MANILA, Philippines — DAHIL sa hirap ng buhay, marami sa atin ang nag-file ng loan o iba pang benepisyo sa Social Security System o SSS upang may pangtustos sa mga pangangailangan.
May mga nag-file ng sickness benefits, maternity benefits maging ng mga death claims pero ang problema, hanggang sa ngayon, hindi pa rin natatanggap ang benepisyo. Isa ka ba sa mga nag-file ngunit naghihintay pa rin hanggang sa ngayon.
Sa inilabas na abiso ng SSS sa kanilang official Facebook Page na Philippine Social Security System o SSS, nakasaad na posibleng may mali sa disbursement account na inilagay ng isang miyembro.
BASAHIN: Mga Importanteng Reminders Mula sa SSS Upang 'Di Ma-delay ang Pagtanggap ng Pension o Loan!
Ads
Ayon sa SSS, narito ang mga "Most Common Reasons" kung bakit nababasura ang disbursement account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) na madalas naging dahilan kung bakit hindi mo pa rin natatanggap hanggang sa ngayon ang pinakahihintay mong benipisyo.
- Closed account — ito yong mga account na deactivated o terminated na.
- Dormant account — ito yong account na walang financial activity sa mahabang panahon maliban na lamang sa posting ng interest
- Frozen account — wala ka nang transaction na magagawa sa account na ito kaya hindi dapat gamitin bilang disbursement account.
- Joint account — bank account mo at ng ibang tao, maaaring asawa, business partner, o kamag-anak.
- No existing account — Naglagay ka ng account number na hindi nag-i-exist, maaaring gawa-gawa lang ang account number.
- Prepaid account o cash card account — mas kilala din ito sa tawag na payroll account, madalas ATM account na inisyu ng kompanya para sa sahod ng isang empleyado.
- Time deposit settlement account
- Dollar/foreign currency account - bank account sa ibang currency
- Account name na iba sa pangalan ng miyembro/employer o payee name sa SSS.
- Restricted account — halimbawa, special savings account, payroll account.
- Account na nasa non-PESO Net participating bank o financial institutions
- Typographical error - May mali sa pag-encode mo ng account number o pangalan.
Ads
Sponsored Links
Kung nakapag-enroll ka ng mga account na napabilang sa taas, maaari mong baguhin o i-update ang iyong disbursement account sa paamagitan ng Benefit Re-Disbursement Module sa iyong My.SSS account sa SSS website.
Paalala naman sa mga benefit payment sa pamamagitan ng MLhuillier na mababalik sa SSS ang pera kung hindi ito maki-claim sa loob ng 30-araw.
Para walang magiging problema sa pagtanggap ng benefit payment, siguruhing aktibo, nasa single savings account at siguruhin din na nasa PESONet participating bank ito at walang anumang restrictions ang inyong account.
Kung pipilin ninyo namang tanggapin ang pera sa pamamagitan ng cash payout outlet, gaya ng MLhuillier o e-wallets gaya ng PayMaya, siguruhing updated ang iyong mobile number na na-rehistro sa SSS upang agad na matanggap ang Claim Reference Number na ipapadala sa pamamagitan ng text.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment