Para mapadali ang pamimigay ng pension sa mga pensioners, ilang pagbabago ang ipapatupad ng Social Security System o SSS simula ngayong buwan ng Oktubre.
Una, sa halip na tseke, sa PESONet na idadaan ng SSS ang buwanang pension na tinatanggap ng mga retirees.
Ngayong buwan ng Oktubre 2020 ito magsisimula.
Ayon sa SSS, idadaan ang regular pension sa disbursement facility ng Development Bank of the Philippines o DBP sa pamamagitan ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) at DBP-accredited remittance transfer companies/cash payout outlets.
Ads
Maaari namang mamili sa mga sumusunod ang mga pensioners kung paano nila tatanggapin ang kanilang monthly payout.
- Sariling account sa alinmang PESONet participating banks
- E-wallet provider kagaya ng PayMaya
- Cash pick-up sa pamamagitan ng DBP cah padala sa pamamagitan ng M Lhuillier
Sa mga tumatanggap ng kanilang pension sa pamamagitan ng PESONet participating banks, hindi na kailangan pang i-enroll ang kanilang mga accounts. Ngunit sa mga tumatanggap ng cheke mula sa mga non-PESONet participating banks, kinakailangan ng mga itong magbago ng account bago pa man ang Oktubre 31.
"To receive pensions through PESONet participating banks, pensioners must enroll their respective single savings accounts to the SSS. For e-wallets, they must enroll their mobile number linked to their account, while for RTC/CPO, they must also register their mobile number where they prefer to receive the reference number," pahayag ng SSS.
Ads
Sponsored Links
Ipapa-alam naman ng SSS sa mga pensioners ang nasabing pagbabago sa pamamagitan ng kanilang registered email address o mailing address.
Narito ang listahan ng mga PESONet participating banks ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Samantala, binago naman ng SSS ang schedule ng pagbibigay ng monthly pension.
Ayon sa SSS, ibibigay ang monthly pension kada unang araw ng buwan sa mga pensioner na ang "date of contigency" ay mula 1st hanggang 15th day of the month habang kada ika-16 na araw naman ng buwan ang pension ng mga pensioner na ang "date of contigency ay mula sa ika-16 na araw hanggang katapusan ng buwan.
Simula ngayong Oktubre, ibig sabihin sa unang araw ng buwan makatatanggap ng pensiyon iyong mga may birthday mula 1 to 15. Tuwing ika-16 na araw ng buwan naman makatatanggap ng pensiyon iyong mga may kaarawan mula 16 hanggang 31.
Sakali namang mataon sa weekend o holiday, ang pension ay ibibigay sa huling working day.
Samantala, idinagdag ng SSS na "the schedule of release of accrued pensions for the resumption of suspended pension due to non-compliance with the Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) program will be on the 16th day of the following month after compliance with the ACOP has been received and encoded. The pension run for the resumption is done every 20th day of the month."
©2020 THOUGHTSKOTO
12 comments:
Kasama na ang dating ang dating pensioner na mayron na atm sa banko.
Paki explain po mabuti ang panibagomg sistema nyo regarding sa mga sss pensioner,,,sss pensioner survivor po aq,salamat
Kasama po ba ang mga mayron n pong atm? Bakit po kc ngaun lng kung kelan may pandemic.. Di nio po naisip yan nuon na pwede magpabalik balik mga tao sa mga gusto nio..
Ask ko lng po kelan po ibinigay ang pension increase na kulang na 1thousand??? Pinatatanong po ng wife ko na pensioner... Sana po ibigay na ng SSS, pandagdag sa pambili ng food at gamot. SALAMAT PO. PKI REPLY PO...
ung pension ko for September 2020 wala pa hanggang ngayon
hindi ko pa nareceive pension ko month of september madoble ba yun this month of october
Bakit as of today wala pa yung pension ko sa bpi card ko?
Yon po bang may atm n kasali sa pg registersa piso net
Yun ba nakakatanggap na sa bpi atm ng pension magpaparegister pa ?
Di po nakuha pensyn ng mother para sa buwan ng sept. Kailan makuha ito
May matatanngap p b ang erpat ko pag transferable ung pension nya ngayun patay n cia may burial po ba o lumsum n mkukuha?
paano po Kung sa metrobank,may pagbabago po ba?
Post a Comment