Bilang miyembro ng Social Security System o SSS, importanteng updated ang record mo maging ng iyong mga beneficiaries. Importante ang impormasyong ito, dahil ang mga beneficiaries ang siyang makikinabang sa benipisyo ng miyembro kung sakaling mamatay ito.
Sa ilalim ng policy at guidelines ng SSS, may sinusunod na order of priority kung beneficiaries ang pag-uusapan. Sa Order of Priority bina-base ng SSS ang desisyon kung sino ang legal na benepisyaryo ng miyembro.
Sinu-sino ang mga beneficiaries ng namatay na SSS member ang nararapat na tumanggap ng death benefits?
Ads
May tinatawag na hierarchy of beneficiaries ang SSS.
1. Primary Beneficiaries
Legal na asawa, hanggang sa siya ay mag-asawang muli
Lehitimo, legal na inampon o ilehitimong anak ng miyembro na hindi pa umabot sa 21-anyos
Kung lagpas sa 21-anyos, siya ay may kapansanan at walang kakayahang suportahan ang sarili dahil sa pisikal o mental disability na taglay simula simula pagkabata o nakuha noong ito ay bata pa.
2. Secondary Beneficiaries
Mga magulang ng miyembro — madalas, sila ang beneficiaries ng mga single na SSS members na walang anak.
3. Designated Beneficiaries
Para sa mga single na walang anak at wala na ring mga magulang, maari silang mag-talaga ng designated beneficiaries. Maaaring italaga bilang designated beneficiaries ng isang SSS member ang mga taong malapit sa buhay nito, na maaring kamag-anak o malapit na kaibigan.
4. Legal Heirs
Kung walang itinalagang benepisyaryo, ang benepisyo ay mapupunta sa kanyang legal na tagapagmana nang naayon sa Law of Succession sa ilalim ng Civil Code of the Philippines.
Ads
Sponsored Links
Ano ang benipisyong matatanggap ng mga SSS beneficiaries?
Kung ang namatay na miyembro ay nakapaghulog ng 36 buwang kontribusyon bago ang semester ng kanyang pagkamatay, makakatanggap ng death pension ang kanyang primary beneficiaries.
Ang legal na asawa ay makakatanggap ng panghabambuhay na monthly death pension hangga't hindi ito nag-aasawang muli.
Ang halaga ng matatanggap ng benepisyaryo ay depende sa halaga ng naihulog ng miyembro pati na rin ang kanyang Credited Years of Service (CYS).
Makatatanggap din ng dependent’s pension ang mga menor de edad na anak ng namatay na miyembro katumbas ng 10% ng monthly pension o kaya naman P250, alinman ang mas mataas. Ang benepisyong ito ay para lamang sa limang dependent children. Kung sakaling mayroong lehitimo at ilehitimong anak ang namatay na miyembro, mas binibigyang prayoridad ang lehitimo na anak.
Kung walang primary beneficiary ang miyembrong namatay, lumpsum naman ang matatanggap ng kanyang secondary, designated o legal heirs.
Para naman sa mga miyembrong namatay ng wala pang 36 buwan ang naihulog na kontribusyon, ang kanyang primary, secondary, designated o legal heirs ay makatatanggap ng lump sum benefit.
Walang substitution na pinapayagan.
ALMIN: SSS Pensioner Kaba? Alamin Ang Ilang Pagbabago sa Pagtanggap ng Pension Mo Simula Ngayong Oktubre
Magkano naman ang tatanggaping pension ng mga beneficiaries?
Ang minimum na buwanang Death Pension ay P1,000 kung ang miyembro ay mayroong mas mababa sa sampung (10) Credited Years of Service (CYS); P1,200 kung may hindi bababa sa sampu (10 CYS); at P2,400 kung may hindi bababa sa dalawampu (20) CYS.
May P1,000 na additional benefit, epektibo noong Enero 2017.
Samantala, maari namang humingi ng dagdag na mga suporting documents ang SSS depende sa iyong claim.
©2020 THOUGHTSKOTO
10 comments:
Good day! tanong ko lang po paano kung patay na ung member at yung unang asawa ay kasal sila at patay nrn unang asawa, kasal nman po sa pangalawa, sino po pwde maging beneficiary kung ang mga anak ay hindi na menor de edad both po sa una at pangalawang asawa.
good day po,ask lng po.member ng sss cya almost 3yrs or more na po contri nya but accident happen di ma active sss contri nya.may makukuha pbang benefits sa sss nya para sa naiwang family still single pa po ang sss member.thanks
1988 @ 1989 kulang ng tag tatlong buwang contribution sa actual premium dko n po kya maglakad para ayusin ang record ko sa sss pa help nman po...1993 separated nko sa PLDT MARCH MARAMING BESES KO NPO PINA AAYOS...SUMMITED N NMAN UN MGA HININGI WLA PA RIN NANGYARI...NEED KO HELP NIU PARA MGAMIT KO NMAN SA GAMOT...PHYSICAL DISABILITY ANG CAUSE NG SEPARATION KO SA PLDT...MY LEGAL BENEFICIARY IS MS.PAULA EMILLE PEREZ IM A SINGLE MOM.SALAMAT PO N GOD BLESS SSS!!!
Ask lang po paano pag nag end na ang pension ng last minor kase mag 21 na sya meron pa po ba sila pwede i lumpsum as a legal child po . After all minors will be in legal age of 21 ????
Ako po s Eloisa magtatanong po sana ako kung bakit hanggang ngayon wala p din pong update o results sa death claim ng papa Ku at pension nman s mama ko.magtatatlong taon n po nyang nilalakad un at halos wla p din pong pagbabago.
Any po b dapat nmeng gawin.
Ako po s Eloisa magtatanong po sana ako kung bakit hanggang ngayon wala p din pong update o results sa death claim ng papa Ku at pension nman s mama ko.magtatatlong taon n po nyang nilalakad un at halos wla p din pong pagbabago.
Any po b dapat nmeng gawin.
Paano po kung yung namatay e matagal ng hiwalay sa asawa at nagkaron npo ng pangalawang asawa yung babae at mga anak napo yung babae pero namatay napo yung pangalawng asawa din tas ngyon naghahabol cya sa SSS ng tatay ko....
pano po pag namatay na ang asawa at 21 yrs pataas na mga anak pwede bang beneficiary ang apo?
Primary beneficiary at designated beneficiary lang po ba ang pwedeng mag claim ng sss benefits.
Pag po ang isang Tao na nag file ng sss pension tapos meron siang anak na minor may matatanggap bang pension ang anak
Post a Comment