Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Saturday, February 06, 2021

Libreng Dialysis sa Lahat na mga Senior Citizens, Inaprobahan ng House Panel




MANILA, Philippines — INAPROBAHAN na ng House Special Committee on Senior Citizens ang House Bill 7859 o “Free Dialysis for Senior Citizens Act of 2020” na nagsusulong na magiging libre ang dialysis sa lahat na mga senior citizens.

Sa ilalim ng panukalang batas, sasagutin ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang libreng dialysis sa kondisyon na gagawin ito sa mga PhilHealth-accredited hospitals at dialysis centers.

Kasama sa isinusulong na magiging libre ay ang hemodialysis, peritoneal dialysis at iba pang uri ng dialysis na inaprobahan ng Department of Health.


Ads


Si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordones ang author ng nabanggit na panukalang batas.

Sinabi ni Ordones, tumaas ang bilang ng mga nangangailangan ng dialysis ng halos 400% sa nakaraang 10 taon. 

Sa ngayon 90 session lamang umano ng dialysis ang tinutustusan ng Philhealth mula sa 144 dialysis session na average na kinakailangan ng isang senior citizen.

“This means that senior citizens who are at risk of developing serious complications and becoming a fatality due to kidney disease are still required to pay for the remaining 54 sessions,”

“Thus, for our senior citizens with kidney disease to survive, they need a total of P135,000 per year, an amount that is extremely onerous for our ten million senior citizens considering that most of them are already unemployed and reliant on their pensions,” ang bahagi ng pahayag ni Ordones.


Ads

Sponsored Links



Ang chronic kidney disease din umano ang isa sa mga pangunahing rason ng pagkamatay ng mga matatanda. Maaari umano itong maiwasan kung may maayos na access ang mga matatanda sa dialysis at paggamot.

Kaugnay nito, inaprobahan din ng house panel ang pagsasama-sama ng tatlong panukalang-batas na magbibigay ng libreng vaccination at immunization sa lahat na mga senior citizens.
Kinabibilangan ito ng house bill 6191, 7858, at 8052 na may layuning maproteksiyunan ang mga senior citizens mula sa iba't-ibag mga high-risk at death-related disease sa pamamagitan ng pamamakuna.

Matapos inaprobahan sa committee level, ipapadala na sa plenaryo ang nabanggit na panukalang batas para mapag-debatehan.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: