na bayad.

Ayon sa SSS, kabilang sa mga ina-alok na proseso ay ang paggawa ng SSS account, pag-file para sa anumang benipisyo, at pagpapadali sa release ng pension loans at retirement benefits.



Ads


Sinabi pa ng SSS na dapat maging vigilante ang mga miyembro at protektahang mabuti ang kanilang SSS accounts mula sa mga mapagsamantalang tao.

Pinasiguro din ng SSS na maaaring maproseso ang lahat na online application at transactions sa kanilang My.SSS online accounts na maaari namang ma-access sa SSS official website na sss.gov.ph at SSS Mobile App.

Sa mga online fixers naman, nagbabala ang SSS na maaaring maharap ang mga ito sa criminal o civil case dahil sa pagkuha ng mga confidential information at paniningil ng pera mula sa mga SSS members at pensioners.


BABALA NG SSS SA PUBLIKO

Siguruhin na tama at lehitimo ang SSS website o social media accounts na pinupuntahan niyo.

Huwag Maniwala, buksan o ikalat ang mga "clickbait" posts tungkol sa pa-raffle o cash bonus para sa mga SSS Members. Fake News ito.

Mag-ingat sa mga online scammers o fixers na diumano'y nag-aalok ng SSS-related services, kapalit ng "transaction fee", tulad ng sumusunod:
  • Pag-update ng member information through FB Messenger;
  • Pagkuha ng SS Number, UMID card, o Payment Reference Number;
  • Pag-apply sa Pension Loan Program; o
  • iba pang serbisyo tulad ng pag-file o paglakad ng claims.




Ads

Sponsored Links



Paglabag umano ito sa Section 17 ng Republic Act 11199 o SSS Act of 2018 at maaaring mamultahan ng hanggang sa P5,000 o pagkakulong na hindi bababa sa anim na buwan hanggang sa isang taon, o parehong parusa, depende sa desisyon ng korte.

Pina-alalahanan din ng SSS ang mga miyembro at pensioners na paglabag din sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 ang paggamit ng serbisyo ng mga online fixers.

Upang i-report ang pinagdududahang online fraud o kahalintulad na aktibidad ng mga online fixers, hinihiling ng SSS ang kanilang mga miyembro at pensioners na i-email ito sa kanilang SSS Special Investigation Department  sa fid@sss.gov.ph o direktang i-send ang reklamo sa kanilang social media accounts sa mga sumusunod;

  • Facebook — “Philippine Social Security System” 
  • Instagram — “mysssph” 
  • Twitter —“PHLSSS”
  • Viber — “MYSSSPH Updates"



©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: