Sa mga palabas man sa telebisyon o sa tunay na buhay, nagiging masalimuot palagi ang istorya kapag may kalaguyo nang umeksena. Ilang tahanan na ang nawasak, ilang mga anak na ang naapektuhan at napariwara dahil sa problemang dala ng isang hindi kumpletong pamilya, at hindi maikakailang napakarami nang hindi magagandang naidulot sa iba pang mga taong apektado ng mga eskandalo at kaguluhang dala ng ipinagbabawal na relasyon.
Dahil dito, panahon na para maliwanagan ang mga biktima kung paano nila ilalaban ang kanilang karapatan nang wasto at naaayon sa isinasaad ng batas.
Ads
Ayon sa "Kapuso sa Batas" ng Unang Hirit na si Atty. Gaby Concepcion, mayroong pananagutan sa batas ang sinumang makipagtalik sa hindi nila asawa. Gayunman, kailangang tandaan na magkaiba ang kahaharapin ng lalaki at babae na nakagawa ng nasabing kasalanan.
"Una, kailangan natin i-clarify na sa ilalim ng batas natin, iba ang treatment sa mga lalaki at sa mga babae pagdating sa pakikipagtalik sa mga babae at lalaki na hindi nila asawa. So kapag sinabing adultery, ito ay pakikipagtalik ng isang babae sa isang lalaki na hindi niya asawa. Ngunit, ang lalaking nakipagtalik sa isang babae na hindi niya asawa, ay hindi guilty sa kahit anong krimen. Medyo unfair," ani Concepcion.
"Ang counterpart na krimen para sa mga married men ay concubinage. So ang adultery ay para sa mga babae lamang at ang concubinage ay para sa mga lalaki. At iba ang standards para rito," pagpapatuloy niya.
Ads
Sponsored Links
Bilang isang paglabag sa batas, ang mga babaeng makikipagtalik sa hindi nila asawa ay maaaring humarap sa hanggang 12 dekada ng pagkakakulong kung mapatutunayansa harapan ng korte ang pagiging guilty niya sa kaso ng adultery.
"Adultery, katulad nga ng mga sinabi natin, para sa mga kababaihan lang ito. Pinakamababa na ang two years, four months, and one day. And ang maximum would be 10 years and one day to 12 years na pagkakakulong kung sila ay mahahatulan na guilty.
Samantala, paliwanag ng abogada, bago maging guilty ang isang lalaki sa concubinage, kailangang mapatunayan na
"Kailangang mapatunayan na nakikisama at living together as husband and wife kasama ng kanyang mistress. Or kung hindi, dapat ay nakikipagtalik sila sa conjugal dwelling o sa bahay ng legal na husband and wife. Or nakikipagtalik sila under very dangerous circumstances, halimbawa, in public na nakikita ng kapitbahay," paliwanag ni Concepcion.
"So kung very discreet ang husband at patago niya na ibinabahay ang kanyang mistress, at binibisita lamang from time to time, or even under the cover of darkness, e maituturing na wala siyang krimen na ginagawa. So medyo unfair talaga," aniya.
READ MORE:
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment