MANILA, Philippines — INIHAYAG ngayon ng Social Security System o SSS na walang basehan upang ipatupad ang ikalawang tranche ng inaprobahang pension increase para sa mga retiradong miyembro ng ahensiya.
Sa isinagawang hearing sa finances ng SSS, sinabi ni SSS President Aurora Ignacio na walang basehan para ipatupad ang P1,000 na dagdag pension sa mga retiradong miyembro.
“Right now, we have no basis for the implementation of the P1,000 [second tranche]. The actuarial study does not permit it, especially now,” ang naging pahayag ni SSS President Aurora Ignacio sa hearing ng House public accounts committee.
Ads
Isinagawa ang nabanggit na hearing matapos naipasa ang panukalang batas na magbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng kapangyaring suspendihin ang pagtaas ng SSS contribution ngayong taon.
“But we are not saying that we are turning back on any commitment because there was no commitment at that time,”
“Categorically, the answer right now is, not yet. We don’t have any legal basis for doing that on the actuarial side.”
Under the law, the SSS is required to do actuarial valuation every 3 years to study the benefits and the contributions "so we will know, more or less, where we are... as far as the funding is concerned," ang dagdag na pahayag ni Ignacio.
Ads
Sponsored Links
Ito ang sagot ni Ignacio sa tanong ni Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kung ipapatupad pa ba ng SSS ang second tranche ng dagdag pension sa mga senior citizens.
Sinabi din ni Ignacio na wala ding nabanggit na pension increase sa order na natanggap ng SSS mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
Sakali umanong may ipapatupad ang pension increase, dapat may increase din na mangyayari sa contribution.
"The pension increase would have a corresponding increase in contribution to allow the implementation,"
"That was the recommendation of SSS then and according to what was relayed to me," ang dagdag na pahayag ni Ignacio.
Una rito, maraming mambabatas ang nananawagan sa SSS na ibigay na ang ikalawang bahagi ng inaprobahang pension para makatulong sa mga retiradong miyembro sa kabila ng Covid-19 pandemic.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment