Maraming relasyon at pagkaka-ibigan ang nasira dahil sa utang! May mga pagkakataong gusto na nating kasuhan ang mga naka-utang sa atin pero hindi naman natin afford ang magastos na legal fees. Pero alam mo ba na may legal pero simpleng paraan para masingil mo ang naka-utang sa iyo? Tinatawag itong Small Claims Action kung saan maari mong idaan sa korte ang paniningil ng utang.
Narito ang mga common questions na tinatanong ukol sa Small Claims
1. Ano ang Small Claims?
Tinatawag din itong civil claims na para lamang sa pagbabayad ng utang na hindi lalagpas sa P400,000 o P300,000 depende sa venue ng claim ayon sa inamyendahang OCA Circular No. 45-2019, effective 01 April 2019.
Ads
2. Ano ang mga sakop ng Small Claims Action?
Mga utang na may value na hindi lalagpas sa P400,000, hindi kasama ang interes at gastos, para sa Metropolitan Trial Courts habang P300,000, hindi kasama ang interes at gastos para sa mga Municipal Trial Courts (MTCs), Municipal Trial Courts in Cities (MTCCs), at Municipal Circuit Trial Courts (MCTCs)
Sakop nito ang mga utang sa mga sumusunod:
- Contract of Lease
- Contract of Loan
- Contract of Service
- Contract of Sale
- Contract of Mortgage
- Para sa liquidated damages arising contracts
- Para sa pagpapatupad ng isang Barangay Amicable Settlement o Arbitration Award sa sinisingil na pera
Ads
Sponsored Links
3. Ano ang mga halimbawa ng Small Claims Cases?
- Kaso upang masingil ang pera mula sa isang taong may utang sa iyo (debtor)
- Kaso upang makolekta ang hindi bayarang renta mula sa umuupa
- Kaso upang makuha ang deposito sa renta matapos ang expiration ng lease
- Kaso upang makuha ang bayad para sa commission
- Kaso upang makuha ang bayad sa serbisyong naibigay
- Kaso upang makuha ang bayad sa mga goods o property na ibinenta o nai-deliver
- Reimbursement para sa ari-arian, deposito, o pera na pinahiram
- Civil action para mabayaran ang perang napapaloob sa bounced o stopped check
- Kaso para ipatupad ang mga nakapagkasunduan sa barangay ukol sa agreement on money claims
4. Ano ang layunin ng Small Claim?
Gawing simple, mabilis at hindi magastos ang pag-areglo o paniningil ng utang na may kinalaman sa pera.
5. Saan maarning mag-file ng Small Claim Case?
Maaring i-file ang small claim sa Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court in Cities, Municipal Trial Court and Municipal Circuit Trial Courts.
- Sa lugar kun saan nakatira ang Plaintiff o taong nagsasampa ng kaso o naniningil
- Sa lugar kun saan nakatira ang Defendant o taong kinakasuhan o sinisingil
- Kung ang Plaintiff ay nasa lending, banking business o kahalintulad na negosyo, ipa-file ang kaso kung saan nakatira ang Defendant kun may branch sa kanyang lugar ang negosyo ng Plaintiff.
6. Ano ang procedure para sa Small Claim?
STEP — 1
Nagsisimula ang small claims action sa pamamagitan ng pag-file sa korte ng accomplished at verified na State of Claim in duplicate kasama ang mga sumusunod;
- Certification of Non-Forum Shopping
- Splitting a Cause of Action and Multiplicity of Suits
- 2 Certified Photocopies ng Actionable Document o Pinirhaman (Promisory Note o Contract of Loan)
- Sinumpaang Salaysay ng mga Testigo - personal knowledge at bawal ang hearsay
- Iba pang mga ebidensiya
Laging tandaan na walang ebidensiyang pahihintulutan sa panahon ng hearing na hindi naisumite kasama ang Claim, maliban na lamang kung may magandang dahilan para isama ang karagdagang katibayan.
Ang ibig sabihin ng verified na statement of claims o verified response ay notaryado.
STEP — 2
Ang Plaintiff o nagkakaso ay magbabayad ng docket at iba pang legal fees, maliban na lamang kung isa itong indigent litigant.
Ano ang Indigent Litigant?
Nag-dedemanda na walang pera o ari-aria na sapat at magagamit para sa pagkain, tirahan at mga pangunahing pangangailangan para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.
Sakaling payagan ito ng korte na maging isang Indigent Litigant, siya ay magiging exempted sa pagbabayad ng mga sumusunod:
- Docket Fee
- Ibang Lawful Fees
- Fee on Transcript of Stenographic Notes
Ngunit ito ay sisingilin pa rin sa kanya bilang lein sakaling maging pabor sa kanya ang desisyon, maliban na lamang kung ipag-uutos ng korte na huwag na itong singilin.
STEP — 3
Susuriin ng korte ang isinampang claim. Posible itong i-dismiss agad sakaling may makikitang grounds ang korte para sa i-basura ang isinampang kaso.
Kung walang ground for dismissal maglalabas ang korte ng summons sa mismong araw na natanggap nito ang Statement of Claim. Dito uutusan ng korte ang Defendant na mag-sumite ng verified response.
Kasama na dito ang Statement of Claims, Notice of Hearing kung saan nakalagay ang araw ng hearing na hindi lalampas sa 30-araw mula nang matanggap nito ang kaso at malinaw na kabawalan sa pag-file ng motion to dismiss.
STEP — 4
Ang Defendant ay kailangang mag-file ng verified response sa loob ng 10 araw pagkatanggap nito ng Summon.
Kalakip sa verified response ay mga sumusunod;
- Certified photocopies ng mga dokumento
- Sinumpaang salaysay ng kanyang mga testigo
- Iba pang mga ebidenisya bilang patunay
STEP — 5
Ang korte ay maglalabas ng isang notice sa magkabilang panig. Aatasan ang mga ito na humarap sa hearing sa tukoy na petsa at oras kasama ang babala na walang unjustified postponement na papayagan.
Dadalo sa itinakdang hearing ang magkabilang panig, maaring personal o sa pamamagitan ng representante na pinapayagan sa ilalim ng Special Power of Attorney.
Gayunpaman, hindi pinapayagang mag-representa sa isang partido ang isang abogado, maliban na lamang kung ito mismo ang nagkakaso o kinakasuhan.
STEP — 6
Sa hearing, sisikapin ng judge na magka-ayos o magkasundo ang dalawag partido sa kanilang usapin.
Kung nagkasundo, magkakaroon ng settlement na pipirmahan ng dalawang partido at isusumite sa korte para sa approval.
Kung hindi sila mapagkasundo, tutuloy na ang hearing sa informal at mabilisang pamamaraan at tatapusin sa loob ng araw ding iyon.
Kapag hindi nag-appear ang plaintiff o nag-demanda sa araw ng hearing, ang Statement of Claims ay ibabasura, without prejudice.
STEP — 7
Sa loob ng 24-oras pagkatapos ng hearing, maglalabas ng desisyon ang korte. Isusulat agad ito ng Clerk of Court sa court docket ng civil cases at agad namang ibibigay sa mga partido ang kopya nito.
Pagkalabas ng desisyon, ang pagpapatupad o execution nito ay i-issue upon motion ng nanalo.
7. Maari bang i-apela ang desisyon sa Small Claim Cases?
Hindi. Ang desisyon ng korte sa small claims case ay final, executory at unappealable.
8. Maari bang dumalo sa hearing ang isang abogado?
Hindi pinapayagan ang mga abogado na dumalo sa hearing in behalf of or represent a party.
9. Maari bang dumalo sa hearing ang isang representante?
Pinapayagan ang representante sa hearing basta't may mahalagang dahilan. Importante ding kamag-anak ng individual party ang representante at hindi abogado. Kailangan lamang ng representante na magdala ng Special Power of Attorney o SPA.
10. Hindi ko alam kung paano gumawa ng statement of claims at iba pang legal documents, ano ang gagawin ko?
May templated forms na na ginagawa ang Korte Suprema para sa mga sumusunod;
- Statement of Claim
- Verification and Certification of Non-forum Shopping, Splitting a Cause of Action and Multiplicity of Suits
- Response
- Plaintiff’s Return/ Manifestation
- Motion to Plead as Indigent
- Special Power of Attorney
- Joint Motion for DIimissal
- Motion for Approval of Compromise Agreement
- Motion for Execution
Ngayong may ideya kana kung paano singilin ang nagka-utang sa iyo, pag-isipang mabuti kung kailangan bang humantong kayo sa korte dahil sa utang. Dahil sa ganitong paraan, masasabing tuluyan mo nang puputulin ang magandang ugnayan mo sa taong kakasuhan mo.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment