Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, February 03, 2021

5 Bagay na Dapat Mong Malaman Tungol sa PRN ng SSS!




MANILA, Philippines — SIMULA Abril 2021, magiging mandatory na ang paggamit ng computer-generated na payment reference number o PRN ng Social Security System o SSS.
Ayon sa ahensiya, sakop nito ang mga billing months ng Marso 2021 pataas.

Ano ang PRN?

Ang payment reference number o PRN ay system-generated number na naaayon sa loan billing statement ng individual member kagaya ng ma sumusunod:
  • Self employed
  • Voluntary
  • Overseas Filipino Workers
Maliban sa mga individual members, gagamitin din ito ng mga employer para mapadali ang agaran at tamang posting ng loan payments tugma sa kanilang loan accounts.


Ads



Sinabi ni SSS President at CEO Aurora C. Ignacio noong nakaraang taon pa sinimulan ng SSS ang implementasyon sa pagamit ng PRN para sa short-term member loan payment bilang bahagi ng Real-Time Processing of Loans (RTPL) program ng SSS.

Saan Maaaring Magamit ang PRN?

Ayon sa SSS, magiging mandatory na ang paggamit ng PRN sa pagbabayad ng mga sumusunod:
  • Salary Loan
  • Calamity Loan
  • Emergency Loan
  • Restructured Loan
“Since November 2020, we have been sending loan billing notices to member-borrowers and employers. This loan billing statement or notice contains a corresponding PRN, which individual members and employers must present when paying at SSS branches with Automated Tellering System (ATS) or any RTPL-compliant collecting partner,” bahagi ng pahayag ni Ignacio.


Ads

Paano Makakakuha ng PRN?

Mula sa unang araw hanggang ika-anim na araw kada buwan, magbibigay  ang SSS ng loan billing statements at notices na may kasamang PRN. Ipapadala ito sa mga individual members at employers sa pamamagitan ng kanilang email at registered mobile numbers.

Sakali umanong babaguhin ng individual member ang halaga ng kanyang babayaran, maari niya itong magawa sa pamamagitan ng kanyang My.SSS account o sa pagpunta sa SSS branches.

Para sa iba pang paraan para makakuha ng PRN, basahin ito — 6 Easy Steps para Makakuha ng PRN sa'yong My SSS Account.

Paano Gagamitin ang PRN?

Gagamitin ito sa pagbabayad ng individual members o employers. Maaaring i-print out ang kopya o i-screenshot ang PRN Loan and Statement of Account na may kasamang barcode. Makukuha ito sa pamamagitan ng  “RTPL PRN” module sa mga My.SSS accounts ng miyembro na makikita sa SSS website na — www.sss.gov.ph. 

Maliban dito, maaari ding i-presenta ang SMS ngg loan na may PRN mula sa SSS.


Sponsored Links



Saan Tinatanggap ang Pagbabayad ng Loan Gamit ang PRN?

Maliban sa mga SSS branches na may ATS, ang loan payments na may PRN ng mga individual members at employers ay tinatanggap din sa mga RTPL-compliant partners, Security Bank, at Union Bank of the Philippines.

Maaari ding magbayad ang mga individual members ng kanilang loan gamit ang PRN sa mga foreign branches ng Philippine National Bank.

Pagkatapos makapag-bayad, ang individual members at employers ay makakatanggap ng notification sa pamamagitan ng email at SMS na nagkukompirma ng bayad at posting.

Kinumperma naman ng SSS na tatanggapin na lamang hanggang March 31, 2021 ang mga non-PRN loan payments.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: