Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, July 08, 2020

Meralco, Humingi ng Paumanhin sa Posibilidad na May Mali sa Komputasyon ng Electric Bill

Dahil sa ipinatutupad na community quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, hindi nakapagbahay-bahay upang magbasa ng metro Manila Electric Company (Meralco) kung kaya nag-estimate na lamang ito base sa karaniwang konsumo ng isang consumer.

Ngunit ang tanong ng marami: sumobra ba ang electric company ng tantsa sa singil sa kuryente?
Ads

Sa pagdinig ng mismong Senate Committee on Energy kamakailan, mismong Meralco na ang nagsabi na posibleng may "overestimation" sa sinisingil sa kanilang customer.

Ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), may 47,000 na reklamo na silang natanggap na may kinalaman sa sobrang singil o magulong bill distribution utilities at electric cooperatives sa buong bansa, kung kaya maglalabas na sila ng kautusan para i-refund ng Meralco at ng iba pang distribution utilities ang sobrang singil sa kuryente.
Ads

Sponsored Links
Idinetalye rin ni ERC Chairperson Agnes Devanadera ang ilan sa mga ipinangako ng presidente ng nasabing power distribution giant.

“May maganda namang nangyari at kinalabasan dahil mismong ang presidente ng Meralco, si Atty. Rey Espinosa, ang nagsabi kung ano ang kanilang mga gagawin at ang isa diyan ay sisiguraduhin nila na may mga corrective measures sila,” ani Devanadera.

“Ang commitment ng Meralco, hindi naman sila magpuputol hanggang September 30. So by that time, corrected na ‘yan at ire-refund nila ‘yung sobrang nabayad. Ngayon pa lang ay nagko-compute na sila. ‘Yun ang maganda roon,” pagpapatuloy niya. “Kahapon naman nag-commit na ang Meralco. Sinasabi nilang ire-refund. Ang sinabi ni Mr. Rey Espinosa ay magpupunta lang sa Meralco at bibigyan na ng refund."


Mga Reklamo

Kung titingnan ang mga hinaing ng customers, makikita na may mga kaso na nagsasaad ng mga reklamo tungkol sa pagkalito nila sa natanggap na bills mula sa ginawa nilang estimate.

“Totoo na may rules ang ERC na dapat ay estimate, pero sinabi rin ng ERC, sa aming advisory, na dapat nakasaad din alin doon ang estimate. Ang pinagbabatayan nga niyan ay ‘yung average ng past three months. Alam din naman natin na naroon na ‘yung tinatawag na load profile,” wika niya.

“Maski nasa opisina, mga bahay, ay may mga lugar na walang pumapasok dahil ipinagbabawal na nga so itong guidelines o advisory ay dapat tinalima nang husto ng distribution utilities kasama ang Meralco,” pagpapatuloy niya. “Nasasaad din naman na the moment na magkaroon na ng meter reading, dapat i-correct at saka sinabi rin naman ng ERC na huwag maniningil hanggang hindi lifted. Doon sa series of advisories na sinabi at ipinag-utos ng ERC na June 15 ang kauna-unahang date o petsa na puwedeng pagbayarin ang mga tao sa installment sa mga bills covering the ECQ [enhanced community quarantine] months – March, April and May."


ERC: Pinagtutuunan ng Pansin ang mga Hinaing

Samantala, tiniyak ni Devanadera na hindi naman napupunta sa wala ang pagpapahayag ng consumers ng kanilang mga saloobin dahil lahat ng ito ay natatanggap ng ERC at pinagtutuunan ng pansin.

“Katulad ng nabanggit n’yo kanina, ang naghain ng reklamo sa ERC ay 47,000 na. Itong mga reklamo na ito, ‘yong nag-text, marami ang e-mails tapos sa Facebook page ng ERC,” wika niya. “In other words, lahat ng mga reklamo, hindi kinakailangang nakasulat o pinadala sa amin o physically pumunta sa ERC, lahat ito na hinaing ng ating mga kababayan ay pinagtutuunan namin ng pansin."


OTHER NEWS:
©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: