MANILA, Philippines — DAHIL sa patuloy na banta ng Coronavirus disease o Covid-19, muling pina-alalahanan ng Social Security System o SSS kanilang mga miyembro, claimants, at mga employers o ER na huwag basta-basta pumunta sa alinmang SSS branches sa buong bansa na hindi sumusunod sa number coding system.
Ito'y dahil istriktong ipinapatupad sa ngayon ang number coding system laban sa Covid-19.
Ayon sa SSS, ipinapatupad ang number coding system sa ilang transactions na ginagawa sa kanilang mga branches na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Pagbabayad ng contribution at loans
- Personal appearance para sa SS Number Application na ginawa online
- Pagkuha ng Unified Multi-Purpose Identification o UMID Card
- Pagpapakita o pag-sumite ng original documents upang suportahan ang claim applications
- Pag-gamit ng E-Center Facility sa mga walang computer o home internet
- Iba pang rason
Ads
Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, hindi papayagang makapasok sa alinmang SSS branches ang sinoman na pupunta na hindi naayon sa schedule nito.
“We are asking for everyone’s cooperation in the steps we are taking in our branches in order to curb the spread of Covid-19. We are strictly implementing these, so if you go to your branch outside your prescribed transaction day you will not be allowed entry,” ang naging pahayag ni Ignacio.
Para malaman ang transaction schedule, maaaring tingnan ng members, claimants at mga employers ang ulihing numero ng kanilang SSS o ER ID upang malaman kung pinapayagan pa ang mga ito na magsagawa ng transaction sa SSS branches.
Kabilang sa mga SSS Branches na nagpapatupad ng Number Coding System ay ang mga sumusunod:
- Lahat na mga branches sa National Capital Region
Luzon
- Antipolo
- Masinag
- Cainta
- San Mateo
- Tanay
- Baguio
- Dagupan
- Bacoor
- Biñan
Visayas
- Cebu
- Lapu-Lapu
- Bacolod
- Iloilo
Mindanao
- Cagayan de Oro
- Davao
Sa ilalim ng Number Coding System, Lunes ang schedule ng may mga 1 o 2 na huling SS o ER ID number. Martes naman para sa may 3 at 4; Miyerkules sa 5 at 6; Huwebes sa 7 at 8; at Biyernes sa 9 at 0.
Ads
Sponsored Links
Para naman sa mga kukuha ng Funeral o Death Benefit Claim, ang pagbabasehan ay ang huling SSS number ng namatay na miyembro.
Sakali namang holiday ang transaction day, maaaring gawin ang pagproseso sa susunod na working day. Kung may mangyayaring system downtime, ang SSS branch ay magsi-set ng appointment sa mga miyembro, claimants, o employers na nakapila o maaaring maghintay ang mga ito hanggang maging operational ulit ang system.
Sa mga may transaction naman na hindi na-mention, sinabi ng SSS na may mga drop boxes sa labas ng kani-kanilang mga branches kung saan maaaring iwan ng mga miyembro, claimants, o employers ang kanilang envelops na may lamang kaukulang dokumento para sa transaksiyon.
Ang kailangan lamang gawin ng mga ito ay sulatan ng pangalan, transaction type at contact number ang kanilang envelope. Kung kinakailangan, bibigyan ang mga ito ng appointment ng SSS branche upang ma-proseso ang kanilang transaction.
©2020 THOUGHTSKOTO
1 comment:
Seeing the various necessities and affinities of BSN understudies, these affiliations tailor ther nurs fpx 4030 assessment 4 responsibilities to give changed plans, changing as shown by different making styles, figuring out prerequisites, and unequivocal substance inclinations.
Post a Comment