MANILA, Philippines — KUNG may trabaho na o may kakayahan nang maghulog ng contribution, mas mabuting magpa-miyembro na sa Social Security System o SSS. Mas maaga, mas maganda dahil sa iba't-ibang benipisyong maibibigay nito sa iyo, bilang miyembro maging sa iyong mga benipisyaryo.
Sa ngayon, dahil sa pandemya dala ng Coronavirus disease o Covid-19, mas pinadali at pinabilis ng SSS ang proseso para sa application ng SS Number.
Para ito sa mga indibidual na mag-aapply ng SS number sa unang pagkakataon. Pag may SS number na, mas maging madali na ang pag-gawa ng My.SSS Online Account.
Sa pamamagitan nito, mas magiging madali para sa isang miyembro na i-check ang kanyang contribution, makapag-apply ng loan at ibang benipisyo bukod sa ibang pa serbisyo na hatid nito sa mga SSS members na hindi umaalis sa kanilang bahay.
Ads
Paano Makakuha ng SS Number Online?
1. Pumunta lamang sa website ng SSS na www.sss.gov.ph at i-click ang button panel na "No SS Number Yet? SS Number Online Application Apply Now!"
3. Basahin ang step-by-step guide, pagkatapos i-click ang "Start."
4. I-encode ang lahat na hinihinging impormasyon bilang bahagi ng Phase 1 Registration Process. I-tick ang box sa tabi ng "I'm not a robot" at i click ang "Submit."
4. I-encode ang lahat na hinihinging impormasyon bilang bahagi ng Phase 1 Registration Process. I-tick ang box sa tabi ng "I'm not a robot" at i click ang "Submit."
5. Ang aplikante ay makakatanggap ng email na may link na magda-direct sa Phase 2 ng Registration Process.
Laging tandaan na may limang araw lamang ang aplikante para kompletuhin ang application process bago mag-expire ang link.
Sakaling hindi ito magawa ng aplikante sa loob ng limang araw, babalik na naman ito sa unang proseso ng application.
Ads
Sponsored Links
6. Tapusin ang Phase 2 ng registration process sa pamamagitan ng pag-encode ng lahat na mga impormasyong hinihingi.
Siguruhing mailagay ang tamang address at contact information maging ang iyong preffered User ID para sa iyong My.SSS account at UMID ATM details (optional).
I-review ang mga inilagay na detalye bago i-click ang "Proceed"
Maaaring isulat sa isang papel ang mga impormasyong importante upang hindi makalimutan.
8. Pumili ng uri ng supporting documents na ia-upload, hanapin at i-upload ang file na hinihingi at i-click ang "Submit".
Siguruhing mababasa o readable colored images o nasa PDF form ang file na ia-upload na may maximum file size na 2MB only.
Dahil online na ang proseso, maaaring magawa ng sinoman ang pag-apply ng SS Number, kahit saan, kahit kailan sa basta't mayroon itong internet.
9. Kung pilipiin naman ng aplikante na ipagpatuloy ang registration na walang ina-upload na documentary requirement, may lalabas na notification box na nagpapa-alam sa miyembro na maaaring magawa nito ang pag-submit ng mga dokumento sa pamamagtan ng My.SSS account.
Makikita ito sa Online Member Data Change Request — Simple Correction na maaaring magawa kung may SS number na ang isang miyembro.
I-click lamang ang "Yes" pagkatapos i-click ang "Submit."
10. Sa prosesong ito, maaari nang i-print o i-download ng aplikante ang E-1/E-6, Transaction Number Slip at SS Number Slip.11. Makakatanggap ng dalawang email ang aplikante: Isa dito ang nagkukumperma ng kanyang SS Number Online Application habang ang isa naman ay naglalaman ng kanyang password set-up ng kanyang My.SSS Account, na kailangang i-activate ng miyembro.
Laging tandaan na ang accout activation at dapat gawin sa loob lamang ng limang araw dahil pagkatapos nito, mag-e-expire ang link at babalik na naman sa regular My.SSS registration ang miyembro sa pamamagitan ng Member Portal sa SSS website.
12. Pagkatapos ma-click ang link, i-lalagay ng miyembro ang huling 6-digits ng kanyang CRN/SS Number.
I-click ang "Submit."
13. Ilalagay ng miyembro ang nais nitong password at iko-confirm bago i-click ang "Submit."
©2020 THOUGHTSKOTO
1 comment:
Thaanks for posting this
Post a Comment