Bilang mga miyembro ng Social Security System o SSS, marami sa atin ang nakapag-rehistro na sa My.SSS Online para sa iba't-ibang online transaction na ino-offer ng ahensiya.
Ngunit kung marami sa atin ang nakapag-rehistro at nagsasagawa ng transaction online sa SSS, marami din ang nag-rehistro ngunit nakalimot sa kanilang password. Ang masaklap, pati ang email address na ginamit sa pagpa-rehistro sa My.SSS online ay nakalimutan din.
Ngayon ang problema, paano mo ma-recover ulit ang My. SSS Online Account mo? Kung may problema, siguradong may solusyon. Iyan ang siniguro ng SSS sa kanilang nga miyembro na matagal nang hindi makapag-log in sa kanilang My.SSS Online Account dahil sa nakalimutang password, username o email address.
Sa mga wala pang account sa SSS Online, narito ang 5 Simple Steps para Makapag-register sa SSS Online.
Ads
Number 1 — I-activate Online!
Kung nakalimutan mo ang iyong Username at Password, maari mo itong ma-recover online.
Pumunta lamang sa website ng sss na sss.gov.ph at i-click ang MEMBER na nasa ilalim ng PORTALS.
Lalabas ang panibagong windows para sa "Member Log-In".
Kung nakalimutan mo ang iyong Usernamr o Password, i-click lamang ang "Forgot Password" sa Member Log-In".
Sa panibagong windows, kailangan mong i-enter ang iyong Common Reference Number o CRN o SS Number. I-enter din ang captcha code at i-click ang "Submit"
Kung may access kapa sa email adress na naka-link sa iyong My.SSS Online Account, doon mo makikita ang dagdag na instruction ng SSS para sa password reset.
Ads
Sponsored Links
Number 2 — Tumawag sa SSS Hotline
Isa pang paraan upang ma-activate mo ang iyong My.SSS Online Account ay sa pamamagitan ng personal na pagtawag para sa resetting ng iyong account sa SSS Call Center. (Para ito sa mga may active pa na email address na naka-link sa My.SSS Account)
Bukas ang SSS Hotline mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes
1455 o 7917-7777 para sa mga taga-NCR
1-800-10-2255-777 para sa mga taga-labas ng NCR. Libre ito sa pamamagitan ng PLDT landline.
Number 3 — Sumadya sa SSS E-Center
Kung inactive naman ang iyong email address na naka-link sa iyong My.SSS Account, kailangang magsadya sa E-center sa pinaka-malapit na SSS Branch sa inyong lugar at magdala ng SSS UMID ID o 2 valid IDs with photo and signature para sa proper identification.
Number 4 — Email
Kung hindi mo kinaya ang unang tatlo, maaring humingi ng assistance para sa resetting ng iyong My.SSS Member Online Account sa pamamagitan ng pag-email sa
onlineserviceassistance@sss.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
1. Subject:PASSWORD RESET
2. Buong Pangalan
3. SSS Number
4. Detalye ng inyong concern
5. Attachment ng inyong SSS ID o 2 valid IDs
Pinasisiguro naman ng SSS na ginagawa ng kanilang concerened department ang lahat upang matugunan ang inyong email inquiries. Ngunit maglaan ng sapat pansensiya dahil posibleng matatagalan ng ilang ito bago masagot dahil na rin sa dami ng mga pumapasok na email sa system ng SSS.
Basahin: SSS Pensioner Kaba? Alamin Ang Ilang Pagbabago sa Pagtanggap ng Pension Mo Simula Ngayong Oktubre
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment