Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, February 22, 2021

ALAMIN: Paano Ma-Check Online ang Iyong Philhealth Membership at Contribution Records?





MANILA, Philippines — MIYEMBRO kaba ng Philippine Insurance Corporation o PhilHealth? May bagong online facility na inilunsad ang Philhealth kung saan maaaring i-check ng bawat miyembro online ang kani-kanilang membership at contribution records.

Sa inilabas na pahayag ng Philhealth, inilunsad ng mga ito ang “PhilHealth Member Portal” kung saan maaaring i-view at i-verify ng mga miyembro kung tama ang kanilang impormasyon sa kanilang profile gaya na lamang ng pangalan, date of birth, address, employer at iba pa.

Pinapayagan din sa portal ang pag-download at pag-print ng Member Data Records o MDRs para sa mga miyembrong gustong magtago ng kanilang file at para sa mga miyembrong gustong i-check ang kanilang contribution history.

Ads


Sa mga miyembrong gustong i-check ang kanilang membership at contribution records, kailangan lamang ng mga ito na magpa-register sa portal ng PhilHealth sa kanilang website at gumawa ng sariling username at password.

Paano magpa-rehistro? Sundan lamang ang simpleng steps na ito:

Step 1 —  Pumunta lamang sa website ng Philhealth — https://www.philhealth.gov.ph at i-click ang "online services."
Step 2 — Sa online services, i click lamang ang "Member Portal Register/Log-In"
Step 3 — I-click lamang ang "Create Account."



Ads

Sponsored Links


Step 4 — Sa Member Portal Account Creation, ilagay ang mga impormasyong hinihingi gaya na lamang ng PhilHealth Identification Number, Pangalan, Birthday, Email Address at Mobile Number.

Sa ilalim nito, maglagay ng password, ilagay ang Captcha Code at i-click ang "Create Account"

Step 5 — I-check ang iyong e-mail para sa activaton link. Sa pamamagitan nito, maaari mo nang ma-check online ang iyong Philhealth records.

Step 6 — Mag-log in gamit ang iyong impormasyon. Ilagay ang iyong Philhealth number, password at captcha code. 

Kung successful ang iyong log in, makikita mo sa iyong online account ang mga sumusunod:
  • Member Information
  • Employer Information
  • List of Dependents
  • Member Contribution Payment Summary

Sa pamamagitan ng online PhilHealth Member Portal, makikita ng miyembro kung tama ang contribution nito sa Philhealth o hinuhulugan ng employer nito ang kanyang contribution.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang problema sa mga panahong kakailanganin mo ang iyong Philhealth.

©2020 THOUGHTSKOTO

3 comments:

totosafedb.com said...

The information you are providing that is really good. Thank for making and spending your precious time for this useful information. Thanks again and keep it up. 먹튀검증

slotmachine777.site said...

I need to to thank you for this great read!! I definitely enjoyed every little bit of it. I have got you bookmarked to check out new things you post. 릴게임

badugisitenet said...

I wanted to say Appreciate providing these details, youre doing a great job with the site.바둑이사이트넷